EPISODE 75

46.5K 766 63
                                    

Maggie's P.O.V.

"Kamusta nga pala ang lakad niyo?" Tanong ni Bernard habang nagbibihis siya papasok sa trabaho kinaumagahan.

"Ok naman." Buhat-buhat ko si Enrique, "Sinamahan lang namin si Luke kay Dette. They went home together."

Napakunot ang noo niya at, "what do you mean home together?"

"Home together." Sagot ko, "umuwi na silang magkasama."

"Saan?"

"Sa bahay ni Luke."

"Ha? Pero paano si Jobelle?"

"Hay naku, mahabang istorya. Baka ma-late ka pa. Ikukuwento ko na lang sa 'yo pag-uwi mo mamaya. Basta gano'n. Nagkabalikan na sina Luke at Dette, they went home together last night na magkasundo na."

Napakamot si Bernard, "kung bakit naman kasi ang hihilig pumasok sa kumplikasyon niyang mga katropa ko eh. Si Dette din naman pala ang gusto niya, kung saan-saan pa sumuot. Ang resulta, marami tuloy ang nadadamay. Marami ang nasasaktan."

Napangiti ako, lumapit sa kanya at, "And thank God, you are not like them." bago ko tinaniman ng halik ang kanyang pisngi.

"I love you very much, Mrs. Alonzo." Nakangiting reaksyon niya sa ginawa ko.

"I love you too, Mr. Alonzo." Sagot ko.

Lalabas na sana siya ng kuwarto, nang bigla itong lumingon at, "oo nga pala babe. Nakausap ko ang Kuya mo kagabi. Kung p'wede raw ay tawagan mo siya kapag libre ka today. Mukhang may problema na naman. Tinanong ko kung Ok lang siya. Hind raw, pero ayaw namang sabihin sa akin kung ano ang problema niya." Tatawa-tawa ito. "Inisip ko na lang na, baka gusto lang niyang makipag-girl talk sa 'yo."

Medyo napatawa ako sa paraan ng pagngisi niyang napakapilyo, "naiinggit ka ba at hindi na sa 'yo nag-o-open up ang bff mo?" Tumawa ako.

"Not really." Tumawa na rin siya, "He's... ops. She's all yours for all I care." Bago siya humalakhak habang lumalabas ng kuwarto. Sumunod naman ako hanggang salas.

"Approve na ba sa 'yo 'yung hinihiram niyang pondo para sa negosyo niya?" ako, habang papalabas naman ngayon sa pintuan ng bahay namin.

"Yup." Sagot niya, hawak-hawak na ang door knob, "alam mo namang walang problema sa akin pagdating sa pera, for as long as gagamitin niya 'yun para ayusin na niya ang buhay niya."

"Thanks baby," hinalikan ko siya sa labi, "Agahan mo ang pag-uwi mo ha? Ako ang maluluto ng dinner tonight."

"Talaga?" Ang ganda ng bungisngis niya.

"Talaga." Nginitian ko rin siya.

"Ok," sagot niya, habang humahakbang na papunta sa garahe, "I will look forward to that, then."

***

As usual. I have to wait for all the kids to fall asleep bago ko natawagan si Kuya, este, Ate, este, Kuya na nga lang, 'yun na ang nakasanayan ko eh. It took me several tries to call him sa bahay ng mga parents namin—kung saan pa rin siya nakatira, dahil for some reason, parating busy ang linya. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya, pero wala namang sumasagot. Ang resulta, puro sa voicemail lang tumatapon ang mga calls ko, at nung nag-text naman ako, hindi naman niya sinasagot ang mga ito.

Aba! Ang mahadera. Ano kayang problema niya? Magpapatawag-tawag siya, pero kay hirap naman niyang kontakin.

Tuluyan na akong nag-give-up sa pag-contact sa kanya, nang na-engrossed na ako sa pinapanood ko sa T.V. kaya nakakainis naman na kung kailan aliw na aliw na ako sa pinapanood ko ay saka naman siya tumawag sa telepono.

S. T. Book 2Where stories live. Discover now