Chapter Forty Four- Date with him and Cook for him

Depuis le début
                                    

"Hell Yeah" Sagot nito. Pumasok na ko sa bahay at pinapasok narin si Manong Driver. Pinahawak ko kasi sa kanya ang niluto namin ni Ivan kanina, kaya heto nilagay na ni Manong Driver 'yung mga pagkain sa lamesa. "Hehe. John, sorry kung hindi ako nakapagpaalam ah. Magdadate kaya tayo. Tsaka, heto oh, may dala kong pagkain para sa'yo--este sa mga magulang mo rin pala. He-he-he. Kain na tayo?" Yaya ko. "DATE?!" Gulat na tanong ng nanay niya. Tumango ako. Huhuhu, dapat kasi kay John lang 'yang mga pagkain dahil 'yun 'yung nakalagay sa libro na 5TTYB eh. Pero dahil nandyan ang parents niya, kailangan respetuhin din sila no!

Tatabi na sana ko kay John sa tabi niya pero mabilis na umupo dun si Tiara. "Abigail, maghanda ka na ng foods for us ha? Thank you!" Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Ako na naghanda ng mga platito. At sinalinan ko na sila ng makakain.. Napalingon ako sa may pintuan. Aalis kasi ang tatay ni John kaya pinigilan ko na siya kaagad. "Sandali lang po!" Pigil ko. Lumingon naman si Mr. Nate sa akin. "Kain muna po tayo, Hihi" Yaya ko.

"No thanks, I'm busy. Tsaka may pupuntahan pa ko"

"Hehe. Kahit kumain lang po kayo. Sige ka po, kakainin ka ni Sir Bituka" Biro ko. Tumawa naman siya. "Busog ako" He said at palabas na ng pintuan ng may marinig kami.

Kruu... Kru..

"He-he. Busog po ba talaga kayo?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin. Hinila ko na ang braso ni Mr. Nate at pinaupo sa gitna ng mesa. Napansin ko naman si Mrs. Flee na hirap maglakad, kaya tinulungan ko siyang ipaupo sa harap ni John. Bali ito pwesto naming lahat:

|Kennard|Tiara|John
_______________________ N
A
________________________ T
| |Me|Mom of John E

Nagsimula muna kaming magdasal tsaka kumain na kami. Dapat siguro magkwentuhan kami, kasi 'yun ang mga napapanood ko sa mga movies.

Nauna na kong magbasag ng katahimikan. "Mr. And Mrs. Flee?" Tawag ko. Napalingon naman lahat sa akin. Maging si John nabilaukan sa iniinom niya. "John okay ka lang?" Dali-dali akong tumayo at hinimas himas ang likod niya. "Y-Yeah" Sabi niya. "Hehe buti naman. Uminom ka kasi muna ng tubig John. Baka sa susunod mabilaukan ka na naman" Sabi ko habang nagsasalin ng tubig sa baso tsaka pinainom sa kanya. Bumalik ako sa pwesto ko ulit. "Mr. And Mrs. Flee, may dala po pala ako sa inyong regalo" Sayang naman. Dapat kasi ibibigay ko ito kay John, kaso nandito ang mga magulang nila kaya no choice ako. Hehe.

Inilabas ko ang tatlong gift na naglalaman ng kurtina, damit at painting na hello kitty! Tsaka binigay sa mag-asawa tsaka kay Kennard. "Merry Christmas and a Happy New Year po!" Bati ko ng nakangiti. Tsaka, nandun kaya sa Do and Don't's ang pagreregalo. ^____^

"Thanks" -Mrs. Flee

"T-Thank you" -Mr. Flee

"Salamat Abigail ah! Bait mo!" -Kennard

"Walang anuman po Mr. And Mrs. Flee. Walang anuman Kennard" Sabi din kasi sa Do and Don't's, tawagin daw ang mga magulang ng Boyfriend mo ng Mr. And Mrs. Tsaka, para may pagkarespeto. ^^

"Ayy! John, may regalo rin pala ko sa'yo!" Sigaw ko at nilabas ang special gift. At ito ang...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kalendaryo!!

Tanda niyo nung nag-search ako about sa 'Date'? Tapos naisip ko na pwedeng magregalo kay John. Tsaka, 'yun kaya 'yung nakalagay sa number two ng 5TTYB. ^^ "Kalendaryo!! Nagsearch kasi ako about sa Date tapos may lumabas ng dalawang suggestion. 'Yung isa, Date for girls tapos 'yung isa naman, date slash calendar. Pinindot ko 'yung date slash calendar. Common sense naman kasi, date for girls, ano 'yun? Da-Date ko sarili ko? Hehe. Hindi naman po kasi ako tanga. Tsaka--"

My Boyfriend Is A KillerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant