"Good morning po." napalingon ako sa isang maliit na istudyante, wwoooooow ang cute-cute niya parang elementary ang height niya!

"Go-good Morning." nag niningning ang mata ko sa mga cute na batang 'to habang suot nila ang sailor uniform nila at sa iba naman ay naka coat at cute na pang high school uniform nila.

Waaah na kakamiss!

"Fio!" Napalingon ako at nakita ko si Bienne na papalapit sa'kin.

"Bienne!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya, wala kasi akong pagkakataon noon na batiin siya kaya miss na miss ko 'tong isang 'to.

"Woow wooah nakikita tayo ng mga student na'tin hahah." napakamot ako ng ulo at napabitaw sa kaniya pero na dali ng tingin at pang amoy ko si Rin kaya agad akong lumingon sa likuran niya.

"RRIIIIIINNNN!" Tumakbo ako papunta sa kaniya at halatang na gulat siya at hiyang hiya.

"Good morning." ngumiti siya sa'kin at binati rin ako.

"Good morning." Sabay-sabay kaming tatlong umakyat sa building namin at inayos ang mga gamit namin sa sari sarili naming desk.

Nakakatuwa lang tignan na may sarili na kong desk dito sa faculty na 'to, binati ko bawat teacher na nakilala ko sa seminar last week, at na tuwa naman sila samin.

"Good morning." napalingon kami hingal na hingal na si Claire, na miss ko rin 'tong babae na 'to kaya agad ko siyang niyakap kasi hindi ko rin siya masyadong nakakausap at tinarayan ko pa siya last time na nakita ko siya dito sa school.

"Claire."

"Marfie waaah." para kaming baliw na nag paikot-ikot doon habang magkayakap.

"Sorry hindi kita na bibisita sa inyo." umiling ako at niyakap lang din siya.

"Ako ang dapat mag sorry kasi na tarayan kita dati." tumawa lang siya at binaliwala lang iyon.

"Tama na 'yang umagang umaga tara na malelate na tayo." sumabay na ko kay Bienne at nag wave kala Rin at Claire.

Parang bumalik ang memorya ko dati, tuwing may paring sa room ganito rin lagi eh, ako at si Bienne, sila naman ni Claire.

Lagi ko siyang gusto makapartner pero na uuwi sa laging silang dalawa, at kami ni Bienne, sabagay bagay naman talaga sila simula pa lang a umpisa.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Bienne.

"Bienne bagay ba tayo?" Bigla siyang namula at nahiya sa'kin kaya na tawa ako.

"Hahhaha joke lang tara na nga." siguro nga kami na lang lagi ni Bienne ang magkakasama.

••*••

Kinakabahan kong binuksan ang pintuan ng Room kung saan ako ang hahawak sa mga istudyante na 'to.

Pinihit ko ang seredula at tumambad sa'kin at iba't ibang klase ng amoy, napaurong ako at tinignan isa isa sila.

Hindi ako nag kakamali may werewolf sa mga istudyante ko!!!

Nagsulat ako sa board ng pangalan ko at bumati ng "Good morning." tumayo sila ng sabay-sabay at nag greet sa'kin sabay bow.

"Ako ang magiging home room teacher niyo now on, my name is Ms.Marfie Fionna Perez. You can call me Ms.Marfie or Ms.Perez anything you want wag lang 'yung parang tropa ha. Nasa loob tayo ng room so ituring niyo kong teacher niyo at friend niyo out side the school guys." ngumiti ako pero hindi ko maiwasang mapailing.

Iba ang titig niya sa'kin, iba ang amoy niya!

"Thank you Maam!" ngumiti ako sa kanila at isa isang hinagilap kung saan nang gagaling ang tingin na 'yun at nagtama ang tingin namin, 'yung istudyanteng naka upo malapit sa pintuan sa likod, kulay brown ang buhok at medyo matalim ang mata.

"Maam?" napatingin din sila sa direksyon kung saan ako nakatingin kaya lahat na kami nakatingin sa kaniya ngayon kaya bigla siyang nahiya at napayuko.

"Ay HAHA! Wag niyo kong pansinin okay? Tara mag start na tayo ang ituturo ko ay arts." at iyon na nag simula na ang pagtuturo ko bilang home room teacher ng mga batang 'to.

Pero hindi ko maiwasang kilabutan sa titig ng istudyante kong iyon, hindi naman gaano amoy na werewolf siya pero alam ko sa dugo niya may na nanalantay na ganun.

Half werewolf? Parang dhampir lang?

Natapos naman ang subject ko sa kanila at nag assign na rin kami ng class representative para sa room namin, hindi naman ako gaano nagturo ipinaliwanag ko lang 'yung about sa subject nila tapos nagpakilala sila isa isa.

"Kier Vincent Arcega." tipid niyang sabi sabay upo, ni hindi man lang siya nag salita about sa sarili niya.

"Anong gusto mong itawag namin sayo ng mga classmate mo?" Hindi siya sumagot at nagtaray pa sa'kin.

Aba aba!! baka gusto nito mabalian ng buto.

"Kier gusto mo?" Nagtitimpi lang ako at nalulukot na ang pag mumukha ko dito sa pagpipilit na ngumiti sa hinayupak na aso na 'to!

"Kahit ano." napangite ako nang malapad at mukhang natatakot na ang mga isudyante ko sa'kin, lumapit ako sa kaniya at tinukod ang pala ko sa desk niya.

"Kahit ano?" Tanong ko at tumitig lang siya sa'kin kaya lalo akong na asar.

"Okay lahat tayo itatawag sa kaniya ay INU!" Napangiwe ang mga istudyante ko at kaniya-kaniya silang bulong kung anong ibig sabihin ng inu.

"Hahaha kung 'yan ang gusto mo gurang." nanlaki ang mata ko at kinuwelyuhan siya.

"Ansaveh mo? Sa ganda kong 'to?" Nagpapanic na ang mga isudyante ko kaya lahat sila tinitigan ko.

"Okay CLASS! Tama na 'to at baka mabalian ko pa ng buto 'yang classmate niyo! Kahit ano pa itawag niyo sa'kin wala akong pake basta makikinig kayo sa ituturo ko okay." ngumiti ako sa kanila para mawala ang takot nila at na gulat ako ng tumawa 'yung si inu.

"Hahhaha okay poMaam Gurang." nag usok na naman ang ilong ko! Humanda ka sa'king ASO KA!


TO BE CONTINUED 

AN: Inu po sa tagalog ay Aso.
Japanese- Inu tagalog - Aso  :3

My Blood Is Yours [YBIM BOOK II]Where stories live. Discover now