Item No. 2

5.4K 292 22
                                    


Pabalik-balik na naglalakad si Maine sa sala at hindi ma-ipinta ang mukha. Tumatakbo ang oras at kapag hindi pa siya makabuo ng desisyon ngayon, mali-late siya sa trabaho. Natitiyak siya na gagambalain nito ang trabaho niya kapag ipagpapaliban niya.

Huminto siya at hinawakan ng mahigpit ang selpon. Ang tanging paraan lang para ma-contact niya si Alden ay kung tatawagan niya ito. At kung tatawagan niya nga ito, malalaman nitong nagsinungaling siya, na hindi niya talaga de-ni-lete ang number nito. Yes, of course, nakapangalan ang contact number ni Alden bilang My Boyfriend sa selpon niya.

Napabuntong-hininga si Maine at humarap sa kisame. Hindi naman siguro talaga magagalit si Alden kung tatawagan niya ito, diba? Bagkus, baka matuwa pa ito dahil mababalik na dito ang bag nito.

Bumuntong-hininga uli siya bago pinindot ang call.

"Hello?"

Nagulat si Maine sa boses ng babae mula sa kabilang linya. Tinignan niya saglit ang screen ng selpon at tama naman ang number ng tinawagan niya, number nga ito ni Alden.

"S-S-Si Alden?"

"Oh, he is busy right now. Can I ask who is calling?" Ang tamis ng boses ng babae. Natagpuan na lang ni Maine ang sarili na nagseselos sa kung sino man iyang may hawak sa selpon ni Alden.

"Maine... Maine Mendoza."

"Maine Mendoza..." ulit ng babae na parang inaalala kung may kakilala ba ito sa ibinigay na pangalan. "I'm Sam Pinto, by the way. Do you want me to relay a message to him?"

Namilog ang mga mata ni Maine sa ibinigay na pangalan ng babae. Sure, she obviously got some manners. Pero sinagot nito ang tawag na hindi naman para dito so hindi pa rin ito ganoon kabait. Hmp! Nakakaselos ang babaeng ito.

"Yes. Hi, Sam. Uhm, pakisabi na lang kay-"

"Maine?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Maine ng marinig ang pamilyar na baritonong boses sa kabilang linya.

"Alden?" Halos humiyaw na si Maine sa sinabi.

"Uhm, yeah..." Natawa ito saglit dahilan para mapangiti si Maine. "Napatawag ka?"

"Pasensya na ha? Kahit sinabi kong idedelete ko ang number mo pero hindi ko nagawa kasi-" Natigil si Maine sa sinabi nang maalala na hindi naman talaga ito ang gusto niyang sabihin. "Anyway... natagpuan ko na ang bag mo!"

"Really?" Hindi maitatanggi na sobrang nasiyahan si Alden sa narinig. Napangiti uli si Maine. "Sana wala kang appointment mamayang gabi because I am treating you to dinner as my token of gratitude?"

Mas lumapad ang ngiting sumilay sa mga labi ni Maine. "Sure ka? Hindi ko talaga iyan tatanggihan, Alden."

Natawa na naman ito at nakaramdam ng kakaibang kiliti si Maine sa loob ng tiyan niya. "Seryoso... ilillibre kita mamaya," anito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila, humiyaw si Maine sa kilig. Ang dami na niyang interaction kay Alden tapos magdidinner date pa sila mamaya!

Pero sandali lang ang kasiyahang naramdaman ni Maine nang maalala si Sam. Napatingin siya sa orasan ng selpon bago napabuntong-hininga. "So talagang may relasyon sila ni Alden..." malungkot na sabi niya sa sarili.

Hindi maglalakas ng loob na sasagutin ni Sam ang phone ni Alden kung plain friends lang sila, diba? Tsaka, mag-a-alas otso pa lang ng umaga... ang aga naman nilang magkasama.

Pinilit na inayos ni Maine ang sarili at kinuha ang shoulder bag mula sa coffee table. Kailangan na niyang magtrabaho bilang HR manager. Kung totoo man na may relasyon si Sam at Alden, wala na siya doon. Maging masaya na lang siya na inimbitahan siya ng idolo niyang magdinner sa labas. After all, sinong tagahanga ba ang makakapagsabi na kasama nilang kumain ang idolo nila ng silang dalawa lang?

My Mischievous ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon