"Falling in love with someone who's not just beautiful outside but also inside is a normal feeling. Normal but daunting. Normal but full of uncertainty. 'Coz you're not the only who's trapped. Many are trapped." Mabigat ang kanyang buntong-hininga. "And you need to deal with those rivals. In order for you to win."

Sa sinasabi niya ay isa lang ang napagtanto ko. Isang bagay na mas lalong sumasakal sa puso ko.

He's not into revenge. Daucus was wrong.

"Kaso natalo ako ng lalaking mahal mo. Ayoko mang balikan 'to pero gusto ko lang patunayan sa'yo na mali ang iniisip mo tungkol sa pagpupursige kong makuha k-ka." Nabasag ang kanyang boses. "I love you so much, binibini. I did everything but now you're letting me fall apart again. Lasug-lasog na naman... pira-piraso... hindi ko na alam kung paano ako mabubuo."

"Forget. Move on. Search for the right one." Sabi ko nang makakuha ng lakas ng loob.

Mahirap man pero ito ang nararapat. Ayokong tumalikod siya sa kanyang pamilya dahil sa akin.

"It's easy for you to say that. Easy for you to break me. But it's never easy for me. It would never be easy, Millicent!"

Tiningala ko siya. Nagbabagsakan na naman ang kanyang mga luha.

"D-don't cry please-"

"Wala akong pakialam kung nakikita mo akong ganito kahina! Gusto kong maawa ka sa akin! Gusto kong maramdaman mo iyon para wag mo akong iwan!" Humikbi siya.

"Phoenix..."

"Ginawa ko naman lahat pero ito pa rin pala ang mangyayari! Hindi ko pinaalam sa'yo ang katotohanan kasi may rason ako! Ayokong malaman mo iyon kasi alam kong lalayo ka! Ayokong malaman mo na ang pamilya namin ang pinagsilbihan ng tatay mo dahil alam kong iyan ang iisipin mo! Ang iwan ako... natatakot ka kasi! Natatakot kang masaktan ko ang pamilya mo! Natatakot kang pag nalaman ng nanay mo na isa ako sa mga taong may koneksyon sa pamilyang sumisi sa nangyari kay Natalia Dela Vega ay baka magalit rin siya sayo! Kasi nga pumatol ka sa anak niya!"

Napatakip ako sa bibig. Napuno ng mga hikbi namin ang kotse. Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ang pinto.

"I'd already heard enough..." Sabi ko matapos ang ilang sandali.

Hindi siya nagsalita. Nakatungo lang siya at walang tigil sa pagyugyog ang balikat.

Iniwan ko siya at tumakbo pabalik sa Caress. Ipinagpasalamat ko na hindi ako nadapa sa kabila ng panghihina.

Nang buksan ko ang pinto ay agad akong tumakbo patungo sa mga kaibigan kong nakaupo sa sofa. Inalalayan nila ako pag-upo, natataranta.

"Marian tubig!" Utos ni Oria.

Sumunod si Marian at si Asia ay niyakap ako.

"Kumalma ka... ang baby mo." Nag-aalalang sabi ni Oria.

Bumalik si Marian na may dalang baso at pinainom ako. Magtatanghalian na kaya wala ang mga customers.

"Dito na lang tayo maglunch." Buntong-hininga ni Marian. "Ako na ang bibili."

"Mabuti pa nga." Sagot ni Asia. "Millie... 'wag ka na munang tumanggap ng customer ngayon. Kami na ang bahala sa kanila. Magpahinga ka na lang sa massage room mo."

Umiling ako. "K-kaya ko-"

"No. Magpapahinga ka." Mariin na utos ni Oria.

Tulad nang sinabi nila ay nagpahinga lang ako pagkatapos magtanghalian. Nahihiya ako pero sa totoo lang ay baka hindi rin ako makapagtrabaho nang maayos kaya minabuti kong sundin ang mga sinabi nilang gawin ko. Magpahinga at matulog.

SurrenderWhere stories live. Discover now