Chapter 2 - She knows my name

26.6K 211 2
                                    

"Ma nandito na ako!" bati ko sa mama ko habang tinatanggal ko yung sapatos ko.

"Yung meryenda mo nasa lamesa." sabi naman niya at huminto sa pagtatahi ng cross stitch.

"Dami mong benta ah." sabi ko pagkatapos kong ibaba ang mga gamit ko at sabay subo ng aroz caldo.

"Oo maganda nga ang benta natin ngayon." sagot naman ni mama.

May maliit kaming tindahan sa bahay. Kami lng ni mama sa bahay kaya nairaraos na yung daily budget namin at sa tulong na din ng monthly na padala ng mga kuya ko na nasa ibang bansa. At syempre since sa baryo kami nakatira bahay kubo ang house namin. So I am watching my most favorite anime while eating my aroz caldo. Hindi ko na nakuhang magpalit ng pambahay. Kasi naman nagsimula na ng sindihan ko ung tv.

After watching, nagpalit na ako at nagsimula ng magluto ng dinner namin. Every night ako ang nakatoka na magluto ng ulam namin ni mama. Since taga baryo kame nanguha lng si mama ng gulay sa vegetable garden. Ginisa ko lng yun at nagprito ng isda. Kumain na kami at ibinalita ko kay mama ung tungkol sa org na sinalihan ko. I can see in her face that she is really proud of me. Ganito kami every day. Paguwi ko sa bahay ikukuwento ko yung mga interesting na bagay na nangyari at siya naman ang latest na gossip sa amin. Don't get her wrong pero kapag may tindahan ka ata lahat ng bumibili eh ikukwento sayo ang latest and hottest news sa lugar.

After cleaning the plates nanood muna si mama ng telenovela. Ako naligo at gumawa na ng assignments. Yung hindi ko alam bukas ko na gagawin. For sure isa sa friends ko alam ang sagot dun. Haha!

Around 10pm nakahiga na ako. I'm wondering kung bibisitahin ako ulet ni miss beautiful sa dream ko. Nakatulog ako kakaisip sa pinkish lips niya at sa deep brown eyes niya na kapag nakatitig sa akin it gives me shivers to every nerve that I have.

She is holding my hands again. We haven't spoke a single word. She just stared at me. I stared back at her. I love the color of her eyes. Those big brown eyes. I will not get tired of holding her soft hands and I will give everything I can to kiss those sexy lips. I touched her cheeks and it sent a million electricity to my whole body. I never thought a single touch will make me feel this intense. Then there it is again. The strong want to have those lips touch mine. I move closer to her. I can smell her breath. O my.. The sweetest smell I ever had. Then she pushed me away. Put her finger to my lips. For the very first time she spoke. "Not now my Shane." With confused eyes I wanted to ask her name and how she knew me. But nothing came out of my mouth. She saw how frustrated I was because I coudn't speak. "In the right time we will meet my Shane." then she vanished out of thin air.

I woke up really confused. Namen! Sino ba kasi yun? And most of all kilala niya ako and take note she did not just call me Shane. She said specifically "my Shane". Since wala naman akong makukuhang sagot I decided na bumangon na. The usual routine. Fixed my bed and school stuff.

"Aba, may sakit ka ba at nagising ka ng hindi kita ginising." sabi ni mama ng makita niya ako paglabas ko sa room ko. Kasing dalang ng pagputi ng uwak kapag nagising ako ng hindi na kailangan ng alarm at ng boses ng mama ko that's why I don't like morning schedules sa school. Sobrang nahihirapan ako gumising ng maaga.

Kain, ligo, hingi ng baon, 10 years na travel papasok ng school. And don't forget the dust.

Pagkakita ko sa mga friends ko we started to share our homework. Syempre kailangan ng brainstorming nito para may maipass kame. Sabi nga ang pinakalukot na copy ang original at ang pinakamaayos ang huling kumopya which is almost true.

First subject namin ay Creative writing. I love this subject. Madami akong natutunan na techniques para sa pagsusulat which is my passion.

The next is another major subject that we all have to endure. Panu ba naman sa bagal magsalita ng professor baka nasa retirement age na kame hindi pa siya tapos magturo. Kaya naman laking pasasalamat ko ng after 2 hours ay tapos ang ang class na un.

"Jovs may sasabihin ako sayo later ha?" sabi ko kay Jovs.

"No problemo" sabi naman niya. "About saan?" sabi pa niya.

"Basta. Mamaya na lng after ng lunch natin." sagot ko naman.

