Wait... WTF?! Sinaktan siya ni Cathleen?! Akala ko ba mahal siya nito? How can someone physically hurt the person they love? Paano nila nakakayang gawin un? I just don't understand.

Sa dami nang sinabi ni Althea, un ang tumatak sakin. Paano kung gawin un ni Cathleen everytime may gawin si Althea na hindi niya gusto? Ayokong masaktan si Althea ng paulit-ulit, kaya tama lang talaga siguro na itigil na namin ang ginagawa namin. Kung lagi lang siyang mahihirapan ng ganito, no thanks. Ako nalang. Masaktan na ang lahat, wag lang ang taong mahal ko.





"Althea, I get it. We'll stop. Wag na natin palakihin 'to. Enough na ung mga sinabi mo. Okay na." Tumayo na ako sa kinauupuan ko para pumunta na sa parking area, pero bigla akong pinigilan ni Althea.

She made me turn around, and I immediately stopped her when she was about to put her arms around my waist.

"Jade, please." May mga luha na ulit sa kanyang mga mata. I didn't really know what she was begging for.

Instead of asking, I just gave her a weak smile and a nod signalling that there was nothing more to say. Then I walked away. I HAD TO.


Nagpaalam ako kay Batchi bago ako sumakay ng sarili kong sasakyan. She asked what happened, pero hindi ako nagsalita. I didn't have the strength to talk anymore 'cause I felt so weak. I was actually surprised na nakaya ko pang magdrive pauwi.

Pagkarating ko ng condo, I turned off my phone dahil malapit na akong mapikon sa napakaraming texts at salitan na tawag mula kay Althea at Batchi.

I don't want to deal with anyone right now.

Humiga nalang kagad ako sa kama at ang naalala ko nalang ay ang walang tigil na pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.




//




*THE NEXT DAY*




SA OFFICE


I didn't wanna go to work today but I had to 'cause we have an early meeting with our client. Wala akong gana dahil besides sa pinilit ko lang bumangon kanina, sobrang sakit ng ulo ko. Ganito ba talaga kapag pagod na pagod ang utak kakaisip?

I was so thankful na inabot kami ng lunch time with the client since pumunta pa kami sa project site. Walang naging chance na kausapin ako ni Althea.



How is she? I don't know. I haven't looked at her since she arrived in the office. Not even a single eye contact. Nope.



Pagkabalik ko sa opisina galing site ay nadatnan ko si Cathleen doon, obviously waiting for Althea. Shit. She lightly waved at me, and I forced myself to flash a smile. Mabilis akong pumunta sa workspace ko para ilagay ang mga dala kong gamit. I needed to get out of the room within the next minute. Baka hindi ko makaya kapag nagkasama-sama kaming tatlo sa iisang room.

MAYBE ONE DAY (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora