"Look who's here? Dumating na pala ang galing States! Ojt abroad!!!! Iba talaga kapag tagapagpana!"

"Tigilan niyo nga akong dalawa." Sinamahan nila akong mag ayos ng mga requirements ko pati pagpasa ng mga ratings ko from OJT. I decided to go to the rooftop, hindi ko alam kong bakit parang hinihila ang mga paa ko. Iniwan ko sila Kaye sa Cafeteria.

"Nagbalik ka nga! Ang tagal kong hinintay ang araw na to, gaya ng ipinangako ko." Nandito siya?

DUGGGGUDOGGGGGG, DOGGGGG.DOGGGGG... ayan na naman ang taksil kong puso.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga emails ko Meg, kahit ang mga tawag at text ko? Ganon ba ako kahirap patawarin? Ang kasalanan ko lang naman ang hindi ko pagsasabing magkapatid kami ni Kuya."

"Nagsinungaling ka pa din!" sagot ko sa kanya.

"Dahil natakot ako na kapag nalaman mo layuan mo din ako. Galit ka kay Kuya, You hate him. Kaya hindi ko masabi sayo. Tama nga ako, lumayo ka, malayong malayo." I heard him Sob. Umiiyak siya?

"Mahal na mahal kita Megan. Lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo totoo." He wiped his tears.

"Tama na Nathan, ginamit niyo lang ako, inutusan ka ni James para ligawan ako." Bat parang labas sa ilong ang sinsabi ko?

TANGINA NAMAN MEGAN! MAHAL KITA AT WALANG KINALAMAN DITO SI KUYA!  sinigawan niya ako tapos umakyat siya sa railings.

"Ayaw mo maniwala? Sige papatunayan ko sayo na Mahal na mahal kita. Tatalon ako dito Megan para lang maniwala ka!"

Magpapakamatay siya? HINDI! Hindi pwedeng mamatay si Nathan, mahal ko siya.

"Ayssst bumaba ka nga diyan, kinakabahan na ako." Baka hipan siya ng hangin.

"Kung kailangan kong gawin to, gagawin ko Megan. Mahal na mahal kasi kita." ANg tigas ng ulo ng panget na to, hinila ko ang laylayan ng t-shirt niya dahilan para mapa baba siya tapos binatukan ko siya.

"TANGA KA BA? mapapatunayan mo nga na mahal mo ako pero kung di bali bali yang mga buto mo patay ka naman sigurado." umiiyak na din ako.

"Aray naman Meg." kamot niya sa ulo niya, nasaktan yata.  

"Ayaw mo kasing maniwala. I LOVE YOU MEGAN LOUISE, please babe patawarin mo na ako." tapos lumuhod siya hawak niya ang kamay ko. Ano ako santo?

"Ayystt!  Tumayo ka nga d'yan, para kang tanga alam mo ba!" pero kyaahhh kinikilig ako. Naghuhurumintado na nga ang puso ko.

"Please Megan. Mahal na Mahal kita." para na tong sirang plaka paulit ulit nalang. I could see the sincerity in his eyes tapos umiiyak na naman siya. Bakla ba to? napaka iyakin eh.

"Tumayo ka na sabi d'yan eh," tapos hinila ko siya patayo. I wiped he's tears. Ang gwapo gwapo ng baby ko para umiyak, namumula na ang mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya, miss na miss ko din siya eh. Tapos I closed the gap between us. Hinalikan ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ibig sabihin ba nito? Pinapatawad mo na ako?" Haissst nagtanong pa talaga siya,slow nito eh...

"Bayan Babe ang hina ng pick up mo?" tukso ko sa kanya. bigla nalang niya ako binuhat at inikot ikot. Tapos sumigaw siya..

Thank You Lord!!! Yes! Siya

"Ibaba mo na nga ako, nahihilo na ako eh!" reklamo ko pero chooossss lang yon, kinikilig naman ako.

"I love you baby! Miss na Miss kita alam mo ba." hawak hawak niya ang mukha ko. Umiiyak na naman siya.

"I love you too Nathan. Please don't hurt me again. I miss you too. Sorry kung naging makitid ang utak ko, hindi manlang kita pinakingan."

"Kalimutan na natin yon Babe. Salamat. After our graduation, pormal akong magpapa alam kina Mama mo para ligawan ka ulit."

"Itutuloy mo talaga yang plano mo?"

"Oo naman baby. Anything for you. I love you." niyakap niya ako and I hugged him too . Bakit ako magmamatigas, mahal ko naman talaga siya. Nadala lang ako ng galit ko. At sino ako para hindi magpatawad. 

Baby, may hihilingin sana ako. Sana kahit anong mangyari, always believe in love and always give a second chance, always a second chance. Pinagdikit niya ang mga noo namin.

Always a second chance.., ulit ko sa kanya bilang pagsangayon.

Hinatid niya ako sa bahay, pinakilala ko siya kina Mama at Papa bilang manliligaw. Wala naman problema sa kanila. Gagraduate nadin naman kasi ako.

Kinausap ni Nathan si Papa at mukhang magsundo na sila agad. Di sila na. Si Mama naman kinikilig, ang gwapo daw kasi ni Nathan, bagay daw kami. Isa nalang talaga ang kulang, si Bessy.



Mahirap magbigay ng unli chances sa mga taong sinaktan tayo. Pero if may chance naman, bakit hindi? Always give second chances to be happy.

Broken Promise (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin