~~~ Chapter 32 ~~~

Start from the beginning
                                        

"You are right, thank you." Aniya at niyakap ako. Nakaramdam ako na may patak na tumulo sa likod ko. Is it raining? Tinignan ko ang paligid. Hindi naman. Is he crying?

"You are always welcome, you'll be alright soon." Pahayag ko at hinagod ang likod niya.

"Kumain ka na ba?" His voice cracked. He is. Umiling ako at humiwalay sa yakap.

"Sabay tayo?" Tanong ko at nginitian siya. It would be so good to keep someone sad accompanied. Dahil hindi magtatagal, hindi na ako ang makakasama niya kundi ang taong gusto niya.

Naglalakad na kami papuntang cafeteria at nag-uusap rin, "Akala ko hindi mo na ako kakausapin, eh." Pagbibiro ko. But it's true. I got worried.

"Hindi naman kita matitiis," And then we laughed. Bumili na siya ng pagkain na'min, he insisted to treat me para makabawi. I tried to look for my girlfriends ngunit wala sila dito kaya baka sa Mini House 'yon kumain.

Bigla tuloy akong napaisip. Would Nite get angry if he knew that I'm not Patricia?

"Ang dami ata niyan?" I managed to asked and smile kahit na nagulo ako ng naisip.

"Para kumain ka ng marami," Nakangiting wika niya habang hinahanda ang kakainin na'min. He is such a boyfriend material.

"Opo, ikaw rin!" Sambit ko at kumain. Ngayon lang kami nagkasama na kaming dalawa lang and I can't help but admit that it feels so good.

Sa kalagitnaan ng pagkain at tawanan na'min ni Nite ay may naupo sa harap ng table na'min nang pagalit. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Nite na nabura ang ngiti sa labi.

"Hey, are you okay?" Tanong ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako.

"You can go to him, if you want." Aniya at ngumiti. Ngunit umiling ako. That's rude! Ngunit pagtingin ko sa harap na'min ay nasalubong ko ang tingin ni Alex. Agad itong kumaway at ngumiti sa'kin.

"Have you seen Gail?" Tanong niya. Umiling-iling ako.

"Hinahanap ko rin, eh." Sagot ko at ngumiti. Tumangu-tango ito ngunit may sumagot para sa kanya.

"Paano mo mahahanap kung may kasama kang iba?" Utas ni Andrew. Bago pa ako makasagot ay tumayo na ito at naglakad palayo. What was that? Sumenyas si Chris na susundan niya ito at 'wag na akong mag-alala. Muli kong binalik ang atensyon sa kasama kahit na gusto ko rin sundan ito.

"Hey, I'm sorry." Aniya at malungkot akong tinignan. Kumunot ang noo ko at umiling-iling.

"No, no. Wala lang 'yon, hindi mo kasalanan." Agad kong sabi ngunit malungkot lang siyang ngumiti. Oh, dear Lord, this boy is so sad. Tinapos na na'min ang pagkain at sabay na naglakad pabalik sa building.

"Itutuloy ko pa ba?" Tanong niya na hindi ko naintindihan dahil sa pag-iisip ko.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko ngunit agad kong nakuha nang nagsaad ito ng panibagong pahayag.

"Mas gusto kong makita na masaya siya. Kaysa sa masaktan lang siya at maghirap," Utas niya. Nite is such an every girl's dream. Sobrang swerte ng babaeng nagugustuhan niya.

"Nasa cafeteria siya kanina? Hindi ko nakita?" Tanong ko. Probably because I didn't knew her? "Wag mong pangunahan hangga't hindi ka pa sigurado," Dagdag ko.

"But I can see it in her eyes," Malungkot niyang wika at wala na akong nagawa kundi titigan siya.

"Everything will soon fall into place," Tanging sabi ko ngunit tinitigan niya ako diretso sa mata.

"What if 'she' was you?" He asked and then the bell rang together with my heartbeat.

"Sasagutin ko 'yan kapag naayos na ang lahat," Sambit ko at tinapik ang balikat niya. I did faked a laugh too saka ako pumasok sa classrom at pagtalikod ay agad na nag-iba ang pinta ng mukha ko.

Dahil sa bagal kong maglakad ay may bumangga na sa akin, "Aray!" Reklamo ko kahit hindi naman talaga malala 'yung pagkabangga, more like tapik. Napatingin ako kay Andrew na dire-diretso sa kanyang upuan at hindi manlang nagsorry. Napatingin ako kay Charles na ngumiwi at umiiling sa akin. What?

"Where the hell did you go?" Tanong ni Flynn nang maabutan ako sa pinagtatayuan ko.

"With Nite," Tanging sabi ko at tumango na lamang ito.

Sa klase ay tuwing nagkakatinginan kami ay iniirapan niya ako. He's so childish! I took out a piece of paper at sinulatan ito at pinatong sa desk niya. I wrote 'Let's talk later' on the piece of paper dahil hindi ko siya maintindihan.

The bell rang for the last time at kinuha ko na ang bag ko ngunit may biglaang humila sa akin. We stopped at the garden.

"Spill," Utas niya na tila ba ako pa ang may dapat sabihin.

"What? Why were you so angry at me?" Tanong ko ngunit ngumisi lamang siya. I laughed sarcastically.

"So, where did you hugged him here? Over there? Or maybe that one?" Tanong niya at agad na nandilat ang mata ko. Gosh, rumors spread like a wildfire here!

"I did that to comfort him! So, what?" Kunot-noong tanong ko. He's being an ass!

"Comfort? For what?" He asked then let out a sarcastic laugh. I did not liked it!

"I comforted him because he needs it! Because he was so sad for liking a girl who already has a suitor, happy?" Sambit ko sa kanya. Naiirita ako dahil lang dito!

"What?" Gulat niyang tanong. "Manhid ka ba?" Tanong niyang muli at nanlaki na ang mga mata ko.

"You don't get everything," Saad ko at hindi na malubayan ng pagkakunot ang noo. Tumalikod ito at nagsimulang maglakad.

"No, you don't get everything." Aniya at iniwan ako mag-isa. What is that for? Sinipa ko ang can ng coke sa sobrang inis ngunit pinulot rin ito at tinapon sa trash bin.

"Whoever left this here, I'm going to make sure that you won't be able to come back here!" Singhal ko. 

Damsel in DisguiseWhere stories live. Discover now