~~~ Chapter 21 ~~~

5.6K 71 11
                                        

TWENTY ONE

Ang mga nanalo ay nagkaroon ng privilege upang mamasyal sa South Korea. Although we don't need this, as part of acting ay kailangan na'ming gawin. 

"You should have not joined the contest," Komento ni Ate Kylie habang tinitignan ang mga paper bags. May laman itong dress and accessories na ipinadala para sa amin. Nakapagtataka dahil ang alam na'min ay tour lang. Oh well, this should be fun. Ngunit may biglang inabot si Manager sa amin na maliit na note.

Wear all of these. See you at the lobby, 11 AM.

Tanging nakalagay sa maliit na note. Kumunot ang noo ko nang wala man lang pangalan.

"I guess may date kayo," Komento ni Manager na agad namang tinawanan ni Trix.

"Horrible," Aniya at kinuna ang paper bag na para sa kanya. Nag-ayos na kami. Maganda ang damit ngunit conservative ang dating. Wala man lang nakita sa braso ko. Dahil sa mga pangyayari, mas pinamukha pa na'min pangit ang mga mukha na'min.

Nagtaka ako nang makitang nakabihis rin si Ate Kylie at tila napansin niya iyon at agad ring nagpaliwanag, "May aayusin ako," Aniya. Bago na'min maisipang bumaba ay pinaalalahanan muna kami nito.

Pagkatapos ay bumaba na kami para malaman kung ano ang bubungad sa amin. Pero sina Aaron lang naman ang nasa lobby at naka-upo sa sofa set ay inaabala ang mga sarili. Nang namataan kami ni Nite ay agad itong lumapit at naglahad ng kamay kay Trix. Ganoon din ang ibang lalaki. Rence held his hand for me but I refused it and walked by my own instead.

Nagulat ako dahil hindi ito ang inaakala ko. Mahirap umiwas kung maliit ang mundong ginagalawan niyo at tadhana pa mismo ang naglalaro sa inyo. Sumakay kami sa isang ban at huminto sa isang fine dining buffet. I indulge myself with delicious food they served.

Tahimik ang lahat at wala ring sumusubok na magsalita dahil sa huling nangyari. Flynn is very moody now at dahil ito sa nangyari. Ipapakita talaga nito kung ano ang gusto niyang ipakita. Harley didn't care about anything at all kaya naging madali para sa kanya ito ngunit sa tingin ko ang utak nito'y nagkakandabuhol-buhol na. Trix were still the same playfull lady. And me? I remained the same. It's not like may magagawa ako sa mga nangyayari.

Nabasag lamang ang katahimikan sa biglaang pagtikhim ni Rence. "Is everything okay?" Paglalakas loob na tanong nito. 

"Supposed," Sagot ni Flynn. Nilunok ko ang nginunguya at sumimsim sa wine.

"It's not like we would be okay while everything's in mess," Sambit ni Trix at bahagyang tumawa. I heard Nite's sigh.

"We're sorry, wala kaming magawa." Mahinang wika nito. Napatigil ako sa pagkain at nalipat ang atensyon nila sa'kin. Ignoring us would be a big help.

"It's okay," I said, instead. Hindi ako pwedeng magbitaw ng mga salitang hindi ko pa napapag-isipan ng maigi. Baka sa huli'y pagsisihan ko lamang ito.

"You should speak, baka mapanis ang laway mo." Panunuya ni Rence kay Harley. That's something new ngunit hindi ngayon ang tamang oras para punahin ito.

"You should not mind," Tanging sagot ni Harley. Natahimik ang lahat doon ngunit binasag ito ni Aaron.

"We should lessen up!" Sambit nito at ngumiti. That's what I'm thinking, too. Tutal ay bakasyon naman ang araw ngayon, might as well enjoy the day right?

Damsel in DisguiseWhere stories live. Discover now