44

7.9K 256 158
                                    

Song used: Goodbye MyLove by Ailee

X

Napasuntok sa manubela si Pokerson at hindi mapigilan ang mga luha nito. Lumabas ito dahil para bang nay pumipigil sa kanya at gusto niyang makita ng malapitan ang aksidenteng naganap ngunit nagtatalo ang puso at isip niya.

Maging ang gulong ng truck sa tabi niya ay hindi niya pinalampas.

Nawalan siya ng lakas ng loob na lumapit sa pinangyarihan ng inisidente dahil nadudurog ang puso niya.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala sila, si Meng at ang mga anak ko".

Napasabunot si Pokerson at sumigaw ito habang nakatingin sa langit.

"How could you do this to me huh? You're not a savior" habang tinuturo niya ang langit.

Lahat ng tao ay pinagtitinginan siya pero wala siyang pakialam.

"Magsama kayo ng mama ko. Dahil gustong gusto niyong sirain ang buhay ko!"

Napahawak si Pokerson sa ulo niya at lumuhod ito sa harapan ng kalsada.

Narinig ni Pokerson ang mga sirena ng ambulansya kaya agad niyang sinundan ito.

Kahit naka red ang stoplight ay hindi niya ito pinansin. He followed the ambulance hanggang makarating ng hospital.

"Miss, nasaan yung mga naaksidente"tanong niya sa frontdesk.

"Sir nasa emergency room pa po sila pero yung batang babae nasa morgue na. Second floor po."malungkot na sabi ng nurse bilang pakikiramay dahil alam niyang baka kamag-anak siya ng mga naaksidente.

Parang biglang nawala ng tao sa paligid ng hallway dahil tanging boses ng isang bata ang naririnig niya.

"Daddy, I want a doll"umiiyak na sabi ni Rifle.

Iyon ang paulit-ulit na naririnig ni Pokerson sa hallway ng hospital.

"Daddy.." pilit hinahanap ni Pokerson kung saan nagmumula ang boses at dinala nga siya sa morgue ng hospital.

Nanginginig siyang naglalakad habang umiiyak. He doesn't know kung ipagpapatuloy niya pa ang pagpunta sa morgue dahil hindi niya alam kung kakayanin niya.

Sumunod naman niyang narinig ang umiiyak na boses ni Rifle noong hinostage siya ng mga holdaper.

"Mommy...Daddy!"

"Daddy, I want a doll"

"Mommy..Daddy!"

"Daddy, I want a doll"

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng hawakan niya ng doorknob sa morgue. Napapikit siya at tumingala dahil pinipigilan niya ang mga luha niya.

"at ang prinsesa niyo si Rifle.. She's so lovable. Lahat sila mahal ang mommy nila. Kahit hindi ako yung tunay nilang ama, napamahal na ako sa mga bata. She can turn war into peace"naalala niya ang sinabi ng kapatid niya ng nasa hospital siya.

Naglakad siya ng dahan-dahan at bumungad sa kanya ang isang bata na nakahiga at nakabalot ng puting kumot at duguan. Nakalabas ang isang kamay nito at iyon ang unang hinawakan ni Pokerson. Nakalaylay ang kamay sa gilid ng kama at hindi mapigilan ni Pokerson na halikan ito.

Nagflashback sa utak niya ang unang beses na niyakap siya ni Rifle matapos ang pag-aaway nila ni Angelina. Maging ang pag-uusap nila ni Meng noon ay naalala niya.

Flashback:

"Paano kapag nagkaanak tayo? Anong nararamdaman mo?"

"I will be the best Dad in the world."

Huling-Huli Ko Ang Pag-Ibig Mo (MaiChard/AlDub Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon