30

5.5K 221 37
                                    


"Meng.."sambit ni Pokerson.

"I will do anything for you. Sabay tayong magsisimula"

"Salamat Pokerson"

"I love you Meng, whatever happens. Dead or alive"seryosong sabi ni Pokerson sabay kiss sa noo ni Meng.

"Kakayanin natin to. Mr. And Mrs.Pokerson kaya tayo."nakangiting sabi ni Meng. Hinawakan ni Pokerson ng mahigpit ang kamay ni Meng at inabot niya ang isa pang baril sa dalaga.

"Basta't kasama kita"wika ni Pokerson.

Sabay nilang ikinasa ang mga baril na hawak nila at hinihintay ang pagpasok ng mga miyembro ng Brotherhood.

Bago pa man pumasok ang Brotherhood ay nagulat si Pokerson nang halikan siya ni Meng.

"Mahal kita Pokerson, dead or alive"sambit ni Meng.

Handang-handa na silang lumaban at hinihintay ang pagpasok ng mga Brotherhood ngunit wala ang mga ito.

Sumenyas si Ricardo sa kapatid niya kaya nagpasya silang lumabas habang nakatutok ang mga baril sakaling sugurin sila.

Saktong paglabas nina Meng, Pokerson, Maicy at Ricardo ay nakatutok ang lahat ng baril ng nga miyembro sa kanila.

Kung bibilangin, mahigit kumulang nasa trentang katao ang nasa harapan nila.

Lahat ng miyembro ng Brotherhood ay pibalibutan sila at kinuha ang mga baril na hawak nila.

"Sumunod kayo"utos ng isang lalaki.

Hinawakan nila ang kamay ni Meng ngunit nakatikim ng suntok ang lalaki kay Pokerson.

"Don't touch her"matipid na sabi ni Pokerson.

"Bakit ha? Pinasok niyo ang teritoryo namin kaya may karapatan kaming gawin ang lahat. Tulad nito"

Lahat sila ay hinawakan sa dalawang kamay at hinila si Meng ng kanang kamay ni Bogart, si Jericho.

"May magagawa ka pa ba kung gawin ko 'to sa babaeng mahal mo?"pang-aasar niya. Hinalikan niya ang balikat ni Meng hanggang nakarating ito sa tenga ng dalaga.

Nanlaban si Meng ngunit nahihirapan siyang igalaw ang mga kamay niya dahil mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang lalaki.

"Lumaban ka!!"sigaw ni Jericho kay Pokerson.

"Mga duwag pala kayo. Matuto kayong lumaban ng patas"sabi ni Pokerson habang nakayukom ang mga kamao niya.

"Kausapin niyo lang sila habang naghahanda kami"bulong ni Kris sa mga devices nila. Nagtinginan sila Meng at Pokerson sa narinig nila at parang nag-usap sa mga mata.

"Meng magrelaks ka lang.. nandito lang kami sa likod."sabi naman ni Topher na palihim umakyat sa hagdab upang makahanap ng magandang pwesto.

Si Ladder naman ay dahan-dahang naglakad upang patayin ang main switch ng hotel. Kasama niya si Yanie upang mabigyan niya ng signal ang mga kasamahan.

Balak nilang patayin ang ilaw upang makawala sina Pokerson at sugurin ang mga kalaban.

"3,2,1"bilang ni Yanie. Namatay ang lahat ng ilaw sa resort at agad nanlaban sina Meng at Pokerson. Hindi magkanda-ugaga ang mga Brotherhood kung ano ang gagawin nila.

Ang hindi nila alam, naglagay ng powder na neon green sina Pokerson sa taas ng pintuan upang pagpasok nila ay matatapunan sila nito. Hindi nila ito mapapansin dahil magkakaroon lang ito ng kulay kapag madilim.

Huling-Huli Ko Ang Pag-Ibig Mo (MaiChard/AlDub Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon