First Apology

108 2 1
                                    

"Hi babe! Namiss kita." Masayang pagsalubong nya sa akin.

Niyakap nya ako at hinalikan sa pisngi.

Nasa isang cafeteria kami kung saan madalas kaming magpalamig.

Nakatitig lang sya saakin na para bang may halong pangamba sa mga mata nya. Ilang minuto din kaming tahimik, hindi nagkikibuan. Hindi ko alam kung bakit. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko maintindihan ang nagyayari. Medyo awkward. Walang gustong magsimula ng usapan.

"Ehem. Ahm. Anong pag-uusapan natin?, lakas loob kong itinanong.

Nakapukaw lang sya ng tingin sa akin. Lalo akong kinabahan.

Tsk! Bakit hindi ka magsalita? Sa ipinapakita mo lalo akong kinakabahan. Magsalita ka na! Please! 

Naninikip na ang dibdib ko sa katahimikan nya. Para bang ayaw ko ng marinig kung ano mang sasabihin nya. Yung sayang nararamdaman ko nung mga nakaraang araw ay napalitan ng takot at pangamba.

"I'm sorry.", sabi nya saakin.

Hindi pa man nya naipaliwanag kung bakit ngunit lalo lang akong nakaramdam ng takot sa susunod na sasabihin nya. Tinitigan ko lang sya na para bang nagtataka kung bakit sya nag-apologize.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko napigilan. I'm sorry. I'm really really sorry.. Please forgive me.. Please. Babe.... I'm really sorry.", pag-confess nya.

Nabingi ako sa mga sinabi nya. Hindi ko alam anong isasagot ko. Nakaharap lang ako sakanya at tinititigan sya. Naluluha na ako. Pinipigilan kong tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako kumibo. Hindi ako nagsalita. Ikinwento nya ang buong pangyayari. Pakiramdam ko sasabog ako. Gusto kong sumigaw. Gusto ko syang sampalin ngunit hindi ko nagawa.

Last night nila sa Subic. Nagsama ang grupo nya at grupo ni Tasha, ex-girlfriend nya. Of course inuman. Isa sa pulutan nila is chicken. Allergic yung girl sa chicken pero kumain pa rin sya. Expected na sinumpong sya hanggang sa hirap na syang makahinga. Pinasama kay Reid si Tasha sa room nila sa hotel. Haaaay....

45 minutes silang nasa room. Silang dalawa lang. Inamin nya sa'kin na they did kisses. Somehow intense but nothing more. Maniniwala ba ako? I had no choice but to believe him.

I wanted to break him up but I chose to forgive.

Pero masakit pala. Sobra. <////3










I'm Sorry, I can't Move OnWhere stories live. Discover now