Chapter 1:

61 2 0
                                    

•JIYONG•

"Hoy. Anong kalandian yan?" Aba. Tignan mo itong kapatid kong ito. Nagluluto habang kinikilig-kilig. At ngayon lang 'yan nagluto. Para kanino naman? Samantalang ako hindi man lang ipagluto!

"Ano ba kuya?! Umalis ka nga dito! Kita mo'ng may mahalaga akong ginagawa!" Ang talim ng tingin nya sa akin saka kinikilig-kilig na tumingin sa niluluto nya. Baliw.

"Haay! Kapag natikman mo ang luto ko Seunghyun! Mapapaluhod ka bigla saka mapapasabi ng 'will you marry me?' Hintayin mo lang!" Bigla syang tumawa na parang bruha.

Seunghyun? Yung Rapper!

"Sinasabi ko na nilalandi mo yung rapper na 'yun! Kababaing tao." Matalim nanaman syang tumingin saka tinaas ang hawak nyang kutsilyo.

"Diba sinabi kong lumayas ka?! Layas!" Shet yes boss!

Bwisit na 'yon!

"Mama! Si Panyang ayaw akong bigyan nung luto nya! May kinakalantari pang lalaki! Napakahalay!" Sumbong ko kay mama na nasa garden. Bakit ba?

"Ma si kuya nag-uwi ng lalaki! Bakla yang unico hijo nyo!" Pinanlakihan ko sya ng mata. Ako pa ang bakla?!

"Sabihin mo yan sa babaeng kasabay mong mag skinny dip last summer!" Nakita ko yung tagged photo sa account  nya may kayakap syang babae at wala silang saplot! Kung hindi lang naharangan ni Fany yung mukha nung babae e.

"Bestfriend ko 'yon! Walang malisya! Well... A bit?" I nearly died.

"Ano ba kayong dalawa?! May mga trabaho na kayo't lahat, ganyan pa rin ang asal nyo! Humanap na nga kayo nang bahay nyo! Santisima! Pinasasakit nyo ang ulo ko!" Galit na sabi ni mama habang pinuputol ang mga sanga ng kanyang bonsai.

"Ikaw kasi!" Inis na bulong ng kapatid ko. At ako pa ang sinisi?

"Ako? Ikaw nga dyan. Tomboy." Ibinulong ko lang yun para siya lang ang makadinig saka binuksan ang aming ref.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang makitang wala ang bagong bili kong chocolate cake.

"Nasan na yung cake ko!" Mabilis kong nilingon ang demonyita kong kapatid.

"Bakit ka nakatingin sa akin?!" Sagot nya pabalik habang marahang inilalagay sa food container ang niluto nya. Hindi talaga nagtira para sa akin!

"Ikaw lang naman ang makapal ang mukha dito!" Bago pa ako masagot ng kapatid ko ay naramdaman ko na ang mahalding kurot sa tenga ko.

"Aray! Ma, tama na!" Iyak ko. Wala pa ding pinagbabago si mama. Sya ang pinagmanahan ng demonyita kong kapatid.

"Sinabi ko nang itigil nyo yang kakaaway! At ako ang kumain ng cake mo. Pinagpaalam ko sa iyo 'yon at pumayag ka." Sagot ni mama pagkalayo nya saakin. Hindi pa nakuntento at pinalo pa ako sa balikat.

"Ang tanda mo na kuya. Andami mo nang nakakalimutan." Patawa-tawa itong lumapit kay mama.

"Aalis na ako, Ma. May kikitain pa akong investor. See ya!" Humalik sya sa amin ni mama saka parang musmos na nagtatakbo lalabas ng bahay.

"Yung rapper yung kikitain mo! Huwag ka nang magsinungaling!" Sigaw ko sa bintana.

Tinignan ko si mama. Nakangiti lang sya habang pinagmamasdang makalayo ang kotse ng dalaga nya.

"Ma, yung dalaga mo nanlalalaki nanaman." Sabi ko.

"Hayaan mo nga ang kapatid mo. Ngayon nalang ulit yan sumaya ng ganyan. At isa pa, guwapo naman si Seunghyun, magalang din." Napakunot yung noo sa narinig.

"Nakita nyo na si Top?"

"Oo. Dumalaw sya nung isang linggo dito. Ay napakabait na bata. Gusto ko siya para sa kapatid mo." Nakangiti pa si mama habang sinasabi yon.

"Ma?" Tinignan nya ako saka hinawakan sa kamay.

"Hay naku, Jiyong. Alam mo namang tumatanda na kami ng papa mo. Kung ayaw mo pang mag-asawa, sige. Wala namang problema sa amin 'yon. Pero gusto na namin ng apo ng papa mo. Kung hindi mo ibibigay yon saamin ng papa mo ay siguradong pagbibigyan kami ni Miyoung." Ngumiti si mama ng malungkot.

"Matatanda na kayo kaya hindi na namin kayo ma-baby. Si Miyoung lang naman ang malambing. Nuknukan ka kasi ng sungit, bata ka." Napailing-iling pa sya saka bumuntong hininga.

"Mmf. Jiyong yung buto ko, nabali na ata." Niyakap ko ng mahigpit si mama.

"Pasensya na kayo Ma. Alam nyo naman kung bakit ako nagkaganito diba?" Niyakap na din nya ako pabalik.

"Alam ko. Kaya nga hinahayaan ka nalang namin ng papa mo."

"Salamat ma."

"Darating din yung taong magmamahal talaga sa iyo, anak. May nakalaan para sa iyo."

Sana nga.

Sing my Song | gtaeWhere stories live. Discover now