Hindi naman na siya nagtanong dahil alam niyang hindi ko sasabihin sa kanya right at that moment.

After lunch kinulit na niya ako. Pati si Joc at Rina nacurious na din. May time akong magkwento sa kanila since 3pm pa next class namin at 1pm pa lng ngayon.

"Kasi ganito yun, halos 1 month na akong may dream. The most intriguing part is parehas lahat ng dream ko." sabi ko sa kanila.

"Tungkol saan naman ang dream mo." sabat ni Rina.

Hindi ako nagsasalita. Hindi na nakatiis si Joc at kumakaway na sa harap ko. "Hoy nasang parte ka ng mundo! Yung kinukwento mo?"

Naisip ko kasi bigla baka tawanan nila ako sa sasabihin ko. Kaya I told them to promise me not to laugh which they did.

"May girl tapos sa dream ko palagi siya nandun. Holding hands lang. Tapos last night sabi niya "my Shane" daw hindi ko talaga kilala yung babae sa dream ko." hindi ko sinabi sa kanila yung part na may kiss.

"Wow..." yun ang nasabi nilang tatlo. Sabi nila baka soul mate ko daw. Namen! Ganun ba ang way to find your soulmate? Aware naman ang friends ko that I am bisexual. May mga crush akong boys but mas marami ang girls. They accepted me for who I am.

"Soulmate? Is there such thing?" sabi ko sa kanila. I don't believe in soulmates. Para sa akin as long as you get along stick together.

"Oo naman!" sagot nilang tatlo in chorus. "Ano ba ang definition mo ng soulmate?" ang tanong nila.

"Ah eh. Ewan. Hindi naman ako naniniwala dun." sa 19 years of my existence I bearly believe in soulmates at love towards opposite or either same sex. Paano ba naman my mom is a great example. She married the man she thought her soulmate and the love of her life. Mabait at responsible. But the heck! The turn of events were just very painful just to remember.

When I was in kinder garten I always see my mom crying over that guy. Yes I am talking about my late father. He slaps my older siblings dahil lang sa lasing siya. He punished them dahil lang hindi nasunod ang gusto niya. And worst part was he was a womanizer. Hindi man nga lumevel sa mama ko ang ipinalit niya. I can feel my blood to my head kapag naiisip ko yung mga araw na umiiyak si mama dahil dun kahit na sobrang bata ko pa noong nangyari yun. Sabi nga ng mga kapatid ko ang swerte ko daw dahil ako ang paborito ng tatay namin dahil ni isang palo hindi ako nakaranas. Pero sa tingin ko hindi pa din ako swerte dahil sa nakita ko kung paano umiyak si mama.

"Ano ba naman Shane? Bahala ka nga. Pero tingin namin soulmate mo un. At itago natin siya sa pangalang Brown Eyes." wow...sila na ang nakaisip ng pangalan para kay miss beautiful. Napakasupportive nila noh?

So ayun na nga. Start na ng last subject ko. Nagdidisscuss ung professor pero si Brown Eyes lang ang nasa isip ko.

"Miss Hernandez, can you at least try to pretend that you are listening and stop staring at the window." sabi ni Miss L.

Yumuko lang ako kasi naman I can see my friends going violet dahil sa pagpigil ng tawa nila.

"Uy iniisip mo si Brown Eyes noh? Sa dreamland na lang kayo magkita. Napagalitan ka tuloy." sabi ni Jovs na pinipigilan pa rin matawa.

After an exhausting day. Exhausting talaga e 3 subjects lang ako. Haha.. Nagkayayaan kami ng barkada na manood ng movie the next day. Saturday naman kaya okay lang na lumabas kami.

Pagdating ko sa bahay binati ko lang si mama. Busy siya sa phone niya at naglalaro ng candy crush. Sabi na nga ba dapat hindi ko siya tinuruan eh. Ngayon nalagpasan na niya ang level ko.

Kain, hugas plato, ligo tapos nanood ako ng tv. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ito at sobrang gabi na magtext? Imposible naman na ang barkada unless may emergency. Nakita ko sa screen unknown number. Naisip ko baka isa nanamang text scam yun na sasabihing nagpalit na sila ng roaming number at kung anu ano ang sasabihin in the end ay hihingi lang pala sayo ng load. Buburahin ko na sana pero there is something about the message. Parang sumisigaw siya na basahin ko. The heck! Ano ba itong nangyayari sa akin. Sobrang curious ako sa text na ito. Ano bang meron dito at hindi ko maerase yung text? Bahala na nga.

End of chapter

Unusual Dream (lesbian love sex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon