Muli akong napatingin kay Monica. Umayos siya ng upo. Hindi ko magawang magalit dahil alam kong may pinagsamahan ang dalawa na baka nga higit pa sa pinagsamahan namin ni Monica. She's his best friend too.

"That's why you called? Kasi... wala kang mapagsabihan ng nararamdaman mo?" Mahinang tumawa si Monica. "Shit ka talaga Phoenix Elizer Dela Vega..."

Agad ding napawi ang kanyang tawa at bumalot ang lungkot sa kanyang mga mata.

Muli kong pinilit kumawala. Nang mabitawan ako ni Cassia ay tumayo si Monica at agad na pinindot ang laptop. Tiniklop niya ito at lumapit sa akin.

"Saan ka pupunta?" Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Aalis na ako." Pinantayan ko ang lamig ng kanyang boses.

"Hindi ka aalis!" Mariin na sabi ni Geneva.

"Gen, may trabaho pa ako-"

"Balak mo ba talagang itago ang dinadala mo?" Napatayo na rin si Cassia. "Millie... two years ang hihintayin mo bago bumalik si Phoenix! Two years siya sa America!"

Two years?

"Wala na dapat akong pakialam kung nasaan siya." Iniwas ko ang tingin.

"Cassia, you're joking right?" Gulat na tanong ni Geneva sa pinsan. "Bakit ang tagal naman ata?"

"That's what I heard. Hindi ko sure kung nagpapatayo siya ng branch ng banko nila doon. I don't know. Ang alam ko lang ay tungkol sa negosyo. Alam mo naman ang mga Dela Vega. Madaming branch ang bangko nila dito at sa iba pang mga bansa."

Muli ay naramdaman kong pumokus ang atensyon nila sa akin.

"Millicent..."

"Monica, wala na akong magagawa kung magtagal man siya doon. We're done."

"Hindi ka man lang ba naaawa sa magiging anak niyo? Your baby needs a father! I'm sure na hindi siya itatanggi ni Phoenix sakaling ipagtapat mo iyon sa kanya!"

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ramdam ko na nasasaktan siya ngunit pilit niya itong itinatago. She's still confined with her own feelings.

"He needs to be happy. To be free. Kapag sinabi ko ito sa kanya ay ano? Magugulo ang lahat ng sakripisyo ko?"

Hinigit ako ni Geneva paupo sa kama at mataman akong tinitigan.

"Ano ba kasing nangyari?" Pinisil ni Geneva ang kamay ko. "Sabihin mo sa amin para maintindihan ka namin."

Sawang-sawa na akong magkuwento ngunit dahil sa kagustuhang hindi sila manghimasok sa desisyon ko ay ginawa ko ang nais nila.

"Sana nga ganun lang kadali na aminin sa kanya na magkaka-anak na kami. Sana ganung kadali na pauwiin siya dito, labanan ang pamilya niya at saktan ang pamilya ko. Sana madali lang." Tumungo ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Pero hindi. Akala niyo ba gusto ko ang naging desisyon ko? Gusto kong mahiwalay sa kanya? Hindi girls..." Isa-isa ko silang tinignan at nginitian. "Kaya sana irespeto niyo rin ang desisyon ko. He'll move on soon."

"Sa tingin mo ba ay mangyayari iyon? He's intensely in love with you!" Tumayo si Geneva at iniwan kami.

"Naiinis ako sa'yo, Millicent." Pinasadahan ni Monica ang kanyang buhok at wala akong emosyon na tinitigan. "May mga taong gustong mapansin ng lalaking 'yon, tignan ng kung gaano siya tumingin sayo at higit sa lahat ang mahalin. Pero pinakawalan mo."

"Hindi mo ako naiintindihan." Pumikit ako nang mariin.

Akala ko'y pagkatapos kong ikuwento sa kanila ang mga nangyari ay susuportahan nila ako. I was wrong.

SurrenderWhere stories live. Discover now