High School Life

128 8 0
                                        

High School Life [P R O L O G U E]

High school?

Lahat ay masaya sa panibagong hakbang na iyong haharapin

"Dapat masaya ka kase high school ka na!"

Sabi nila,.

Nagsaya ka naman,

nagdiwang ka kase tapos ka na ng elementary at high school ka na

At ngayon,

ayan ka umiiyak,

Nasaktan ka kase,



Well Welcome to the life of high school

Akala mo masaya lang diba

Akala mo magiging okay na lahat

Akala mo matatanggap mo na ang lahat

Yun lang ang alam mo, yun ang akala mo

Kung masaya lang,

Kung ok na lahat,

Kung tanggap mo na lahat,

Bakit ka umiiyak ngayon?

Bakit ka nasasaktan?

Bakit ka nahihirapan?

Dumating ka kase sa puntong napagod ka na sa kakaintindi

Dumating ka na sa puntong ayaw mo ng bumangon kase wala ng nangyayaring maganda

Andyan ka na sa oras na pagod ka ng umasa na magiging ok pa ang lahat

Pilit mong sasabihin na "bahala na si Batman" pero yung totoo hindi mo na alam kung maaayos pa ba

Pinipilit mong intindihin lahat ng bagay pero yung totoo hindi mo na naiintindihan lahat

Andito ka na sa point ng buhay na kaunti na lang yung mga nakakausap mo, pili na lang

Minsan kung sino pa yung kaaway mo, siya pa yung magiging sandalan mo

Kung sino pa yung taong ayaw mo, siya pa yung magbibigay halaga sa buhay mo

Yung taong gustong gusto mong makasama, ayaw ka ng makasama

Yung tinuturing mong pamilya, hindi na pamilya

Yung bahay na tinatawag mong tahanan, hindi na tahanan, hindi mo na mauuwian

Darating yung araw na gustong gusto mo nang umuwi pero di makauwi

Kase hindi mo na alam kung nasan yung tahanan na gusto mong uwian

Darating yung araw na basta na lang babagsak yung katawan mo

Kase yung grades na pinaghirapan mo sa isang buwan bigla na lang bumaba

Darating araw na sasabihin mong "sana bata na lang ako ulit"

Gusto mo na lang bumalik

Well Have a nice life in high school



Oh,

Kaya mo pa ba?

High School LifeWhere stories live. Discover now