Final Chapter - IAR

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga, brad," sabat naman ni Jerson. "Nakalimutan mo na ba si Xy at si Xhai naman ang gusto mo?" tanong niya na hindi nakuha ang nagbabantang titig ni Cyclone.

Napahilot ako sa sintido. Shit! Ito ang ayoko. Wala silang alam. At kahit naman magsabi ako... hindi nila ako maiintindihan. Damn!

"Hindi ko makakalimutan si Xy. Alam n'yo 'yan. Kahit na ano'ng mangyari, siya pa rin," seryosong sagot ko. Totoo naman 'yon... hindi ko makakalimutan si Xy, pero naguguilty ako. "Nakokonsensiya lang ako. May ginawa akong kagagohan na hindi ko dapat ginawa. Nawala ako sa sarili. Ang gago ko, alam ko. Tama si Brix, wala akong karapatang gawin iyon." Napahawak ako sa ulo't umiling. Wala namang nangyari pero gusto kong bugbugin ang sarili nang paulit-ulit. Kaya ko pa bang burahin ang kasalanang iyon kung huli na? "Kaya kailangan kong maging mabait kahit papano. I have to 'coz I'm guilty. Ang gago ko, eh."

"Bakit? Ano ba'ng ginawa mo?" sabay na tanong ng apat.

Hindi na ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Baka kung ano pa ang masabi ko.

"Ouch!" Napatayo ako pagkarinig ng boses ni Heather.

Hindi ko nagustuhan ang agarang pagbabago ng aking pakiramdam. Patakbo na ako sa labas pero hindi ko magawa dahil titig na titig sa'kin ang apat. Nagtayuan sila at naunang lumabas si Serg. Kinuha ko ang isa pang cocktail at ininom. Isinuot ko ang pulang damit at sumunod.

Kaso hindi ko nagawa ang agad na lumapit. Nakasalampak siya sa damuhan habang nakalahad ang mga palad nung apat.

Gusto ko siyang ipagdamot sa mundo. Gusto ko siyang angkinin nang buong-buo. Pero paano?

Wala sa sariling humakbang ako't hinawi sila. Napatili siya nang binuhat ko't ipinasok sa loob ng kubo. Pinaupo ko siya sa sofa. Nakaawang ang kanyang bibig na nakatitig sa'kin. Gusto kong haplusin ang pisngi niya. Gusto kong tanungin kung okay lang siya. "Kanina ka pa ba nandito?" Pero natatakot ako.

Ngumiti siya. "Hindi, kakarating ko lang nung madapa ako." Napabuntong-hininga ako. Damn!

--

NASA DALAMPASIGAN kami ng Loriete's Island ngayon. Nakahiga. Kakatapos ko lang kumanta ng Just The Way You Are. Request niya. Namumula ang kanyang buong mukha. At hindi ko mailarawan kung gaano kabilis ang salsal ng dibdib ko. Pucha naman, oh!

Kiniliti ko siya. Tawa siya nang tawa. Nabitiwan ko na ang hawak na camera at nakatutok lang iyon sa kanya.

"T-tama na, mamamatay na ako!" Natigilan ako. Biro lang naman 'yon pero bigla akong nakaramdam ng takot. "K-Kung hindi mo ako tinigilan, feeling ko katapusan ko na."

"Don't say that!"

"Ikaw talaga. Joke lang 'yun. Hindi naman nakakamatay ang kiliti." Gumanti siya ng pagkiliti sa'kin pero tumigil din agad. Hinapit ko siya sa bewang. I wanna hold her so tight.

I have this feeling that if I let her go... I'll lose her.

"Paano kung namatay nga ako nang dahil sa kiliti mo?"

I held her tighter. "I said-"

"Joke! Mamahalin mo pa nga ako, eh. I love you, Grant. I really do!" Titig na titig siya sa'kin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Para akong lumulutang sa alapaap. Sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako gusto kong sabihin sa kanya na mas mahal ko siya. Pero hindi ko magawa. Kasi sumisiksik sa utak ko na matapos ng mga nagawa ko, matapos ng mga nangyari, kahit na sabihin ko... hindi siya maniniwala. Nginitian ko siya't hinalikan sa noo. At mahigpit na niyakap.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon