EPISODE 79

168 16 1
                                    

Maggie's P.O.V.

Araw ng civil wedding ni Dette at Luke, imbitado kami ni Bernard.  Welcome rin ang mga bata kaya nakakalokang nag-animong may children's party ang bakuran ng mga magulang nina Luke kung saan ginanap ang ceremony at reception.  Masaya naman ang newly wed even though the event is constantly interrupted.  Maya't maya kasi ay may aberyang nangyayari either dahil sa mga batang nagsisiiyakan, o 'di kaya nama'y mga bagay-bagay na nasasagi at nababasag dahil sa kalikutan ng tatlong mas nakakatandang mga bata na sina Jasper, Patrick, at Paolo.

"Congrats Dette." Nang matiyempuhan ko itong nag-iisa. Pinanonood nito ang masayang pagsasayawan ng magkakatropa. Kapansin-pansing may matipid na ngiting titig na titig ito kay Luke. Sumasayaw rin kasi ito habang buhat-buhat ang kanilang anak na si Katrina.  Gano'n din naman Jon na buhat ang kambal niyang anak sa magkabilang bisig. Si Bernard na buhat naman si Caleb, habang tulog na tulog naman si Andre at Enrique sa stroller hindi kalayuan sa kanya.

"Maraming salamat, Maggie."

"Anong pakiramdam mo, okey ka lang ba?" napansin ko rin kasing medyo matamlay ito. "Magpahinga ka kaya muna.  Mukhang mamaya pa magkakasawaan ang mga ito. Alam mo namang ang magkakatropang ito, siguradong aabutin pa ito ng hanggang mamayang hatinggabi sa pag-iinuman. Palibhasa'y ngayon lamang ulit nakumpleto."

"Medyo nahihilo lang ako, pero okey lang naman ako, Maggie."

Sinundan ko ang kanyang tinitingnan. Nakatutok talaga ang paningin nito sa kanyang mag-ama. Pero kapansin-pansin na bagaman maaliwalas naman ang mukha niya ay bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.  

"Parang ang lalim ng iniisip mo ah!"  hinawakan ko ang kanang kamay nitong nakapatong sa kanyang kandungan. "Hindi ka ba masaya? Sa wakas, magiging maayos na ang lahat sa inyo ni Luke."

Sa halip na sumagot ay huminga muna ito nang malalim. "Masaya naman ako, Maggie. Medyo nag-aalala lang ako."

"Anong inaalala mo?"

Saka lang ito tumingin sa akin, "hindi pa naman ako lubusang gumagaling, Maggie.  Kaya hindi pa rin ako sigurado kung malulusutan ko 'tong sakit ko. Naisip ko lang na parang napaka-unfair naman kay Luke at sa anak namin. Bukod sa sobrang nagiging pabigat na ako sa kanya ngayon—"  Halatang pinipigilan ni Dette ang pag-iyak pero hindi pa rin niya napigilan ang unti-unting pagbukal ng kanyang mga luha. "—wala akong maipangakong kinabukasan para sa kanila ng aming anak."

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay, "Dette, 'wag kang mag-isip ng ganyan. Wag mong sabihin na nawawalan ka na naman ng pag-asa? Inilalaban ka ni Luke dahil naniniwala siya na gagaling ka. Lumaban ka rin para sa kanya." Binitiwan ko ang kamay niya upang pahirin ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. 

Pero dahil sa ginawa ko ay napansin ni Luke ang pag-iyak ni Dette mula sa malayo, kaya huminto ito sa pagsayaw upang humangos palapit sa amin.

"Mahal?" Si Detta agad ang nilapitan nito upang halikan sa noo. Agad naman akong tumayo para kunin si Karina sa kanya. "Bakit ka umiiyak? Masama ba ang pakiramdam mo? H-halika, pasok muna tayo sa loob para makapagpahinga ka."

"Hindi," sagot naman ni Dette kay Luke, "o-okey lang ako, Luke. N-nagkukuwentuhan lang kami ni Maggie. T-tears of joy ito, please don't worry about me." Sinapo nito ang mukha ni Luke. "Punta ka na ro'n—" itinuturo nito ang dance floor, "Don't worry about me, I'm okey. D-di ba Maggie?" pagbaling nitong bigla sa akin.

I was caught off guard, pero na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin, "o-oo nga Luke." Habang niyuyugyog ko si Karina na nag-uumpisa nang mag-alburuto dahil gusto nitong sumama sa tatay niya. "Nagkukuwentuhan lang kami ni Dette. O heto na ang anak mo," ibinalik ko na si Karina kay Luke, "mukhang gusto pang makisayaw oh." Itinuturo rin kasi nito ang mga tito nitong nagsisipagsayawan habang buhat-buhat ang mga anak nila. "Iwanan mo na kami rito.  Ako na ang bahala kay Dette dito."

S. T. Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon