"Tara na balik na tayo dun." aya sa akin ni Lito.

Pabalik na sana kami ng biglang bumayo ang malalakas na alon. Unti-unti akong tinatangay palayo sa mga kasamahan ko. Narinig ko ang pagtawag nila sa akin pero nadadaig ako ng tubig. Pinilit kong makaalpas sa malalakas na hampas ng alon  pero hindi ko na kayang sumagot nilalamon na ako ng tubig. 

"Samantha!" narinig ko ang boses ng Itay. 

Hindi ko siya makita. Kahit anong pilit ko ay hindi ko makita ang nagmamay-ari ng boses na paulit-ulit na tumatawag sa'kin. 

 Nahihirapan na akong huminga hanggang sa biglang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Agad akong nahilo at pakiramdam ko'y naubos ang liwanag sa aking mata. Isang tinig pa ang narinig ko hanggang sa tuluyan akong sumuko sa kadiliman. 

Nagising ako sa ospital na masakit ang buong katawan. Punong-puno ako ng mga galos at pasa na hula ko'y galing sa mga bagay na tumama sa akin sa dagat. Nakita ko sa isang sulok ang kapatid kong si Macoy na tahimik na nakaupo sa tabi ni Inay. 

Tinawag ko siya. 

Agad siyang napalingon sa akin. Mabilis siyang yumakap sa aking katawan na nakahimlay sa kama. Kahit masakit ang katawan ko, pinilit ko siyang yakapin pabalik. Lalo siyang pumalahaw ng iyak sa ginawa ko. 

"Tahan na, Macoy. Ligtas naman si Ate." mahinang pag-alo ko sa'kanya. 

Lumayo siya sa'kin. Pinunasan ko ang naglandas na luha sa mga mata niya. Ngumiti ako at hinaplos ang ulo niya. 

Nilingon ko ang Inay na tahimik at seryosong nakatingin sa akin. HIndi ko maintindihan ang ibang emosyon na meron siya pero batid kong hindi maganda ang mangyayari. Nilibot ko ang mata ko sa buong silid. HIndi ko makita ang Tatay sa anumang sulok noon kaya nagtataka akong nagtanong. 

"Inay, nasaan po ang Itay?" 

Hindi pa man ako nakakarecover sa tanong ko ay mabilis akong inabot ng Inay at magkabilang sinampal. Halos mabingi ako sa lakas noon. Kahit ang iyak ni Marco ay hindi nagpatigil kay Inay para saktan ako. 

"Nang dahil sayo namatay ang asawa ko." galit na galit na sigaw niya. 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Inay. Pinilit kong makabangon sa kama para maayos ko siyang makausap. "A-Ano pong nangyare? Bakit.. Anong.." hindi ko mahuli ang tamang tanong. 

Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko maiporma sa utak ko ang mga salitang dapat kong sabihin. Ambang lalapit ulit si Inay sa'kin nang yakapin siya ni Marco sa bewang. 

"Inay, tama na po! Hindi po ginusto ni Ate ang nangyare!" 

Umiling siya. "Ilang beses kitang pinagsabihan na huwag kang lalayo. Pero pinairal mo pa din ang katigasan ng ulo mo at ng dahil sayo namatay si Roman namatay siya." napaupo ang Inay sa harapan ko at patuloy na umiyak.

Unti-unting naproseso ng utak ko ang mga nangyare. Ang huling bose na narinig ko bago ako nawalan ng malay. Ang kamay na yumakap sa'kin ng akala ko ay tuluyan na kong aanurin ng dagat. Ang taong sumagip sa akin sa gitna ng panganib...

Napansinghap ako.

"Hindi ko po sinasadya Inay. Hindi ko alam." pahikbi hikbing sagot ko. 

******

"I never knew what really happen, until I got out of the hospital. Iniligtas ako ng Itay, Troy." 

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now