Please Come Back Home

119 2 5
                                    

To: Reid 

Babe, kailan balik mo? Miss na kita eh.  

Message sent

Kasalukuyan syang nasa Subic for 5 days. Seminar para sa mga SK councilors at kabilang sya sa mga ito. Malapit na first monthsary namin. First relationship ko sakanya kaya marami pang adjustments. Hindi ko kasi alam paano umasta kapag girlfriend. Iba na kasi ngayon. Dati landi-landi lang, ngayon as in meron ng kami.

Alam ko busy sya sa mga oras na 'to. Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa kwarto at walang tigil na tinitingnan ang phone ko na nag-aabang kung may message na from him. Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin sya nagpaparamdam. Ganito pala ang feeling kapag nasa malayo sya. Praning lang ba ako? Pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mali. Gusto ko siyang iflood ng texts pero hindi ko magawa. Baka kasi magalit sya. Baka ayaw nyang maistorbo. Baka naman mairita sya. Haaay.. Ganito ba pag sa simula?

*Beep Beep*

Papikit na ang mga mata ko nang magvibrate ang phone ko. Dali-dali kong tiningnan kung kanino galing ang message. Labis na tuwa ang naramdaman ko nang makita kong sakanya galing.

1 message received

From: Reid

Babe, pasensya ka na kung hindi kita matext at matawagan. Medyo busy kasi dito eh. Nga pala, participant din pala yung ex-girlfriend ko na nakwento ko sayo dati. See you soon. Ingat ka palagi ha. Miss na kita. Iloveyou po. :*

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil nagparamdam siya ngunit may halong pakiramdam na hindi ko maintindihan.

To: Reid

Ai ganun ba. Okay lang. Naiintindihan ko naman eh. Ingat ka din dyan ha. Can't wait to see you. Miss na rin kita. Iloveyoutoo. :* 

Message sent

Naghintay pa ako ng reply mula sa kanya ngunit nag-expect lang na naman ako. Hindi maalis sa isip ko yung nalaman kong kasama sa seminar ang ex-girlfriend nya. Affected ako pero hindi ko nalang ipinahalata sa text ko. Haaay.. Nangangamba ako na magkasama sila sa isang lugar. Baka lang kasi. You know, kahit 1 month lang ang relasyon nila, may pinagsamahan din sila kahit papaano.

Alam ko mahal mo ako kaya malaki ang tiwala ko sayo.

Nagpakabusy nalang ako para hindi ko sya masyadong mamiss. Pauwi na rin naman sya nyan kaya magkikita na ulit kami. Sobrang excited ako dahil malapit na syang bumalik.


*Beep Beep* 

 1 message received

From: Reid

Babe, I have to tell you something. I need to see you tonight. Please come. Same place. Same time. Imissyou. Iloveyou. :*


Ilang segundo akong nakatitig lang sa phone ko. 

Magkikita kami tonight?

Hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang nabasa ko.


To: Reid

Hindi ba pwedeng bukas na lang? Gabi na eh. 

Message sent

Kinakabahan ako. Parang ayoko makipagkita. Parang natatakot kasi ako. 

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Di ba dapat excited ako? 


*Beep Beep*

1 message received

From: Reid

No babe. It's urgent. I'll wait for you. See you. Iloveyou. :*


Anong meron? Bakit urgent? Makikipagbreak na ba sya dahil nagkita na sila ulit nung ex-girlfriend nya?


To: Reid

Okay. I'll be there.

Message sent


Nara-rattle ako. Hindi ako makapili ng damit na isusuot ko. Ang dami ng pumapasok sa utak ko.

Haay. Bahala na si Batman. Help me God.



I'm Sorry, I can't Move OnOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz