It's either may issue na naman si ate Eura o si ate Ami. At dahil ayaw ni mama na lumala ang issue ay dapat ko daw iwasan ang media.

Ganon naman palagi eh, may pakialam lang si mama sa akin kung makakaapekto ako sa trabaho nina ate.

"Uuwi na pala ko," pagpapaalam ko kay Miko na hindi pala nakikinig sa akin kasi nakatingin doon sa paparating na pagkain.

"Ayan na oooo!" tuwang-tuwang sabi niya na wari mo'y gutom na gutom.

"Uy, aalis na ko," ulit ko habang hinahalo niya ang lomi niya para mawala 'yung init.

"Ha?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paghalo at may pagsubo pa ng isang tinidor ng lomi.

"Sabi ko, uuwi na ko," sabi ko at tumayo.

Agad niya kong hinawakan sa pulso para tumigil ako habang nasa labas pa ng bibig niya yung loming hindi niya makain gawa nung init.

Nilunok niya't uminom siya ng tubig habang hawak pa rin ako.

"Kumain ka muna, sayang yan. 45 pesos din 'yan o."

"Eh, pinapauwi na ako eh," sabi ko. "Sa'yo na lang 'yan, mukhang gutom na gutom ka eh."

Tiningnan niya 'yung orasan niya, "Gabi na o, shunga ka ba?"

"O? Ano magagawa ko?"
"Samahan na kita, saglit," sabi niya na di pa rin ako binibitawan.
"Ha? Ayos lang, kumain ka na. Sabi mo nga di ba, sayang," pabebe ko pang sabi kahit alam kong kailangan ko ng kasama at gabi na.

"Pabebe."

Tiningnan ko lang siya ng masama habang siya naman ay umiinom. Maya-maya ay tinawag niya 'yung ale dun sa lomihan at sinabing babalikan daw niya 'yung lomi mamaya pagkatapos niya kong ihatid.

"Malayo ba 'yung inyo?" tanong niya matapos ang sampung minutong katahimikan habang kami ay naglalakad.

"Kahit hanggang dun na lang sa sakayan," sabi ko habang busy ako sa paghahanap ng Wi-Fi. "May 3G ba phone mo?"

Tumingin lang siya sa akin atsaka kinuha 'yung phone niya.

"Pa-Wi-Fi. May kailangan lang akong tingnan."

Binigay niya naman sa akin 'yung phone niya. Pagkita ko, may passcode kaya inabot ko sa kanya pabalik.

"Charlene."

Tiningnan ko siya.

Hanggang sa magets ko 'yung sinabi niya.

"Small caps?" tanong ko.
"Oo," sagot niya kaya ako na 'yung nagtype dun.

Agad kong napansin 'yung wallpaper niya.

Picture nila ni Charlene.

Ex ba niya si Charlene? Mukhang close sila dito ah? Pero bakit dati nakita kong sinampal ni Charlene si Miko? Tapos ang tanda ko, parang sinasabi ni Miko na siya na lang daw. Hmmm? Ano kayang nangyare?

"Nakikitsismis ka ah," sabi niya sabay hablot ng phone niya mula sa'kin.

"O, ano ba 'yung titingnan mo?"

Patuloy naman kami sa paglakad.

"Balita," sagot ko matapos naming makalampas doon sa may tao.

"Kapatid mo?"

Tumango lang ako.

Kaya tumutok siya sa phone niya. "Tingnan ko sa Facebook."

(ONHOLD) Prologue to LoveWhere stories live. Discover now