Ang weird nya.. Pero mas weird ako, kasi sa tingin ko, na-love at fisrt sight, first touch at first kiss ako...

"Guys, you won't believe what happen to me earlier.. Just before I went here.."

"Lam mo Jared, alam naming matalino ka, kaso pare.. KANOSEBLEED KA!" reklamo ni Mico..

"Ano naman yan.. Baka kwentong barbero yan?" pang-aasar naman ni Phil..

"Mga loko! Hindi!"

"Eh ano nga? Bilis, ikwento mo na.." kunwari pa 'tong si Phil, magpapakwento din naman pala..

"In love na ata ako.." 

"Kwentong barbero nga.." akala ata nagbibiro ako..

"Seryoso ako.. I saw this girl kanina.. She looked kinda lost kaya nilapitan ko, pinagamit ko pa yung jacket ko sa kanya, kaya nga ako ang basang-basa ngayon.. Pero teka, bago ko ituloy yung kwento ko.. Pahiram ngang t-shirt Phil."

"Kumuha ka na lang dyan sa cabinet ko.."

Kumuha muna ako ng t-shirt, saka ako nagpalit ng damit.. Giniginaw na kasi ako..

"Oh, tapos, ano na?" pagtatanong ulit ni Mico..

"I asked her kung nawawala ba sya, at kung kailangan nya ng tulog.. Pero di sumagot, tinitigan lang ako sabay halik sa'kin!"

"Di nga..." sabay pa nilang sabi, di makapaniwala sa kinuwento ko..

"Duet pa talaga kayo ah.."

"Pinagloloko mo ata kami eh.."

"Kelan ko pa kayo niloko? Sa'ting tatlo ako ata pinakamatino!"

"Cge na, cge na.. Pero pare maganda naman ba?"

"Sobrang ganda, ang amo ng mukha, kaso ang weird nya diba? Hindi ko alam kung bakit nya ako hinalikan.."

"Wag mo na isipin yung dahilan, nag-enjoy ka naman ata!"

"Di lang nag-enjoy.. Na-in love pa.."

"Ay sows! Mr. lover boy..." pang-aasar na naman ni Phil..

"Guys, I need to see her again, ni hindi ko man lang nalaman yung pangalan nya at hindi ko nahingan ng contact no."

"Ano?? Eh, ang hina mo naman pala Jared.." makapagsalita naman 'tong si Mico, akala mo kung sinong expert sa babae..

"Bigla kasing tumakbo paalis, tapos di ko na nakita sa dami ng tao.."

"Baka naman nadismaya sa'yo.. Baka di ka daw masarap humalik! Hahaha!"

A Kiss in The Rain - EXCERPT (Now Available in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon