Malapit na ako sa bahay nang mapansin kong may dalawang lalaking nakaharang sa dadaanan ko. Nakatingin pala sila sa'kin at sa hawak kong butcher knife. Pamilyar ang itsura nila pero hindi ko na gaano pinansin at dumiretso ako sa bahay.


Hindi pa ako nakakapasok eh tinisod ako nung isa sa mga nag-iinuman. Hindi ko siya pinansin at pumasok ako sa loob habang tumatawa sila. Gustung-gusto kong ihagis sa kanila ang butcher knife pero biglang sa braso ko bumaon ang butcher knife.


Tumingin ako sa asawa ng tita ko, alam kong galit sila dahil natagalan ako. Sinabunutan ako ng tita ko habang pinapalo ako ng asawa niya sa hita ng baseball bat. Pinagmumura nila ako habang binubugbog. Inuntog pa ang ulo ko sa dingding ng ilang beses. Alam nilang hindi ako papalag. Hindi pa nakuntento at sinakal ako hanggang sa pinto. Dun na ako pumalag kaya sige sa pagsabunot sakin ang tita ko. Hanggang sa sumigaw siyang lumayas na daw ako. Nagpanic ako dahil wala akong mapupuntahan at itong bahay lang na to ang iniwan sa'kin ng tatay ko.


Pinalo uli ako ng baseball bat sa likod at laglag ako sa lupa. Alam kong mawawalan ako ng malay anumang sandali pero pinipilit kong lumuhod para magmaka-awang wag akong paalisin pero syempre hindi ako nakakapagsalita kaya tinitingnan ko lang sila. Hindi naman mukhang natutuwa ang tita ko at akmang sasampalin ako pero may pumigil sa kanya.


'Yon yong lalaking nadaaanan ko kanina. Hindi ko na gaano pinakinggan ang usapan nila dahil nahihilo na ako. Mayamaya pa'y naramdaman kong may bumuhat sakin. Nagpanic ako dahil akala ko kung siya yong asawa ng tita ko pero kumalma ako nang makita kong hindi. Dun na ako nawalan ng malay.



"H-hi"


Tumingin ako sa sulok ng kwarto. May couch dun kung saan naka-upo ang dalawang lalaki. Sila 'yong nadaanan ko sa'min.


Nakatingin lang ako sa kanila.


"Do you remember us?"


I want to nod but my neck hurts.


Lumapit sa'kin 'yong bumuhat sa'kin. "My name's Luke. And that monkey..." he pointed at the other guy who's approaching us. "...is Danny".


I tried my best to nod. I then looked around me. May mga kung ano anong nakakabit sa'kin. Sa dami nun, dextrose lang ang alam kong isang nakasaksak sa'kin.


"Tawagan ko lang si papa na gising ka na." Paalam ni Luke bago lumabas. Naiwan si Danny na nakatingin lang sa'kin.


Umupo siya sa upuan na nasa right side ko. "You know how to write right?"


Tumango ako. He grinned and pulled a tablet out of his bag.

"Can you move your hands?"


I tried to wiggle them for him and mukhang hindi naman gaano masakit. I nodded.


"Good." He then placed the tablet on my tummy and I cringed a bit dahil may pasa pa ako dun. Pero hindi naman gaano masakit kaya okay lang. He got up para i-adjust 'yong bed ko. May pagka-recliner 'yong bed kaya umangat 'yong upper side and of course umangat din upper half ko so I am now in sitting position.


"I ask something, you scribble your answer okay?"


I tried to write yes sa tablet and although ang pangit ng sulat, nababasa naman.


"Very good."


He looked at me. "Do you remember me?"


Tumingin ako sa kanya. Familiar siya pero ang huling kita ko sa kanya ay nung tinulungan nila ako sa bahay.


'Yes. Ikaw yong nasa bahay nung isang araw kasama yong isang lalaki'


He smiled. "Nagkita din tayo sa school nun. Binangga mo pa nga ako sa balikat, remember? Kasi nagkukulit ako sa pagpindot ng elevator"


Oh yeah. Siya nga 'yon! May hinatid ako kay Ada, anak ng tita ko, sa school nila dahil may nakalimutang project. Tas nung nag elevator ako, nakasabayan ko 'yong kaibigan niya. Si Danny ang laging nagpipindot ng elevator kada floor para lang sabihan ng 'see you sa enrollment' si Luke.


'Naalala ko'


He grinned. "Gwapo ko di ba?" I angled my head pero hindi na ako nagsulat. "Sinong kasama mo sa bahay niyo?"


I bit my lip then wrote down my answer. 'Tita and asawa niya tsaka yong anak nila'


"Your parents?"


'Wala na sila'


He took a deep breath. "Sorry"


'Okay lang'


"Wala ka bang kapatid"


'Wala'


"Century... sinasaktan ka ba sa bahay niyo?"


I looked at him then scribbled 'gutom na ako'



**************



Luke's POV


"What now, dad?"


"Anong what now? Syempre magbabantay ka dito sa hospital." He grinned.


Napakamot ako sa batok. "Sabi mo hahanapin ko lang siya eh tas malaya na ako di ba? Di ba?"


He made a face. "Eh nakita mo ngang punching bag na siya kaya things changed now. Bantayan mo muna siya. At marami pa akong gagawin. Ipapa-investigate ko pa ang tita niya and I plan on filing a case against them."

"Paano na ang freedom ko?"


He put his arm around me. "Babayaran naman kita kaya wag kang mag-alala. Kilala kita, alam kong kayamanan ko lang habol mo kaya chill ka lang boy." He chuckled.


I elbowed him. "Syempre anak mo ako kaya dapat lang talaga na bigyan mo ako ng datong! Pero may plano kaming mag out of town eh! Paano na 'yon? Tengga ganun? Pause muna ganun?"


He tightly smiled. "Nope. Hindi na tuloy 'yon." Then he let out an evil laugh.


"Ano??!"


The Delinquent and The SilentKde žijí příběhy. Začni objevovat