EPISODE 78

6.3K 221 15
                                    

Maggie's P.O.V.

"Punding-pundi na talaga ako kay Benj." Umiiyak si Mitch habang sinasalinan ako ng Juice; nakatambay kami sa aming salas. "Umalis na naman kagabi. Tinanong ko na, hindi ko na matiis e. Alam mo ba ang sinabi sa akin?"

"Ano?" Bago ako uminom sa baso.

"Magkikita raw sila ni Luke!"

"O, 'yun naman pala eh. Huwag mong sabihin na pati si Luke pinagseselosan mo?"

"Ok lang naman kung kay Luke talaga siya pumunta. Pero pa'no ko paniniwalaan ang alibi niyang 'yun, kung kahit si Luke eh hindi alam kung nasaan siya!"

"Ha? Pa'no mo naman nalaman?"

"Tinawagan ko si Luke, ano pa?" Umiyak na ito. "Pagod na pagod na ako, Maggie. Nagpakasal ako sa kaniya kasi akala ko, nagbago na siya. Hindi pa rin pala. Mas malala pa yata ngayon."

I am so tempted to tell her the truth para hindi na siya umiyak, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Ayoko namang masayang ang preparasiyon ni Benj na talaga namang mukhang pinagkakaabalahan niyang mabuti to please his wife.

"Mabuti ka pa Maggie. Wala kang kaproble-problema kay Bernard. Ang sarap siguro ng walang inaalalang kabuwisitan sa buhay."

"True, pero namomroblema rin naman ako paminsan-minsan dahil sa mga umaali-aligid na babae. Ok lang 'yung may mga delikadesa, kapag nalaman nilang may asawa na, sila na ang lumalayo. Pero merong iba, na 'yung may mga sabit na talaga ang type. Katulad na lang nung ex ni Art di ba? Nakakaloka."

"Well, at least mabait at loyal naman si Bernard at Art. Kahit landiin, hindi pumapatol. Pero si Benj? Eh mangitian lang 'yun ng ibang babae, sumasama na eh! Pero wag ka, insecure at selos na selos naman siya kay Luke kapag ako naman ang pinaghihinalaan niyang nagloloko."

"Di kaya 'yun ang dahilan kung bakit siya nambababae?"

Napakunot-noo ito, "Alin?"

"'Yung insecurity niya, lalo na kay Luke. Nabanggit kasi ni Bernard na naging kayo dat—"

"Hindi naging kami na Luke, Mags."

"Pero nag-an—"

"We were only friends with... you know, with benefits before. But that's just about it. No strings attached."

"Pero alam 'yun ng mister mo di ba? And mas very close ka sa bestfriend niya di ba?"

"Oo, bakit?"

"I am not really sure kung kailangan mo ang opinion ko dahil... you know, hindi naman tayo ganun ka-close di ba? Inis pa nga ako sa 'yo dati?" Tumawa ako.

"Go ahead tell me."

"Alam mo 'yang mga lalaking babaero... 'yan talaga 'yung mga lalaking malaki ang insecurities sa katawan. Ganyan din ang Kuya ko dati eh."

Natawa si Mitch, "Are you trying to tell me na bakla rin ang asawa ko?"

"No, that's not what I mean."

"Then what?"

"'Yung mga lalaki raw na may kinikimkim na insecurities sa loob nila, na hindi naman nila mailabas for some reason, mas nadalas daw na naibubunton nila sa pambababae para para mai-uplift nila ang kanilang sagging self-esteem."

"Are you saying na may insecurity problem si Benj?"

Nagkibit-balikat ako, "Nag-usap na ba kayo?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa kung bakit siya nagkakaganun dati... o ngayon."

"'Yung dati? Kailangan pa ba 'yun?"

"Oo naman 'no. Para malaman mo na once and for all kung bakit sa kabila nang mahal ka raw niya na mukha namang totoo naman talaga, ay nakukuha pa niyang maghanap ng iba."

S. T. Book 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin