"Uhmm!? Sinasamahan ka?" Parang hindi nito siguradong sagot sakin.

I skeptically stared at her.

Huminga muna siya bago nagsalita. "Ayaw kong makita ako o makausap si Chance. Baka nandun na siya sa classroom eh. Tsaka, pumunta siya sa bahay kahapon at---. Basta, may mga nangyari. Kahit ngayon lang, gusto ko munang mawala siya sa paningin ko. Kahit ilang sandali lang."

Kahit na-curious ako sa pagputol at sa pinagsasabi nito ay hindi ako nag-usisa sa kung ano iyong 'nangyari' nayon. Instead, I keep my mouth shut and focus sa pag-ala-ninja. Tulad ng sinabi ko noong nagdaang mga araw ay hihintayin ko lang na kusang loob niyang sasabihin sakin ang tungkol doon.

"Just go straight to me if you ever need my help. Don't hesitate, okay?" Seryosong sabi ko sa kaniya.

Gusto kung maramdaman at malaman nito na nandito lang ako kapag kinakailangan niya ako. Wala na nga akong nagagawa kapag pinagtitripan siya ni Chance dahil ayaw niya akong madamay kahit man lang sana sa pamamagitan nito ay matulungan ko siya. Handa akong gumawa ng hakbang kahit na ang kapalit ay kumawala sa safety zone na binuo sa sarili ko.

Mayamaya hinila ko na siya papunta sa classroom namin. Hindi naman kasi pwedeng buong araw kaming magtatago dahil kailangan na naming pumasok. Absent, pa naman kaming dalawa kahapon.

Hindi na nagpahatid pa sakin si Lou papuntang classroom niya dahil baka masagupa ko pa iyong dalawang lalaking pinagtataguan ko. Dumeretso na lang ako sa silid-aralan at doon ay hindi nagtangkang umalis maliban noong lunch break. Kailangan ko naman kasing kumain. Bumalik din ako ng makabili ng makakain sa cafeteria. Mahirap ng magkamali. Kailangang mag-ingat ng mabuti.

Lumipas ang araw na tahimik at normal. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan. Nakapagtataka kasing kahit anino ng dalawang magkapatid o presenya mg mga tauhan nila ay wala sa eskwelahang iyon.

'May nangyari kaya dahil kahit ang ibang estudyante dito ay masyadong tahimik na para bang may tinatago.'

Pinilig ko ang ulo ko para mapalis ang mga pangambang nararamdaman. Pero...iba  kasing rumesbak ang mga iyon. Hindi mo basta-basta malalaman ang pinaplano nila. Mabibigla ka na lang isang araw sumabok na pala sa harapan mo ang paghihiganti ng mga ito. Lalong lalo na kapag si Damon mismo ang gumawa. Kaya mas lalo akong hindi makapakali.

Napalunok ako sa mga naisip. Mas nanainis ko pa siguro na gumagalaw na sila kaysa sa ganito na masyadong tahimik at kalmado ang paligid.

"Aiko mauuna na ako sayo ha. Tumawag kasi si mama at pinapauwi na ako kaagad." Paalam sakin ni Lou.

"Sige, tatapusin ko lang 'tong binabasa ko at uuwi na rin ako." Tumango lang ito at nagmamadaling umalis na.

"Uhm...Ai, ingat ka sa pag-uwi ha." pahabol pa nito.

I smiled then said, "Oo naman. Ikaw din Lou." Tumango at kumaway ito bago tuluyang naglakad palayo.

Pagkatapos kong mabasa iyong isang chapter ng librong ay iniligpit ko na ang mga gamit ko. Wala rin naman akong naiintindihan doon dahil lumilipad na naman ang isip ko. Isa pa, nagbabadya na rin kasing umulan at nasa bench pa naman ako ng soccer field. Ayokong abutan dito ng ulan.

Tumambay kasi kami rito ng biglang nagkaroon ang mga guro ng isang general meeting noong galitnaan ng unang klase sa hapon. May mga estudyante rin ang tumatambay at naglalaro sa iba't-ibang bahagi ng paaralan ngunit iyong iba ay nagsiuwian o namasyal sa kung saan.

Nasa gilid na ako ng kalye at malayo-layo na rin sa may eskwelahan nang mapansin ko ang isang itim na kotse sa may likuran ko. Hindi ko alam kung anong klaseng modelo ng kotse iyon pero sa tingin ko'y isa sa mga mamahaling kotseng pangkarera. Wala naman kasi akong kaalam-alam tungkol sa mga kotse.

Napakabagal magmaneho ang driver nito na parang sinasabayan ako sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin at mas minabuting ituon ang pansin sa nilalakaran ko.

'Ano kayang lulutuin kong ulam mamaya? Sabi ni Kuya Ward ay naggrocery siya kahapon kaya marami akong mapagpipilian kung anong iluluto ko.' Iniisip ko habang naglalakad, ang layo pa kasi ng school bus mula dito.

"Kanina pa 'tong buntot ng buntot sakin ah."

Makailang liko na kasi ang nagagawa ko'y nakasunod pa rin iyong itim na kotse.

Huminto ako at hinarap iyong kotse. Tumigil rin ito sa pag-andar. Tinitigan ko ito ng mabuti, nagbabakasakaling makikita ko ang taong nasa loob noon ngunit wala akong maaninag. Ilang minuto ko iyon tinititigan pero hindi man lang binababa noong nasa loob ang bintana ng kotse niya.

Mayamaya ay nagdesisyon akong hayaan na lang at nag-umpisa na namang maglakad ng bigla kong naiisip na, "Si Damon kaya..."

'Oh! Sh*t!' Nang maisip ko iyon ay kumaripas ako ng takbo.

Pero nang lumingon ako'y bumilis rin ang pagtakbo ng kotse hangang sa maabutan na ako. Hanggang nasa tabi ko na ngayon ito at habang tumatakbo ay unti-unting rin bumababa ang bintana ng kotse. Bumilis ang tibok ng puso ko sa antisipasyong malaman ang nagmamaneho noon.

Bigla na lang ako napalundag ng may bumusina sa harapan, 'di kalayuan sakin. Napahinto ako at napatingin sa lalaking kumakaway at nakaupo sa motorcycleito.

"Hon!! Kanina pa kita hinahanap!" sigaw nito sakin.

'Spence?' Bangkit ng isip ko ng makilala ko ang lalaking iyon. A smile form into my lips. Tumakbo ako papunta sa kaniya at sinunggaban ng yakap ito ng makalapit ako sa kaniya.

"Hahaha Na miss mo ata ako?" Niyakap niya rin ako pabalik at hinahaplos ang buhok ko.

Lumayo ako sa kaniya ngunit hindi inaalis ang mga kamay ko sa baywang nito. "Spencer." Naiiyak kong banggit sa pangalan niya.

"Oh! bakit ganiyan ang mukha mo? Haha! Ito na ako wag ka ng umiyak hon." Habang sinasabi niya iyon ay pinupunasan nito ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko saka hinalikan ang noo ko.

"Na miss talaga kita eh." Napanguso ako. "Tsaka, hindi ka man lang tumatawag o nagtetext man lang noong nasa business trip ka." Reklamo ko sa kanya.

Hinalikan niya ulit ako sa noo at sinabing, "Sorry Hon! Busy lang kasi sa kompanya. Alam mo naman si lolo."

Tumango-tango lang ako bilang pagtugon.

"Teka lang, bakit naglalaro ata kayo noong driver ng kotse? Sino ba 'yon?" Tanong nito sakin sabay tingin sa dereksyon ng kotse.

"Huh?" napakunot ang noo ko. Tinuro naman ni Spencer, gamit ang nguso niya, ang nasa likuran ko.

"Tsk! nakalimutan ko nga pala iyong kotseng itim." bulong ko sa sarili ko. Masyado kasi akong natuwa noong nakita ko si Spencer kaya nawala sa isip ko ito. Madali talagang malihis sa ibang bagay ang utak ko.

Nilingon ko kung saan ko huling nakita iyong kotseng itim. Nandoon pa rin ito at nakahinto malapit sa kinalalagyan ko kanina. Buhay pa naman iyong makina pero parang wala itong balak umalis doon.

"Hon?" Nabaling ang atensyon ko sa kapatid ko na nakatingin na sakin, naghihintay ng sagot.

"Ah, wag mo ng pansinin yan. Tara, uwi na tayo. Doon ka sa bahay matutulog, diba?"

"Oo, namiss ko rin iyong luto mo eh." Binigay sakin ang extrang helmet niya habang nagsasalita. "Nandoon ba iyong mga iba?"

"Oo. Sumasakit nga ulo ko sa kanila eh."

"Haha Sige, kapit hon."

At umalis na kami. Ngunit bago pa kami makaalis sa lugar na iyon ay lumingon ulit ako sa kotse at napalaki ang mata ko.

Nakalabas na iyong driver ng kotse at nakasandal sa harapan ng kotse nito. Habang prenteng nakangisi sa direksyon namin.

Napalunok ako at nanginig.

"Damon"

***Chapter End***

Making Her MineWhere stories live. Discover now