Chapter 10

42 3 0
                                    

C10_Assume... 

Dylan's POV

"Hoy, Dylan! Mauuna na ako sa inyo, di ako papasok ngayon!" sabay labas nya.Psh. Parang kelan lang, umiiyak toh, tapos ngayon, akala mo kung sino na naman, tss. Troublemaker.

"Baliw talaga yun,kuya. Mauuna daw sya sa atin pero di naman papasok. San yun pupunta?"Natawa nalang ako kay Darius.

"Bat ba ang init ng ulo mo dun?" Lagi kasi nyang inaasar.

"Sarap nyang asarin, gusto ko nga syang maging ate, kuya!"

*cough-cough-cough*

"Ano yang pinagsasabi mo?" Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak ng batang toh.Psh. nakakapanindig balahibo.

"Hahahahaha Pero di pwede, may ate Celine ka na eh, hahahahaha" Kahit sarili nyang kapatid inaasar nya?! Psh.

"Batukan kaya kita?"

"Grabe ka kuya? Nahawa ka na nga dun sa Ms. TM na yun" Tumawa na naman sya.

"Tss. Ngayon na dadating sina mama, wala kang planong umuwi?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mo lang solohin ang TM na yun eh" Aish! Kung di ko lang toh kapatid, nasakal ko na toh."Joke lang!"

"Ano bang gusto mo? Kaliwa o kanan?" sabay pakita ko sa kama-o ko.. Anong nakain nito at naisipang pagtripan ako?

"Grabe toh? Joke nga lang kuya eh? Uuwi ako mamaya." Buti naman dahil kung hindi araw araw nalang may kaguluhan dito sa loob.

"Ihahatid nalang kita" sabi ko naman sa kanya.


Sam's POV 

 Ayoko ngang pumasok ngayon! Tss. Nakakapagod lang. Naisip ko kasi, wala pa rin namang kwenta, di nga ako pinansin ng nanay ko. Kung alam nya lang nahihirapan akong magsuot ng uniform!Kaya balik nalang ako sa dati kong buhay!^_^Wahahahahaha Mamasyal nalang ako sa park. Baka andun na naman ang tatlong yun.

Umupo na muna ako sa bench, hihintayin ko lang sila.


Dylan's POV

Papasok na sana ako ng classroom namin, pero nakita ko si Kate na parang may hinihintay. Kaibigan nya kasi ang TM na yun.

"Dyl! Maaga ka ngayon ah?" At kelan pa ako nalate?

"Ou nga pala, lagi naman. Sya nga pala, hindi mo ba napansin si Samantha? Wala pa kasi sya, matapos ang dalawang linggong pagiging good student, binawi agad?"Di pa pala sinasabi ng TM na yun ang nangyari sa kanya.

"Mauuna na ako sayo, Kate" iniwan ko na nga sya dun.Bahala sya maghintay.

Di daw sya papasok? Anu naman paki-alam ko dun? Psh.


-practice game- 

Umabsent talaga ang babaeng yun? Ano naman kaya ang pumasok sa utak nun?Mukhang kailangan nang ipacheck ni Sander yung kapatid nya, kung anu-ano na ang mga naiisip.Tss.

"Hoy! Dyl! Ok ka lang? Ano na naman yang iniisip mo? Focus naman sa practice natin" Si Tyler pala.Di ko naman sana gustong sumali dito sa team nila, kaso kailangan ko daw. Pero hindi ko sinasabing di ako mahilig magbasketball, di ko lang trip ang maglaro sa madaming tao.

"Hindi, Ano! baka Sino!?" napatitig ako ng masama sa Jude na toh. Sino na naman ang tinutukoy nito?

"Okay! Joke lang!"Nagpraktis na nga din kami.Matapos naming magpraktis, dinaanan ko muna si Darius, ihahatid ko pa kasi sya.

Ms. Troublemaker & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon