Item No. 4

5K 298 23
                                    

Kinabukasan, nag-send ng text si Maine kay Alden tungkol sa bolpen nito. Tinignan niya saglit ang selpon nang dumating siya sa trabaho sakaling nag-reply ito. Kahit nga nasa gitna siya ng pag-aayos ng mga papeles ay tinitignan niya pa rin ang selpon kung may nag-text.

Baka busy lang talaga siya ngayon, Maine, sabi niya sa sarili. Kaya naman buong atensyon na itinutok niya na rin ang sarili sa trabaho. Tatlong oras mula ngayon, may meeting ang lahat ng department managers ng kompanya tungkol sa mga ipapasok na intern. Kaya hindi siya dapat ma-distract kasi isa siya sa mangunguna sa meeting.

Isa-isang nagsilabasan mula sa projector ng conference room ang mga mukha ng mga ini-rekomendang intern at mga naging achievements nito. Dumaan na sa paglilitis ng Human Resource department ang mga ito kaya ngayon, ang mga managers naman ang maghuhusga para sa huling desisyon. Habang nagbabatuhan ang mga managers ng gusto nilang intern na ipasok sa sarili nitong department, nakaramdam si Maine ng vibration mula sa bulsa niya. Pa-sekretong nilabas niya ang selpon sa ilalim ng mesa at tinignan ang kakadating na text.

From: My Boyfriend

A big THANKS, Maine. Thank you. Really! Kukunin ko iyan pag nagka-oras ako.

Tama nga siya, mukhang busy ito sa shooting. Hindi niya alam kung bakit, pero napangiti na lang siya sa pangalang nakalagay sa ibabao ng mensahe. Ang My Boyfriend. She is texting her boyfriend, which is si Alden Richards. Her fantasy is unraveling right before her very eyes. At walang kamalay-malay si Alden.

To: My Boyfriend

Take your time.

Ibabalik na sana ni Maine ang selpon sa bulsa nang bigla itong nag-vibrate agad. Napangiti siya ng todo nang mabasa ang mensahe. Akala ko ba busy siya....

From: My Boyfriend

Guess what?

What? Reply niya dito. Rinig niya ang reklamo ni Patricia sa manager ng Accounting Department pero dinedma niya agad ito. Wala namang bago doon, lagi naman nagka-clash ang Marketing Department at Accounting dahil bongga kung magpromote ng baging produkto ang Marketing at kuripot maglabas ng pondo ang Accounting.

Napangiti agad si Maine ng nagvibrate uli ang selpon niya.

I still have our selfie. – Text ni Alden. At may peace sign pa na live emoticon sa dulo. Namilog ang mga mata ni Maine ng maalala ang bahaging iyon kagabi. Gusto niya makita ang itsura dahil sa totoo lang, halos wala siya sa sarili nang mga oras na iyon. Ni hindi nga niya maalala kung anong klaseng pose ang ginawa.

To: My Boyfriend

Alam mo... ang sama mo dahil hindi mo pinakita sakin ang larawan.

From: My Boyfriend

If you insist...

Napanganga si Maine ng makita ang naka-attach na larawan sa message ni Alden. Doon, nakita niya ang sarili na parang nakapa-bebe wave, pouting lips, at murderous eyes. ANG PANGET NIYA SA PICTURE!

Ang sarap ihampas ng ulo niya sa mesa. Someone please remind her not to drink any liquor in the future. Ang unang selfie niya kay Alden, ganito pa ang kinalalabasan. Halatang lasing na siya dito. At talagang hindi siya maka-get over sa panget ng pose niya.

Please delete that photo... text niya dito.

From: My Boyfriend

Nope. This picture should be treasured. Sa totoo nga, pinapagaan nito ang araw ko ngayon.

My Mischievous ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon