I want to be honest with her.

Na mahal ko ang kambal niya.

Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi pero tinabig niya ang kamay ko. "L-Let's just break up, Grant..."

Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Hindi ako nakapagreact. Parang may kung ano'ng bagay na bumabara sa'king lalamunan. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Tumalikod siya.

Agad akong humarang at isinara ang pinto. "No, Xy... Hindi p'wede!"

Panay ang punas niya sa kanyang pisngi pero hindi natutuyo. Napasabunot ako sa'king buhok. "Why? W-Why? You don't love me, Grant. Stop pretending, please! Let me out..."

Tinitigan ko siya. Halos magmakaawa ang tingin kong iyon. Hindi ako nakapagsalita. Natatakot ako na baka kung ano'ng lumabas sa bibig ko na makakasakit sa kanya. "D-Don't leave me. Don't turn your back at me. You're the only one that I have, Xy."

Sa halip iyon ang aking nasabi. And I know that's the truth. Sa kanya ko lang nasasabi... lahat-lahat.

Bigla niya akong niyakap, mahigpit. "Nakakabwisit ka. Paano ka na lang kapag wala na ako sa tabi mo? Sino'ng lalapitan mo? Kakayanin mo ba, Grant?"

Hindi ako sumagot. Gumanti lang ako ng yakap kasi hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak. Hinagod ko ang kanyang likod. She's important to me. And I know I'm starting to love her... for real.

--

BINIBIGYAN KO siya ng hangin. Pinapump ang kanyang dibdib. "Shit! Breathe... P-Please, Heather... breathe..." Nagpapanic ako. Nanginginig ang mga palad ko. At basang-basa na ang mukha ko.

Ilang beses ko pang ginawa pero hindi pa rin siya nagrereact. Nakahandusay siya sa harapan ko. Nakapikit. Walang malay. Parang may nakakabit na bomba sa puso ko na ano mang oras ay tila sasabog.

"N-No... God, please..." Binigyan ko ulit siya ng hangin. "C'mon! B-Breathe..."

Mas matindi pa sa takot ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang sisirin dahil hindi ko rin matukoy kung ano. Hindi ko mailarawan.

Isa lang ang sigurado ako... hindi ko lang siya mahal. Hindi lang mahal na mahal. Sobra pa sa sobra. At kung ito ang dahilan kung bakit nasasaktan siya, napapahamak siya... iiwasan ko na.

Hindi na ako lalapit nang palihim. Hindi na ako magnanakaw ng tingin. Kung mali iyon, ititigil ko na. Basta Lord, 'wag n'yo lang po siyang kukunin!

Nabunutan ako ng tinik nang umubo siya.

Naghihintay kami sa labas ng hospital. Umupo sa tabi ko si Ryder. Tahimik lang siya. Pero nagsalita rin kalaunan. "Bullshit! You're so stupid!"

--

"PERO, BRAD, bakit ang bait mo na kay Xhai? Ano'ng meron?" tanong ni Dew na nagpatahimik sa'ming lahat. Nandito kami sa kubo malapit sa bahay. Naisip namin na mag-inuman pagkatapos ng party ng birthday ni Heather.

Buti hindi sila nagtanong kung saan ako nanggaling at ngayon lang ako bumalik. Nakipagkita kasi ako kay Heather bilang si Silver. Binigay ko sa kanya 'yong hairclip. Hindi ko kasi magawa bilang ako.

"Pakialam mo?" paasik na sagot ko dahil nagulat ako sa tanong niya't inagaw 'yung cocktail na hawak ni Cyclone. Nilagok ko iyon. Straight.

"Tangina naman, brad! Hindi pa 'yan tapos at kakainom mo pa lang, kay Jerson dapat 'yan," ani Cyclone at itinigil na ang pagmimix ng alak. Umupo siya sa sahig at tiningnan nang masama si Dew.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now