Tanungin ko nalang kaya mismo sa kanya kung ano talaga meron sa kanila? Para naman alam ko kung saan ako lulugar. Respeto narin kay Cathleen. Kaibigan ko rin siya. Maybe that's just really it?

Hmm... oo nga. Un lang un. Wala 'to. Muntimang ka, Jade! Bumalik ka na nga ng office. Hindi mo na kailangan umiwas kay Althea. Relax lang. Kausapin mo nalang siya.



...




Mga alas tres na nang bumalik ako ng office. Pinag-isipan ko lang mabuti kung paano i-aapproach si Althea after kong hindi sagutin ang mga tawag at texts niya. Pinag-isipan ko rin kung paano ko itatanong sa kanya ung gumugulo sa isipan ko kanina.

When I entered the room, I saw Althea and Cathleen. Magkatabi sila at nagtatawanan. Natigilan bigla si Althea nang makita niya ako, at tumayo. We looked at each other. Hindi ko alam kung bakit mas nawala ako sa mood. Parang biglang ayoko na kausapin si Althea.

"Jade, saan ka galing? Bakit hindi mo man lang sinasagot mga tawag ko?" Nag-aalalang tanong niya sakin habang si Cathleen naman ay nakatingin lang rin sakin.

Hindi ako nakasagot kagad dahil pakiramdam ko sasabog na ako. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Jade?" Tawag ulit ni Athea sa atensyon ko.

"Uhmm... Althea, nandito lang ako para magpaalam. Uuwi na sana ako kasi masama pakiramdam ko." I lied. Ineexpect ko na magagalit siya sakin dahil hindi ko rin sinagot ang mga tanong niya, but she didn't.

"Ha? May sakit ka ba? Gusto mo ihatid nalang kita?" Natatarantang tanong niya.

"Hindi na, Althea. Kaya ko namang magdrive. Sige, una na ako." Mabilis akong lumabas ng room after kong ngitian si Cathleen. Tinawag ulit ako ni Althea pero hindi ko na un pinansin.

Pagkauwi ko ay humiga lang ako sa kama. Wala naman ako masyadong ginawa ngayon pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Nakailang tawag at text ulit si Althea sakin, pero hindi ko parin ito sinagot. Tumigil lang siya nung gabi na.



I'll deal with her tomorrow.




//




*THE NEXT DAY*


Pagkapasok ko sa office ay nandun na si Althea. Mukhang hinihintay niya ako dahil hindi pa siya nagsisimulang magtrabaho. She looked at me, at nakita ko sa mga mata niya na pinipigilan niyang umiyak. Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tignan. Alam kong hindi tama ung ginawa ko sa kanya kahapon.

"Jade..." Mahinang tawag niya. Tinignan ko siya pero inalis ko rin kagad ang tingin ko.

"Jade, galit ka ba sakin? May nagawa ba akong mali? May nakalimutan ba akong gawin? Sabihin mo naman sakin. May nagawa ba akong ikinainis mo? Bakit ni isang tawag ko kahapon hindi mo sinagot? Pati mga text ko. Galit ka ba? Sabihin mo naman, please. Para hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano kung bakit bigla mo akong hindi pinapansin. Wag ung ganito, Jade. Please." Sunod-sunod na sabi ni Althea na medyo naluluha na.

MAYBE ONE DAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon