The Encounter

250 5 1
                                    

Nagsimula na ang unang taon ko sa college. Okay naman kahit maraming nagbago. Maraming bagong kakilala, maraming bagong kaibigan. Dati teacher, ngayon professor. Dati Jasmine lang, ngayon Ms. Stuart. Medyo formal na ang lahat. Malaki yung school ko dati though mas malaki yung ngayon. Mas maraming estudyante, mas maraming makakasalamuha. Nakakapanibago pero masasanay din ako.


"Hi Jasmine! Nice. Bagay sayo yung uniform mo ah." Nakaupo ako sa may circle malapit sa building namin at nagbabasa nang may narinig akong biglang nagsalita. Si Rem pala, yung tito ko. May kasama syang isang lalaki. Parehas silang maputi at matangkad. Mas matangkad nga lang yung kasama nya. Parehas din silang gwapo. Mas malaki nga lang katawan ni tito ko.

"Hello", bati sakin nung kasama nya. Nginitian ko lang sya at binalin ko ang atensyon sa tito ko.

"Oh.. hello. Thank you. Anong ginagawa nyo dito? Vacant time nyo na?", tiniklop ko yung librong binabasa ko saka ko inayos upo ko. By the way, nasa business field ako kaya medyo decent yung uniform ko. White longsleeves with green necktie yung top ko. May logo yung necktie which represents yung college namin. Then knee-length na green skirt naman sa bottom. I also wear black stiletto shoes. Required kasi samin ang heeled shoes.

"Boring kasi sa room namin. First week palang naman kaya wala pang ginagawa. Tamad pa siguro mga prof namin kasi hindi pa sila pumapasok.", pagpapaliwanag sa akin ni Rem. Umupo sila sa tapat ko. Sa circle ay may maliit na table sa gitna kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Ipinatong naman din nila ang mga bags nila.

"E bakit kayo nandito? Bakit hindi nalang kayo umuwi? Buti pa nga kayo ganyan. Kami nagsimula na pumasok yung iba kong prof.", pinasok ko na sa bag ko yung librong binabasa ko sabay sip sa coke na iniinom ko.

"Painom ha?", biglang tugon ni Rem. Bago pa man ako makapagreact ay nakuha nya ang bote ng coke. As expected, lalaki yan kaya mabilis nyang naubos. Tiningnan ko sya sa mata na parang nagsasabing "Inubos mo na."  Mukhang naintindihan nya naman yun pero hinayaan ko nalang. Binaba nya ang bote na malinis.

"Nga pala, hindi ko pa pala naipakilala 'tong kasama ko.", pag-iiba nya ng topic.

"Heto nga pala si Reid, kaklase ko simula elementary. Hanggang ngayon magkasama pa rin kami. haha.", pagpapakilala nya sa kasama nya.

"Kanina mo pa kasama, ngayon mo lang ipinakilala. haha", pamimilosopo ko. 

"O sorry naman. tsk." Napasimangot lang sya at tumawa.

"Reid, si Jasmine pala pamangkin ko.", pagpapakilala nya.

Reid offered his right hand para makipag-shake hand. The usual thing na ginagawa kapag first encounter. "Hello.", bati nya sa akin sabay ngiti.

I extended my right hand too and smiled back at him.

Matagal na kitang kilala. Ikaw yung iniyakan ng bestfriend ko.  Kunwari ka pang inosente eh alam ko namang loko-loko ka. I mean you're a bad guy and I don't like you. Sabi ko sa kaloob-looban ko.

Siguro dala na rin ng pagkainis ko sa kanya dahil crush sya noon ng bestfriend ko, kaya kahit unang pagkakakilala pa lang namin eh kumukulo na dugo ko sa kanya.

Kinukulit ako ni Rem na bigyan sya ng textmates at mga bagong kakilalang chicks. Habang patuloy akong inaasar, biglang may agaw-atensyon samin.

"Anong course mo?", nakangiting tanong ni Reid.

"Ahh. ahm. Bachelor of Science in Accountancy.", specific na sagot ko.

"Oah. Bagay sayo yung course mo.", dagdag nya.

"Salamat. Sige una na ko. May aayusin pa ko. Bye!", pamamaalam ko.

Bago pa man sila magsalita ulit ay kinuha ko na ang mga gamit at bag ko sa mesa. Alam kong hahaba na naman ang usapan bago pa ako makaalis kaya tinalikuran ko agad sila.


**

*Beep Beep*

1 message received

From: Unknown

Hello


Habang kasalukuyang nagdidiscuss ang prof ko sa Algebra ay nakatanggap ako ng text message from a stranger. Bago ko pa man replyan ay naramdaman ko na kung kanino galing iyon. Girl's instinct ika nga. Hindi ko pinansin not until nakauwi na ako ng bahay. While lying on my bed, i scrolled my phone and read the message for the the second time. 

To: Unknown

Who's this?

Message sent


*Beep Beep*

1 message received

From: Unknown

This is Reid. :)


To cut it short, hindi na ako nagtaka kung saan nya nakuha yung new phone number ko though nagkatext na kami long time ago. Since then, halos everyday kaming nagkakausap at nagkakatext. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman kapag nagpaparamdam ang isang lalaki. Dahil bahay-school-simbahan lang ako, wala pa talaga sa akin ang pakikipagrelasyon. Never pa ako nagkaboyfriend nung magkakilala kami. Hindi rin ako mahilig makipagsocialize lalo na sa lalaki.





Binalaan nila akong layuan ka pero hindi ko ginawa. Ipinilit ko sa sarili ko na 

maiintindihan ko kaya ipinagpatuloy ko pa rin.

Bakit nila ako pinapalayo sayo at wag kang i-entertain. Pagsisisihan ko kaya ito balang araw?










I'm Sorry, I can't Move OnWhere stories live. Discover now