2 *PAST AND PRESENT*

18.4K 379 2
                                    


Isandaang taon na ang nakakalipas, nang lusubin ng mga ligaw at masasamang kaluluwa ang lugar na Caelus Kingdom. Isa itong lugar na pinaka iingatan pa nina King Sky At Queen Luz ngunit sa kasamaang palad ay naglaho ang kalahati ng Kingdom na iyon. Lumipas ang panahon ay bumuo ng pamilya ang mag asawa. Ipinanganak ni Queen Luz sina Sunny at Stella. Sa paglipas ng panahon, nakakilala si Stella ng isang lalaki na pinangalanang Ice at nagkaroon pa siya ng bestfriend na lalaki na si Iris. Samantala, lihim namang nagkakaroon ng poot, galit at inggit si Sunny dahil dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanyang kambal kung kaya ilang beses niyang tinangkang lasunin ang boyfriend ng kanyang kambal na si Ice. Hindi nagtatagumpay si Sunny kaya naghintay siya, ng matagal. Hanggang sa dumating ang panahon na ikinasal si Stella at Ice. Lumipas ang dalawang taon ay nagbunga ang gabi gabing pagsiping ng mag asawa, at ito ay si Winter at Wendy. Ngunit nung gabing iyon ay nawala rin ng parang bula si Winter at tanging si Wendy lamang ang natira sa kanila. Nagtaka na rin sina King Sky at Queen Luz sa biglang pagkawala ni Sunny.

16 years after.

"Anak, gumising ka na diyan at ipapasok pa kita sa school mo. Tandaan mo ang tinuro ko sayo ah. Pag may nang-aaway sayo, gantihan mo. Wala akong anak na nagpapa-api." Mahabang litanya ni Nanay Sunny.

"Heto na po oh, kanina pa ako tapos. Hindi ko po nakakalimutan."Winter

Ay bago ko makalimutan, ako nga pala si Winter Wilson, 16 years old. Ang sabi sa akin ni Nanay Sunny inabandona na ako ng aking mga magulang at hindi na hinanap. Kaya siya na ang nag alaga sa akin. Ngunit may sikreto ako na hindi niya alam. May mga tao akong laging nakakausap sa aking panaginip. Sino kaya sila?

"Ay sige, tulala ka na namang bata ka! Bilisan mo kumain diyan." Sabi ni Nanay

Pagkatapos kong kumain ay sumakay kami sa likod ng isang malaki at kinatatakutang agila. Oo. Nakakausap ko ang mga ganung uri ng hayop. Sabi ni Nanay Sunny gifted raw ako kaya hanggang ngayon tine-train pa rin niya ako para kung sakaling lumabas ang tunay kong kapangyarihan ay hindi ako matataranta at alam ko kung ano ang aking gagawin.

Pagkatapos ng trenta minuto ay nakarating kami sa Niger Kingdom at may sumalubong sa akin na isang naka itim na kapa. Ito na siguro yung tinatawag nilang taga-sundo/taga-bantay sa Kingdom na ito.

"Tandaan mo sinasabi ko sa iyo ah. Oh sige na pumasok ka na diyan. Maiiwan na kita ah.." Nanay Sunny

Nagkumpas lamang ako ng kamay ko bilang pamamaalam sa aking ina. 

*********


WINTER: The Long Lost Ice Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon