CHAPTER 53 (Fail Michaela)

Začít od začátku
                                    

“Are you alright?”

Tumango ako.

“Sorry nagulat ata kita.” Patay. Kinakausap na pala ako ni Alex samantalang nasa kailaliman ako ng pag iisip. Naman Michaela! Control yourself! >.<

“Hindi naman ako masyadong napaso. Okay lang ako.” Sagot ko kay Alex.

“Mikay nasaktan ka ba?”

Mikay..

Buong akala ko si Ian na yung nagsalita. Si Danica lang pala. She called me Mikay.. bakit kaya? Napatingin ako kay Ian, busy lang siya sa pagkain at parang walang pakelam sa nangyayari.

“O-okay lang ako Danica.” ^_^

Tumingin naman ng masama si Danica kay Alex. “Hoy Mr. Crisanto! Wag mo kasing gulatin ang bestfriend ko!”

Bestfriend? Ay oo nga pala. She asked me to be her friend a while ago. Di bale na nga lang yung BEST. Atleast now I have a bestfriend ulit.. pero halo halo ang nararamdaman ko pag nasa paligid si Danica. Mabait naman sya pero. Ewan ko ba. -___-

“I already said sorry.” Sagot naman ni Alex.

“It’s not enough!” Teka.. O__O Nagagalit ba sya kay Alex? Then tumingin naman sya sakin. “Don’t worry Mikay, sasamahan kita sa clinic.”

Clinic? Clinic agad? E malayo pa nga to sa bituka ko? Hindi naman ako masyadong nasaktan. -__-

“Thank you pero huwag na tayo pumunta sa clinic. Ayos lang ako. Hindi naman ako masyadong napaso.”

“Sigurado ka ba?”

Tumango ako then ngimiti sa kanya.

“Danica, sabi ng parents mo bantayan kita. Dapat healthy foods daw ang kainin mo. Kainin mo tong gulay, para naman magkalaman ka.”

Sa wakas narinig ko rin ang boses ni Ian.

Kaso..bakit ganun na naman ang nararamdaman ko? Nagsalita lang naman sya para kay Danica. Pero hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanilang dalawa. Naalala ko yung panahong kami lang ni Ian ang magkasabay mag lunch tapos pinupuno nya ng masustasyang pagkain ang plato ko dahil lagi na lang daw ako nag ka-cup noodles. Kumain naman daw ako ng gulay paminsan minsan. Hindi ko maiwasan pero namimiss ko yung mga panahon na iyon. Pero nangyayari na naman ulit ngayon pero sa ibang tao naman niya ginagawa. :’(

“Sige, kakainin ko yan. Pero kainin mo muna to.” >:D

Hawak ni Danica yung tinidor na may slice ng steak para isubo kay Ian.. ayaw ko mang tingnan ang nangyayari pero parang na magnet na yung mata ko sa kanilang dalawa.

Nagdadalawang isip pa si Ian kung kakainin niya ba yung steak o hindi. Nag pout naman si Danica kaya no choice na sya kaya  kinain na niya yung steak. Sinubuan pa talaga ni Danica si Ian.

Nagawa na ba namin yan ni Ian? Hindi ko na matandaan pero.. damn this feeling! Ano ba to?! Nakakainis. >__<

Napatanga na lang ako sa kanila. Alam ko, nakatingin din sa dalawa si Miah at Alex. Pinakikiramdaman lang nila ako kaya ang ginawa ko..

Hinawakan ko yung malaking bowl ng noodles ko. Binuhat ko yun papunta sa bibig ko at straight na nilagok ang laman nun! Walang hingahan at deretso sa lalamunan. Silang apat naman napatulala sa ginawa ko. Ngumunguya-nguya pa nga ako habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat.

Kahit ako hindi ko rin mapaliwanag sa sarili ko kung bakit ko ginawa yun. Nababaliw na siguro ako. Noong umuorder ako ng isang bowl na noodles, never ko pa yun naubos. Ngayon lang.  =___= Nakakahiya ang ginawa ko kaloka. Turn off na siguro sakin ang dalawang lalaksot na kasama namin. Tanga-tanga ko talaga forever. -___-

I Love That Weird Girl (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat