Chapter 4

12 1 0
                                    

V's POV


"SINONG NAKIKIPAG-DATE?!" pag-uulit nung lima. Kailan bang sabay sabay kapag itatanong sakin yan?



"Ah .. Eh .." Puta nasa hot seat ba ako? Masyado ng intense. Woah!



"Anong meron?" napabaling ang atensyon nila ng bumukas ang pintuan ng kwarto at iluwa nito si Jungkook.



"Tsismoso ng mga to'! Wala yun. Nevermind about a thing." Sambit ko.



"Maniniwala na sana ako kaso nag-engrish ka pa." - Jhope



"Aish! Wala lang yun. Tara, tulog nalang tayo."sabi ko tsaka sumalampak na ulit sa higaan at nagtalukbong ng unan.



"Akala ko naman kung ano na." Sabi ni Suga hyung.



Naramdaman ko ang paglabas nila sa kwarto at pagsara ng pintuan kaya nakahinga ako ng malalim.



"Ano ba kasi yun?" Nagulat ako sa biglang nagsalita, nandito pa rin pala si Jungkook. Akala ko lumabas na rin siya.



Sasabihin ko ba?



"Sino yung kasa-kasama mong babae kanina?" Tanong ko pero nakatalukbong pa rin ako sa may kumot. Oha ang ayos ko talaga makipag-usap.



"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya rin. Aba, ano to' puro tanungan? Walang sagutan? Pwede pala yun no? Astig!



Tinanggal ko na yung pagkakatalukbong ko sa unan tsaka umupo sa kama at hinarap siya. Umupo na rin siya sa gilid ng kama.



"Nakita kita .. este kayo pala kanina sa may playground. Sinundan kasi kita. Sino ba yun Jungkook?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.



"Hindi kita pipilitin kung --" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.



"Girlfriend ko yun. Ikaw pala yung tangang nauntog kanina." Kung nanlaki yung mata niya kanina, mas doble naman yung laki nung akin ngayon. Hindi ako makapaniwala.



"Ano? Girlfriend mo?" Naguguluhan kong tanong. Baka kasi may tutuli lang akong nakabara at mali yung pagkakarinig ko. Simula kasi nung magdebut kami di pa ako naglilinis ng tenga. Pero gwapo ko pa rin.

Jungkook's Secret [FANFIC]Where stories live. Discover now