BFY 1

4.3K 104 10
                                    

Chapter 1: Mukhang anghel, ugaling demonyo.

Tahimik lang sila Mama at DJ buong byahe. Kung siguro, buhay pa ako malamang ako 'ata ang pinakamaingay dito.

Hinatid na ni DJ si Mama sa bahay kaya bumaba na rin ako sa kotse at sumakay sa compartment ni DJ. Malamang, makikita na ako 'nun. Wala nang ibang tao kundi ako at si DJ lang. Matakot pa sa akin.

Pagkapark ni DJ, hinintay ko muna siya bumaba. 

“1...2...3....4....5...6...” mahinang bilang ko. Hindi kasi ako sanay na magbilang sa isip, pasensya.

“S-sino 'yun?” narinig kong boses ni DJ.

Patay kang anghel ka. Narinig ako. 

“Aish. Wala namang tao, ba ka guni-guni ko lang 'yun.” narinig kong sabi ni DJ. 

“YES!” sigaw ko kaya napatakip ako ng bibig. 

Wrong move, Kath. 

Narinig kong binuksan niya 'yung kotse at binuksan 'yung compartment. Napapikit nalang ako. Para akong si Miho ng “My girlfriend is a gumiho.” Sana hindi ka matakot sa akin Dj, please!

“AHHHHHHHHH!” narinig kong sigaw ni DJ kaya napadilat ako ng mata. 

“S-Sino k-ka?!” nauutal na tanong ni DJ habang nakaupo sa lapag. 

Bumangon ako sa compartment at nag-inat. 

“U-uy. Okay ka lang?” tinulungan ko siyang tumayo at nagpagpag pa siya. Still the same you, DJ. 

“Do I look like I'm okay? Sino ka ba and what are you doing there?” sabi niya sabay turo sa compartment ng kotse niya. 

I sighed. 

“Look, I'm sorry but I need to do this. If you give me a chance to explain, sana paniwalaan mo ako.” seryoso kong sabi sabay tumungo. 

I heard him sighed. 

“Sige. explain.” sabi niya sabay crossed arms. 

Napakagat-labi ako. Ano nga ba sasabihin ko? 

“P-pwede doon nalang muna tayo sa loob ng condo mo? Ba ka kasi magmukha kang baliw dito eh.” sabi ko sabay kamot ng ulo. 

KathNiel: Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon