"Oy Mr.Geek ba't ka naka simangot?" Nabigla siya at nag kamot ng ulo.

"Wala may iniisip lang," sabi niya at mukhang alam ni Bienne ang iniisip ng isang 'to. Aba-aba may sikreto sila!

Inintay nila kami mag ayos ng gamit at sabay-sabay na lumabas ng building, pero pagkaapak ko palang ng lagpas sa pinto sumalubong na agad sa'kin ang prisensya nila.

Agad kong hinagilap ang bawat istudyanteng dumadaan sa harap ko pero hindi sa kanila galing,

Mga dugong may halong droga ang na aamoy ko, hindi tao o werewolf kundi mga bampira.

Biglang na hagip ng mata ko ang tatlong lalaki sa labas ng gate at nung nagtama ang mga tingin namin madali silang umalis.

"Fio may problema." tanong ni Bienne at umiling lang ako, tinignan ko naman si Rin pero mukhang wala siyang naramdaman.

Ano kayang balak ng mga iyon sa school na 'to? O 'di kaya ako na naman ang habol nila?

••*••

Umupo ako sa tabi ni Claire at 'yung dalawa naman ay nasa harap namin nagkukulitan, andito kami sa park at naglatag kami ng sapin sa damuhang part nito. Medyo tago ang parte na 'to kami lang apat ang madalas na nagpupunta dito at dahil hindi na popular ang parke na 'to wala na talagang tao pa ang bumibisita dito.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo doon?" Tanong ni Claire habang naka indian sit at ngumunguya ng sandwich na baon namin.

"Ayos lang medyo mahigpit kaya hindi ko kayo nakakamusta," tumango tango siya at pinaghahampas ang likod ko.

"Ayos lang 'yun no ka ba importante na tupad na'tin 'yung promise na'tin." ngumiti siya sa'kin kaya na pangiti na rin ako.

Ang promise namin ay maging teacher sa mismong school kung saan kami grumaduate nung high school, at ito nga sama-sama kami nagtuturo ngayon.

"Eh may boyfriend ka na doon? Or nagkaroon ng boyfriend doon?" Umiling ako miske isa wala.

"bakit naman." nagsasalita siya ng puno ang bibig at galit na galit, para talagang tomboy 'tong si Claire pero kung mag-alala siya parang ina.

"Wala lang wala naman kasi akong magustuhan doon at isa pa mukhang mga babaero." tumungo tungo siya.

"Sabagay liberated ang mga tao sa bansang iyon." tama siya doon.

"At mukhang kilala ko na ang gusto mo Fionna," sabi niya sa'kin at nang laki ang mata ko.

"Kilala mo?" Tumungo siya.

"Pareho tayo." parang biglang akong na frozen doon at hindi makagalaw ni miske makahinga.

Ibig sabihin ba nun? Si Rin din ang gusto niya? Kaya ba iba siya mag-alala kay Rin? Kaya ba todo todo ang pag iingat niya kay Rin?

"Pffft joke lang!" Hinampas hampas niya ko sa likod kasabay ng pagbawi niya sa mga salitang 'yun, buti na lang talaga busy 'yung dalawa sa ginagawa nila at nakatalikod ito sa'min kundi lagot na.

"Alam ko naman na mahal mo si Daniel, Fionna at isa pa bagay kayo para sa isa't isa." ako lang ba ang nakakapansin nito o talagang sobrang lungkot ng expression niya ngayon? Mararamdaman mo rin na may dinadala siya.

"Tama na nga haha kain na lang tayo. OY KAYO D'YAN ANO BA?"

"Sorna"

"Ano 'yan?"

Nakita ko silang tatlo na nagkukulitan, katulad ng dati pati nung oras na wala ako. Nung mga oras na ba 'yun doon ka na hulog sa kaniya Claire? Ano ang ibig sabihin ng malungkot mong mukha kanina? Anong nararamdam mo sa kaniya?

Napaikom ko ang palad ko at napatungo.

"Yo 'di ka kakain?" Napatingala ako at nakita ko si Bienne papalapit sa'kin hawak ang mga pagkian.

"Thanks." inabot ko ang isang tinapay doon, napatitig ako kay Bienne at ngumiti lang siya sa'kin.

Ahhhh alam ko na.

Siya ang para sa'kin at si Claire ang para kay Rin?

"Ano bang pinag-iisip mo d'yan." tumabi rin sa'kin si Rin at binanat ang pisnge ko.

"Aray!" Tumawa siya at kinalbit ako sabay turo kay Claire na nasa harapan namin.

"Okay smile." automatiko na lang ako ngumiti nang makita ko ang mukha ko sa front camera ng cellphone niya.

How nice, meron na naman kaming remembrance na apat, sana forever na lang kaming magkakasama.

Pwede bang single na lang kaming apat? Para walang bubukod samin.

Natapos ang kwentuhan at kulitan naming apat, pagtapos nun umuwi na agad ako at hindi na bumisita kala Rin kasi naman madami akong gagawin para bukas kasi start na talaga ang klase ko tom.

Dumaan ako sa kwarto nila mama at tahimik iyon, nasa library sila dahil amoy ko ang dugo nila doon, hindi lang silang dalawa pati si lolo James ay nandoon.

Binabaan ko ang paghinga ko at presensya ko upang hindi nila malaman na nasa harap ako ng pinto, gugulatin ko lang sila pero mukhang ako pa ang na gulat sa narinig ko.

"Hindi maarin 'yun lo! Bakit naman nila gustong gamitin ang anak ko sa labanan? Hindi siya armas para ubusin ang mga lahi ng itim na lobo." napahakbang ako ng paurong.

"Pero binigyan nila tayo ng babala anak, iba ang kaso ng mga bampirang ito, malalakas ang mga katulad nila dahil may halong droga ang dugo nila at hindi lang sila isang grupo kundi madame!" 'yung mga bampira kanina sa gate ng school.

"Isa pa lolo bakit nila uubusin ang lahi ng mga itim na lobo? Nanahimik ang mga iyon parteng nayon? Hindi na sila nakikihalubilo dito sa'tin sa syudad!" Naramdaman kong may tumayo sa kanila at paikot ikot na naglalakad, ako hindi makagalaw dito sa kinatatayuan ko at kinakalma ang sarili ko para hindi nila ako maramdaman.

"Wala tayong magagawa, kaya ng anak mo 'yan," sabi ni lolo James at narinig ko na lang ang lagapak ng lamesa at durog na kahoy, napasinghap ako at alam ko naramdaman ako ni mama sa loob.

"Marshall ang anak mo nasa labas ng pinto." Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at hindi na ko umalis pa sa kinatatayuan ko.

Nakatitig ako sa kanila na pawang nagtatanong at sila naman ay na bigla sa'kin.

"Sweetie magpapaliwanag kami." nakita ko si mama na nag-aalala at si lolo na hindi makatingin sa mga mata ko.

Ngumite lang ako kaypapa.


TO BE CONTINUED 

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now