Chapter 8: Let the Games Begin

Bắt đầu từ đầu
                                    

DJ: And?

Alexa: I told him na gusto ko sumama sayo..             

DJ: But I have work today, sweetie.

Alexa: Sabi nga ni Tito na you’ll say that.

DJ: Tama Tito mo.

Alexa: Pero sabi din po ni Tito na matagal ka na ring di nagbabakasyon, Ninong. Tama ba sya?

DJ: Yes.

Alexa: Then magvacation ka today!

DJ: Pero Alexa…

Alexa:  Pleaaaaaaaaaaseeeee Ninongggg?

DJ: Hay. Okay. Put your Tito Quen on the line.

Alexa: YESSSS!!!

Quen: Naconvince ka ba ni Alexa?

DJ: Hindi naman nya ko binigyan ng choice.

 

__________

-          Enrique’s POV –

“SUCCESS!” Sigaw ko pagkababa ng phone at naghigh five kami nila Julia at Alexa.

This is going to be a FUN day for DJ and Kath.

__________

-          Kathryn’s POV –

“Okay now Mommies and Daddies, please fold your newspapers in half.”  Sabi ng emcee ng party.

Mommies and daddies talaga? Nakaka-stress!

Nakita ko si DJ na nagfofold ng newspaper kagaya ng instructions na binigay ng host. I tried my best not to throw a tantrum.

Tinawagan ako ni Julia this morning para itanong kung pwede ko daw ba ibabysit si Alexa, yung pamangkin nya, at samahan sa birthday party ng friend nito dahil gustong gusto nitong pumunta pero di nila masasamahan. At dahil matagal ko na ring di nakakasama si Alexa naisip ko na okay naman na magbonding kami at wala rin naman akong gagawin.

Kaso when I arrived sa bahay nila Julia andun rin si DJ and it turned out na tinawagan sya ni Quen para pasamahan din si Alexa. Sabi pa ni Quen di naman daw nya alam na natawagan na pala ko ni Julia. Pero alam naman naming pareho ni DJ na hindi totoo yun at pinlano talaga nila to. Nevertheless, we gave in anyway. Hindi lang talaga naming kayang iwan si Alexa. She seemed too excited na makasama kami today. Kahit nga si DJ na alam kong madami pa ring kailangang gawin sa opisina ay di nya makayang iwan ang bata.

Nakakatawa dahil mukhang hindi aware si DJ na children’s party ang pupuntahan namin today. Gulat na gulat sya dahil alam ko namang hindi talaga ito ang kind ng parties na gusto ni DJ. Hello? Walang wine, walang champagne, walang kahit anong alcohol. At higit sa lahat, walang mga babaeng pwede syang makipagflirt. Puro lang mga batang nagtatawanan, balloons and games.

Speaking of games, eto kami ngayon napilitang maglaro ng games para sa adults.

First up, newspaper dance. Ayaw talaga naming pero wala naman kaming nagawa ng muntik nang magtantrums si Alexa kung umayaw kami.

Bumali ako sa kasalukuyang nangyayari sa laro.

WHAT? Ganun na lang kaliit ang natitira sa newspaper?!

__________

-          Daniel’s POV –

This is bad. We’ve only had a few rounds pero ang liit na ng pagkakatupi ng dyaryo.

“STOP!” Sigaw ng emcee.

From 5 pairs nang magsimula ang game na ito, 3 na lang kaming pairs na natitira. Sa sobrang busy namin ni Kath sa pag-figure out sa kung pano kami poposisyon sa newspaper medyo nakakalimutan na naming sumayaw.

*Masama to. Dalawang paa na lang ang kasya sa newspaper.* Nasa isip ko.

At ng sumigaw uli ang emcee ng stop! Nilagay namin ang tigisa naming paa sa newspaper. At dahil maliit na masyado ang papel muntik na kaming matumba. Buti na lang  kumapit bigla si Kath sa batok ko at napahawak naman ako sa bewang nya.

Nakakapanic naman tong larong to. At ng medyo nawala na ang panic ko narealize ko ang posisyon naming 2.

Both our right foot were on the newspaper habang nakataas naman ng konti ang kabila. We have our legs in between each other’s legs and we don’t have any space in between our bodies! At dahil summer ngayon, di rin naman makapal ang suot naming dalawa.

*HAY JUSKOLERD. THINK HAPPY THOUGHTS, DJ! HAPPY THOUGHTS!* Paulit ulit kong binabanggit yan sa utak ko.

“Okay, now tingnan natin sinong pair ang pinakamatagal makakapagstay sa position!” Nagulat ako sa sinabi ng emcee.

*LOOOOOOORD, WHY MEEEEEEE???*

__________

-          Kathryn’s POV –

Alam kong sobrang namumula na ang mukha ko ngayon. Pano ba naman di ata nauso ang salitang space sa position namin ni DJ ngayon.

To top it all, a particular part of DJ’s anatomy down south is pressing on my body!

*Ano ba naman kasi Daniel Padilla, bakit ba pinanganak kang  ‘gifted’?! NAKAKASTRESS!!!* sigaw ko sa utak ko.

Muntik na kong mahimatay nung sinabi ng emcee na ang mananalo ay ang makakapagstay sa position na un the longest. May galit ba talaga sa kin ang universe?

*UTANG NA LOOB MAY BUMAGSAK NA SANANG OTHER PAIRS!* Gusto ko na magwala.

And as if on cue, the pair right next to us swayed and nahulog silang dalawa.

FINALLY!

__________

Author's Note: Yeay! New chapter. Very very light SPG lang. Hope you liked it. Comments please? :)

After AllNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