47: Jeydon's Revelation

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pro-problema ko? K-kayo... Ang iingay n'yo, e. Lalo ka na, Lucas, ang pangit mo!"

Bigla namang umiyak si Lucas sa sinabi ko.

"Lucas, huwag ka nang umiyak. Tingnan mo 'yong ginawa mo, bata! Umiyak na naman tuloy siya. Shhh, tahan na..."

"Bagay lang 'yan sa kanya, ang pangit niya."

Lalo lang umiyak si Lucas sa sinabi kong 'yon. Galit na galit naman 'yong batang .

"Pangit! Pangit! Pangit!"

Sa galit no'ng batang babae, tinulak niya ako palayo. Napahiga naman ako sa sahig. Lumapit sa amin 'yong ibang mga bata, kasama sina Troy at Marky.

"Jaydee, talo ka ng babae!" asar sa 'kin ni Troy. Natawa rin si Marky tsaka niya ginatungan si Troy.

"Wala ka pala, Jaydee, e."

"Ikaw..." Tumayo ako para harapin 'yong batang babae.

"Bagay sa 'yo 'yan! Ang salbahe mo kasi. Tsaka mas pangit ka, pangit ng ugali mo."

Kakausapin ko pa sana 'yong batang babaeng 'yon pero tinawag na siya ng papa niya.

"Bye, Lucas!" nagpaalam siya.

Pagkaalis niya, bumalik na sa mga ginagawa nila 'yong ibang mga bata. Maliban sa akin, naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Noon lang may nagsabi sa 'king pangit ako. Lahat kasi ng tao, sinasabing gwapo ako. Noon lang din may nagtangkang umaway sa 'kin. Noon lang ako natameme at sa isang batang babae pa. Noon lang ako nakahanap ng katapat ko.

Sinundo ako ni Baron. Noong nasa kotse ako habang pauwi, may nakita akong pamilyar na mukha sa park.

"Baron! Baron! Stop the car!"

"Young Master?"

Pagkahinto pa lang ng kotse, bumaba na agad ako. Nagulat naman si Baron pati 'yong yaya ko.

"Bata!" Hinabol ko 'yong batang babae.

"Ikaw? Ano na namang problema mo?"

"Uhm..." Hindi ako nakasagot. Tuwing nakakaharap ko kasi 'yong batang babae wala akong masabi. Nakahanap nga talaga ako ng katapat ko.

"Bakit? Aawayin mo rin ba ako?"

"Hindi! Ano... gusto kita maging kaibigan." Nahiya pa akong sabihin 'yon sa kanya.

"Kaibigan? Pero salbahe ka!"

"Hindi! Hindi! Hindi ako salbahe. Sige na, payag ka na, bata!" Hinila ko 'yong damit ng batang babae.

"Paano mo mapapatunayang hindi ka salbahe?"

Nag-isip ako ng paraan para patunayan sa batang babaeng 'yon na mabait akong bata. Kinuha ko 'yong bag ko tsaka kinuha 'yong paborito kong Doraemon.

"Ito! Paborito ko 'yan, pero ibibigay ko na sa 'yo! Ano, magkaibigan na ba tayo?"

Tumawa 'yong batang babae.

"Bakit ka tumatawa?"

"Si Doraemon, paborito mo? Ayaw ko sa kanya, e."

Nalungkot ako bigla sa narinig ko.

Napansin naman ng batang babaeng nalungkot ako kaya kinuha na lang niya 'yong .

"Salamat dito. Sige na nga, bata, magkaibigan na tayo. Okay?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon