4

7.3K 305 27
                                    

MAINE POV

"Ang aga aga yang mukha mo Maine parang binagsakan ng langit at lupa" bati sa akin ni Yanie. Kumbaga sa pelikula, partners in crime kaming dalawa. Sino pa bang magdadamayan? Natural yung mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

"Don't talk to me" kako. "Aba nag eenglish ang aking Queen Barker" wika ni Topher.

"Tigilan mo ko Topher. Huwag ako" pagmamaldita ko sa kanya. Inabutan niya ako ng yosi at sinindihan ito. "Relaks ka lang. Wala ka nanamang pera no?"

"Isa pa Topher" banta ko. Malapit na ang exam ni Lhexy pero kulang pa rin yung ipon ko. Ayokong magaya siya sa akin na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

"Maine magaling ka naman sa 1.2.3. Isang dukot lang yan sagot ang problema mo" sabi ni Yanie. Sa tuwing ginagawa ko ito ay parang nababawasan sng araw ko sa lupa. Marami na rin akong pagkakautang kaya no choice ako.

"May prospect ba?" tanong ko sa kanila. Itinuro ni Yanie ang isang Amerikano sa kanto. "Bagong salta sa looban. Boyfriend ni Alicia"

"Aba may umahon nanaman sa kahirapan" wika ko habang hinihithit ang sigarilyo. Kitang kita ko ang kapal ng wallet niya sa likod.

"Gora ba? Dahil kung ayaw mo ako ang didiskarte diyan." sabi ni Topher. "Akin na 'to. Kailangan ko lang ng tulong niyo" wika ko.

"No problema aking sinta" sagot ni Topher.

Magkakasya na ito para sa gamot ni nanay, tuition ni Lhexy at gastusin sa bahay.

"Last na 'to ha" sabi ko sa kanila. "Sa sampung taon nating magkakasama, last week sinabi mo ulit na last na"

Sige na aamin na ako. Nakasanayan ko nang gawin 'to. "Tanggapin na nating ang katotohanan friend. Sakit na natin 'to. Kapit sa patalim. Kesa naman kumapit ka sa mmmm. Ayoko non. Kahit tambay ako prinepreserve ko ang pagkadalaga ko" pabiro kong sabi sa kanila.

"Game na?" tanong ni Topher. Hinintay naming maglakad ang Amerikano hanggang sa kanto. Saktong sakto dahil hindi niya kasama si Alicia. Maisasakatuparan ko ang plano.

Naglakad na si Yanie patungo sa Amerikano at ako naman ay nakaabang sa bulsa nito.

"Help me help me" ani Yanie. "Why? What's wrong?" tanong ng biktima.

"My love is dying. There. Can you come with me?" umiiyak na si Yanie at natataranta na rin ang Amerikano. Pagkakataon ko na ito para kunin ang wallet niya.

"Where's your love? What happen?" kunwaring nasangga ko siya at nagsorry ako. Alam kong wala na ito sa konsentrasyon kaya nasungkit ko ang wallet niya.

Patay malisya akong naglakad palayo. Pakanta-kanta pa para hindi obvious na magnanakaw ako. Aba sa ganda kong ito mapagkakamalan pa ako?

"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kund sundin ito" kanta ko. Para akong naglalakad sa ulap habang kumakanta. Nginingitian ko pa angmga nakakasalubong ko.

Napahinto ako nang makarating ako sa simbahan. "Sorry po. Last na 'to pramis" sabi ko. Para akong nasusunog sa sikat ng araw. Lord patawarin niyo na ako. Kailangan ko lang talaga ng pera.

Nadistract ako nang marinig ko ang busina ng motor sa likuran ko.

"Ano ba ang luwang luwang ng daan" reklamo ko.

Patuloy lang siya sa pagbusina na lalong ikinainit ng ulo ko. Aba sinusubukan mo ako ha.

"Ano sapakan na lang oh" hamon ko sa kanya. Tinanggal niya ang helmet niya at bumungad sa akin ang ubod lalim niyang dimples.

"Siga mo naman" sabi ni Richard. Naglakad na lang ako palayo ngunit nararamdaman ko ang pagsunod niya.

"Wala ka bang pangarap sa buhay mo? Bakit mo ko sinusundan ha?" sabi ko.

"Hoy Richard Pokerson alam ko maganda ako pero hindi mo ako madadaan diyan sa mga pacute mo" kako.

Hinubad niya sa harapan ko ang jacket niya. Nakasando lang siya sa loob at nakakasilaw ang kanyang kaputian. Lord nasa heaven na ba ako?

Inabot niya ito sa akin. "Gamitin mo" sabi niya.

"Bakit ko gagamitin yang jacket mo"? pagmamaldita ko sa kanya.

Bumaba siya sa motor niya at lumapit sa akin. "Hoy Pokerson ano yang ginagawa mo?" sigaw ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. Shemay bakit ako nanlalamig sa kanya. Yung amoy niya parang amoy ng forever.

"Itali mo 'to sa bewang mo. Butas yang pantalon mo nakakahiya ka" ika niya. Pinilit kong sulyapan ang likod ko at may hati ito. Pero tinahi ko 'to noong isang araw.

"Maine hindi Pokerson ang apelyido ko, Faulkerson. Saka pinagtataka ko rin. Friday ngayon pero bakit may nabasa akong SAT sa panty mo?" pang-aasar niya sa akin

"Alam mo Pokerson umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong pakain ko sa'yo yung Friday na panty ko" galit na galit kong sabi. Nginitian niya ako at parang lumakas ang hangin.

"Joke lang. Tara foodtrip tayo" aya niya. "KelaN pa tayo naging close?" tanong ko.

Shemay yung pawis niya parang pabango. Kung pwede ko lang igarapon ang mga pawis niya may pabango na ako good for 1 year. Papangalanan kong "Pabango ng Forever".

"Choosy ka pa?" pahayag niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Ganyan Maine Mendoza magpakipot ka rin para hindi niya isipin na easy to get ka.

"Basta. Sumakay ka na sa likod ko." utos niya. Choosy pa ba ako? Pero lilinawin ko lang ha. Wala akong gusto sa'yong demonyo ka. Gutom na rin ako kaya sasama ako sa'yo.

Sumakay ako sa likod niya at hindi ko alam kung hahawakan ko ang bewang niya. Umayos ka Maine. Hindi ito stairway to heaven. Pagkain ito.

"Humawak ka sa bewang ko" utos niya.

"Bakit?" pabebe kong tanong. Bakit kinikilig ako sa kanya saka bakit pinagpapawisan ako ng malagkit.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ay ipinulupot sa bewang niya. Para akong baby na nakakapit sa Daddy.

"Hmmmm bango bango. Amoy baby." kanta ko sa isipan ko.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bayan. "Anong ginagawa natin sa Jollibee?" kako.

"Ninong kasi ako ng may birthday diyan. Dinala kita dito para mging proxy ko. Manliligaw pa ako sa kabilang bayan. Heto isang libo pakisabi may importanteng lakad ako" sabi niya.

"Hoy Pokerson dinala mo ako dito tapos iiwan mo? Hindi mo ba alam ba may lakad din ako? Ginto ang oras ko at wala akong oras makipagbiruan sa'yo" sobrang galit kong sabi. Halos pagtinginan na kami ng mga tao at wala akong pake.

"Huwag ka nang maarte Maine. Mag-uwi ka nalang ng pagkain niyo nina Lhexy. " utos niya. Isinuot niya sng helmet niya at pinaharurot ang motor.

Anong tingin niya sa akin? Feeding program? Humanda ka talaga sa akin Pokerson. Kapag tumapak ka pa sa looban hindi ka na talaga makakalabas ng buhay.

Huling-Huli Ko Ang Pag-Ibig Mo (MaiChard/AlDub Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon