Chapter 2- New Friend

66 3 0
                                    

Chapter 2

Pumasok na kami ng kapatid ko ng sabay. After ko silang pagtawanan, naka recover na ako sa pagka bad trip ko. Hehehe. Parang nakaganti na rin kasi ako nun. Masaya namang simulan mo ang umaga mo ng nakangiti at tumatawa di ba?

Sa daan, soundtrip lang kami. Tig isang earphone lang kami na kapatid ko, isa lang kasi ung ipod namin eh regalo pa yun ni mama samin. Meron kami dapat na magka ibang regalo, kaya lang naisip namin ng kapatid ko na pag isahin na lang, pwede naman kaming magshare eh. Eh di ba nga sabi ko sa inyo partners in crime kami nito kahit lagi kaming nag aaway at nag aasaran.

Pagdating namin sa school, syempre maaga pa nga kami eh. Kaya konti pa lang nandito, kadalasan ung mga staff pa lang at mga estudyanteng excited dahil first day, karamihan freshmen. Yung mga barkada ko, naku mga buzzer beater kumbaga sa basketball u eh. Bakit? Kasi sakto sakto lang sila kung dumating palibhas malalapit lang ang bahay dito sa school. Kaya solo flight muna ako, naghiwalay na rin naman kami ng kapatid ko eh. Ayos lang naman, malamig ang hangin, sarap mag lakad lakad.

Lakad...

Lakad..

Lakad..

Yung mga paa ko parang may sariling isip, sa mga gantong wala akong kasama alam na alam na niya kung saan ako dadalhin. Sa secret haven ko, tambayan ko. Konti lang pumupunta dun kasi sabi nila may multo daw dun, isang batang naglalaro, tumatakbo habang tawa ng tawa. Yun ang sabi nung mga nakakita o nakarinig na. Pero ayos lang sakin hindi ko naman sya guguluhin eh, tahimik lang naman kasi ako pag nandun ako.

 Ang serene kasi dun, actually 2nd garden yun ng school o dating garden nung may ari ng school. Hindi lang ako masyadong sigurado. Dito kasi sa compound ng school nakatayo yung bahay ng may ari eh. Pero nauna yung bahay nila, tapos nung nagpagawa sila ng school dito na rin nila pinatayo. Sa, ganto nga yunng itsura nung place, may maliit na pond sa gitna, wala ng isda pero may tubig pa rin. Alaga pa rin anman to nung mga caretaker eh, kaibigan ko na nga sila kasi madalas naabutan nila akong nakatambay dito. Sa paligid nung pond mraming halaman,(garden nga di ba?) hehe.. tapos sa isang glid may dalawang upuang bato na pahaba, sa kabila namang side, may swing ung may bubong tapos magkaharapan yung upuan. (Pag hindi pa kau nakakita nun, bahala kayo. Hehehe)

Dami ko sinabi ayan nandito na ko. Then I saw a girl,nakaupo sya dun sa upuan ko. Yes, upuan KO kasi may pangalan ko yun eh! Nakakainis bakit siya nakaupo dun?!! BADTRIP AH! >___<

                Lalapitan ko na talaga eh, kaya lang bigla syang lumingon naramdaman sigurong may tao.

O.O  - nagulat ako, umiiyak yung babae pag harap sakin.

                Ayan nawala yung galit ko kanina, tinuloy ko na yung paglapit ko sa kanya.

“Hi!”- bati ko.

Tiningnan niya lang ako.

Paupo ako ah.”

“......” – siya yan. Hindi siguro marunong magsalita to. Pero wala namang special education dito sa school eh.

“Freshmen ka?”- tanong ko, kasi ngayon ko lang sya nakita dito sa school eh.

Umilimg lang sya. Ah eh di transferee pala.

“so, transferee ka pala. Anong year mo na?”

“.......” – hindi uli sumagot. Ano ba dapat ba ang tanong ko answerable by yes or noi lang?!! Eh bakiy naman kasi kinakausap ko to, hindi ko naman nga to kilala. Haiii...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our PromisesWhere stories live. Discover now