Chapter 17: Kriminal

Start from the beginning
                                    

"Nasabi ba ni Karol kung saan daw kami magkikita?"

"Hindi ko alam pero nakita ko siya na papunta siya sa cafeteria ng school natin."

Pagkarinig ko ang salitang cafeteria ay agad na tumayo ako at walang salitang iniwan ko siya.

"Sakura!"

Hindi ko pinansin ang tawag niya at nagmamadaling lumabas ako ng cafe.

Ano na naman kaya naiisip ng bruhang iyon?

Mabuti na lang at malapit lang ang school sa tinambayan ko. Nakakabwisit! Pinagpapawisan na ako. Hindi ko mapapatawad si Karol dahil pinatakbo niya ako nang ganito.

Pagpasok ko sa loob ng cafeteria ay maraming tao. Nang sulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ay doon ko napagtanto na lunch time na pala! Shit lang!

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria. Bingo! Nakita ko rin ang hinahanap ko. At hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko ngayon na magkasama si Karol at si Alexei.

Huminga ako ng malalim bago ko puntahan ang table nila sa bandang sulok.

"Tumayo ka," malamig na saad ko na makalapit ako kay Karol.

"Sakura!" gulat na wika niya.

Binigyan naman ako ng isang matamis na ngiti ni Alexei. Hindi na siya nagulat na makita niya ako. Sa mata pa lang niya mahahalata na ini expect niya ako na dumating.

Binalingan ko si Karol na hindi pa ring tumatayo sa kinauupuan niya. "Hindi ka ba tatayo o gusto mo pang hilahin ko ang buhok mo para tumayo diyan?" banta ko sa kanya.

Walang salita na mabilis siyang tumayo. Sinipa ko ang upuan ni Karol para umurong ito at umupo doon. Napatingin ako sa paligid ko at lahat ng estudyante ng Rose Academy ay nasa amin na ang atensiyon.

"Sakura—"

"Kung ayaw mo na magsiklab ang galit ko. Fuck off!" galit na bulyaw ko sa kanya.

Mabilis na tumalima siya. Napapikit ako sa inis dahil nakita ko na umiiyak si Karol. Masyadong pakialamera.

"Wow!" rinig kong wika ni Alexei. Nang tignan ko siya ay pumapakpak pa siya.

"Huwag mong idamay sa mga kakokohan mo si Karol," may diin na wika ko.

"Are you threatening me?" amused na wika niya.

"No. It was just a statement. At kung matalino ka, naiintindihan mo naman ang ibig kong iparating," mahabang pahayag ko.

"Matapang kana ngayon," seryosong wika niya.

"Ano bang problema mo?"

"Alam mo ang gusto ko, Sakura "

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" inis na pakli ko sa kanya.

"Magback out ka."

Magback out? Don't tell me...

Natawa ako na mapagtanto ang sinabi niya. "Paano kung ayaw ko?"

"Hindi mo gugustuhin ang mangyayari, Sakura."

"Binabantaan mo ba ako?"

"Just do it."

"No!" matigas kong saad. "I won't back out!"

"Alam ko ang plano mo kaya ka tumakbo bilang sc president. Mapapahiya ka lang kapag itinuloy mo ito."

Tinititigan ko siya ng matiim. At natawa ako sa nababasa ko sa kanyang mga mata. May concern siya sa akin?

"Are you in love with me?" daretsong tanong ko.

Lalo naging seryoso ang mukha niya. Ngayon ko naiintindihan ang lahat. Lumapit ako sa kanya pero tila walang epekto sa kanya iyon. "You love me, Alexei. Kitang-kita ko sa mga mata mo."

"Bakit hindi ka pa namatay?" malamig na wika niya.

Natigilan ako sa tanong niya at mapait na tumawa. Naalala ko naman ang kamatayan ko. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Alexei."

"Sana kung namatay kana lang ay naging mas madali ang lahat sa iyo."

Napatitig ako sa kanya na makita ko ang galit sa kanyang mga mata. Ito ba ang dahilan kaya gusto magpakamatay ni stupid?

"Then, do it!" matapang na wika ko. "Kill me. Binibigyan kita ng karapatan na patayin ako."

Nagkatitigan kami ng matagal.

Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang may sinabi akong nakakatawa. "Hindi ko dudungisan ang aking kamay sa isang kriminal na katulad mo," may diin na saad niya. 

Natigilan ako sa sinabi niya. Kriminal?

Sinalubong ko ang mga mata niyang nanlilisik. Hindi ko ikakaila na nakaramdam ako ng kakaibang emosyon sa dibdib ko.

Ang mga matang iyon...

SakuraWhere stories live. Discover now