"Tsong, ung samin ni Cathleen ang ikukwento mo. Hindi ung pagkakaibigan natin." Natatawang sabi ng kaibigan.

"Wag ka ngang mangialam. Ako ang nagkukwento diba? Ginusto mo 'to eh." Panunukso ulit ni Batchi.

"Anyway, sige, fast forward tayo dahil atat na atat na 'tong Althea na 'to. Noong maging kaklase namin si Cathleen sa Design class nung 4th year kami, tinamaan kagad si Tsong." Sisingit na naman sana si Althea pero mabilis siyang binara ng nagkukwento. "Pwede bang kumain ka nalang diyan? Kami ni Jade ang magkausap eh."

Natawa nalang ako nang hampasin ni Althea sa braso si Batchi. Kumakain lang rin ako at nakikinig na parang batang nag-aabang ng bedtime story.

"So ayun nga. Sino ba naman kasi ang hindi matatamaan dun sa babaeng un? Eh makalaglag panty at brief ang beauty. Isama mo na pati boxers." Tumawa kaming tatlo. "Pero sobrang shy type kasi niya. Ang tahimik, at halos walang kinakausap. Kaya nung naging magkakagroup kami sa midterm plate, kasama si Wila, kinilala namin siya. Mabait naman pala at may pagkabaliw din minsan." She stopped for a bit para sumubo ng pagkain.

"Sila ni Tsong ung naging close talaga, kasi ako that time, medyo busy sa sarili kong lovelife. 'Lam mo na. Pogi problems! Hahaha. Si Wila naman busy din, kasi may part time job siya nun. So ayun. Nung magtagal, nadevelop si Tsong. Super sweet kasi ni Cathleen. Siya ang pinakamaalaga sa barkada. Then one day, nagtapat na 'tong si Althea. Naaalala ko pa nga nun, nasa condo siya ni Cathleen eh."




And the story I don't really like to hear starts... now.




"As expected, shock mode si Cathleen nung una. Ilang araw din niyang iniwasan si Tsong. Pero si Althea kasi, hindi naman niya un inamin para masuklian ung pagmamahal niya eh. Ipinaalam niya lang talaga. Syempre dahil nga tinamaan si Tsong... gumawa siya ng paraan para hindi mawala kahit man lang ung friendship nila. Naku Jade, kung nakita mo lang pag-iyak ni Althea nun. Akala mo guguho na mundo niya." Tinawanan naming dalawa si Althea.

"Iyakin ka pala eh." Dagdag na asar ko sa kanya at binatukan niya ako.

"Nagsalita! Parang siya hindi." Balik naman niya sakin.

"Siraulo kasi ung Lauren na un." Inis na sabi ko.

"What?! Teka teka, Jade. Meron ka din?" Gulat na tanong ng butch.


Shoot! I just realized na wala pa nga palang alam si Batchi.


Pinagtawanan ako ni Althea kasi alam niyang nadulas ako. Napatakip nalang ako ng mukha habang si Batchi ay patuloy na nangungulit.

"Share mo na yan, Jade! Dali na." Halata namang gets na niya kasi maririnig mo ang tuwa sa boses niya.

"Mamaya na. Tapusin mo muna ung kwento mo." Nakatawang sagot ko. Bigla akong naging interesado sa istorya nila Althea at Cathleen dahil hindi ko pa alam kung paano sisimulan ang kwento ko.

"Sabi mo yan ha!" Then she continued her story. "Well, after nun... naging okay naman sila. Nadevelop din ung feelings ni Cathleen para kay Althea. Hindi kasi siya iniwan ni Tsong. Sabi niya kasi samin dati, bihira talaga ung mga taong nagse-stay sa buhay niya dahil nga hindi siya masyadong marunong makipagkaibigan. Sanay siya na mag-isa."

"Minsan nga ang tingin ko masyado siyang nagiging dependent dito kay Tsong. Parang hindi na niya kayang kumilos mag-isa. Masyado atang na-baby." Pag-amin ni Batchi. Tinignan naman siya ni Althea ng ilang segundo at parang pinag-iisipan ang mga sinabi ng kaibigan.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now