He's back..

125 3 0
                                    

"Haay.. sarap mag-unat." 

Puyat at pagod to the max ako dahil sa Christmas Day celebration.

*Beep Beep*   

1 message received

From: Reid 


Ohh.. I missed him. Sa manila kasi sila nagPasko for 3 days. Pero masakit pa rin. I still remember the day...

Two weeks na ang lumipas after ng masakit na pangyayaring yun.

**

"Jasmine, wait!!", pagpipigil ni Reid sa'kin nang papalabas ako ng School Gym.

Foundation week namin nang  mangyari yun. Walk-out queen ako dahil ayaw ko syang makausap.

"Wait lang. Mag-usap tayo.",  pakikiusap nya.

"Yes? Uwi na ako.", sagot ko sa kanya.

Dire-diretso akong naglakad patungo sa sakayan. Sumakay ako sa jeep na hindi sya nililingon. Hindi ko na sya nakita nang makasakay na ako. Siguradong bumalik sya sa gymnasium.

The following day, kinausap ako ng ibang friends ko. Pagbalik ni Reid sa gym, dumating ang isang girl, si Kate. Nakilala nya sa facebook kung saan naging madalas silang nagkakausap. At the same time, same school din ang pinapasukan nya. Nang malaman ko yun, i immediately asked him. Hindi naman niya dineny. Ako pa ang nasisi instead. Dahil sa pag-aaway namin kaya umabot sa ganun. 8 months na simula nang maging kami. Suddenly, nagkaroon sya ng ka-fling habang hindi kami okay. Nagkalabuan kami dahil sa nangyari. Masakit yung ginawa nya eh. 

Almost every night umiiyak ako. Hindi kami nagkakatext. Hindi din nagkakausap. Minsan may magbabalita na nakita si Reid at Kate na magkasama. Kahit pigil na pigil kong pumatak ang mga luha ko, hindi ko pa rin maiwasan. 

**

Unti-unti nasasanay na ako. Kahit papaano natututuhan kong bumangon. Nagagawa ko ng ngumiti sa bawat paggising ko. Tanggap ko na kung bakit umabot kami sa ganito. Siguro ganun talaga. I can't please everybody. Not everybody deserves it. Lahat naman may purpose kung bakit nangyayari ang isang bagay. 


I opened his text message.


Can we talk? 


To: Reid

Merry Christmas! Why? :) 

Message sent


Hindi ko alam kung matutuwa ako. Okay na ako eh.


*Beep Beep*

1 message received

From: Reid

I'm home. Kailangan nating mag-usap. Please come. 


Gusto ko lang ng closure kung makikipagkita man ako.


To: Reid

Okay. I'll be there.

Message sent


Ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita. Oo namimiss ko pa rin naman sya. Pero hindi na kasi tulad nung una. Nung fresh pa ang sakit. Nakakaget over na ako. Nagpakabusy ako mingling with friends. 

Hindi alam ng parents ko na malabo na kaming dalawa.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Sorry, I can't Move OnWhere stories live. Discover now