Chapter 30 - The Day After

Start from the beginning
                                    

"Klariel." I uttered her name with pure disgust and resentment. She then laughed at my tone. Kumuyom ang kamao ko.

"Mabuti naman at natatandaan mo pa ang boses ko, Iris? Did you miss me...bestfriend?" She mocked.

"Don't you ever call me bestfriend again. You traitor!" Hindi ko napigilan ang sigaw ko. Talagang nang gigigil ako sa babaeng ito! Gusto kong ubusin ang buhok niya at balatan siya ng buhay!

"Oh, yeah. Hindi mo pa rin ba nakakalimutan 'yun? Ako kasi, limot na limot ko na e. Ano nga ulit pangalan mo?" Talagang sinusubukan ako ng babaeng ito, huh. I composed myself and calm my breathing before speaking again.

"Ano ba talagang kailangan mo at tinawagan mo pa 'ko? Hindi mo ba alam na sobra sobra ang galit ko sa'yo, ha? Sa sobrang galit ko, ilang beses na kitang pinatay sa utak ko."

Tumawa lamang siya muli. "And it'll probably stay like that forever, my dear Iris." She paused. "Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na hindi kita titigilan hangga't hindi ka namamatay. Kayong dalawa ng anak mo na si Chasey. Hindi ko kayo hahayaan na masira niyo pa ang mga plano ko at mapabagsak pa sa pwesto ko! Uubusin ko na ang pamilya mo bago niyo pa masira ang buhay ko at ang mga pinag hirapan ko."

This time ako naman ang humalakhak. Talagang nilakasan ko para mairita rin siya.

"Gaga, matagal ng sira ang buhay mo dahil sa kagagawan mo!" I smirked and look at my reflection in the mirror. "Sorry ka na lang dahil hindi ko hahayaang mangyari ang mga gusto mo. You know me, Klariel. You know me. I always have a lot of back up plans." After kong sabihin 'yun ay pinatay ko na agad ang tawag at tinawagan ko siya. Ilang ring lang din naman ay sinagot niya na iyon.

"What's up?"

"She called." Pinag patuloy ko ulit ang ginagawa ko kaninang pag aayos at noong matapos na 'ko ay agad kong pinadala sa driver ang mga maleta ko.
"What? Ano namang sinabi niya sa'yo?"

"She threatened me, Les! Malala na talaga siya."

"I know. So, ano ng balak mong gawin? Mukhang hindi niya talaga kayo titigilan."

Binigay ko ang susi sa driver at sumakay na 'ko ng kotse. "Do you think, panahon na para sabihin sa kanya ang mga nangyari a few years ago?" I said a bit anxious.

She chuckled. "No need, Iris. Kasi sa tingin ko, alam na niya."

Natigilan naman ako. "What? Paano naman mangyayari 'yun e hindi pa naman namin sinasabi sa kanya ang lahat?" Malilintikan talaga sa'kin si Chase sa oras na malaman ko na sinabi niya na sa kapatid niya ang lahat! I don't want to pressure Chasey. Panigurado ako na maguguluhan lamang siya.

"Hindi mo ba napapansin ang mga kinikilos ng anak mo, lately? May kakaiba sa mga kilos niya everytime I observed her. And I think, buo na niya ang sarili niyang plano."

I sighed and massage my head. These past few weeks medyo kakaiba na nga ang kinikilos niya. Lagi siyang wala sa bahay at parang laging may iniisip. Napapansin ko rin na lagi siyang may katext at katawagan over the phone. Hindi ko naman pinapansin dahil akala ko ay mga kaibigan niya lang. Pero sa sinabi ngayon ni Les, mukhang kilala ko na kung sino nga talaga 'yun.

Mga pasaway.

Kaya pala sila mag kasama ni Blaze noong isang araw, may mga pinaplano na pala sila. Bakit ba hindi ko agad napansin 'yun?

"If that's the case, then hindi lang siya ang mag isa sa plano niya, Les. Kasama niya ang anak mo."

"Oh, really? That's good to hear! Hindi ko alam kung bakit hindi sinasabi sa'kin ni Blaze 'yan. Ang batang 'yun talaga! But anyway, Iris, don't forget our own plan."

"Yeah, alam ko. Kailan ba natin gagawin 'yun? Kating kati na kasi akong sampulan ang babaeng 'yun e. Gusto ko na siyang makitang nasa baba."

Tumawa siya. Umirap naman ako. "Chill, okay? Hintayin muna natin ang gagawin ng mga anak natin atsaka tayo kikilos. Sa ngayon, mag paka low profile muna tayo."

Nag buntong hininga na lamang ako. "Okay, fine. I get it. Sige na at pauwi na ko sa bahay."

"Okay. Bye." Binaba ko ang telepono at tumingin sa labas.

Soon, Klariel. Your end will come. And you'll be surprise for it.

---
Chasey's POV

Pag kaalis nina Papa at Kuya sa kwarto ko ay siya namang pasok ni Mami. Kinamusta niya lamang ako at binigyan ng makahulugang tingin bago ako iwan. Nakakapag taka na hindi niya ko pinagalitan sa nangyari but somehow I'm thankful to it. I don't have any strength to argue right now.

Sumandal ako sa headboard ng aking kama at tumingin sa labas ng bintana.Inaalala ang naging usapan kanina.

Mahaba-haba ang naging pag uusap namin nina Papa at Kuya kanina. Alam na nila ang totoo, sinabi ko na sa kanila. What's the point of hiding this for too long, anyway? Pamilya ko naman sila at alam kong mapag kakatiwalaan ko sila kahit anong mangyari. They'll be there for me whether I lose or win this war.

I'd expected worst though. Ang akala ko ay pipigilan nila ko sa mga plano ko pero ang tanging sinabi lamang nila sa'kin kanina ay mag ingat daw ako at sana ay maging successful nga ang mga plano namin ni Blaze. Well, I hope so, too. I truly hope so.

Pero alam ko naman na kung sakali na hindi mag work ang mga plano namin, alam kong meron silang ibang mga gagawin. I know them, lalo na si Tita Les. She's like her son but more smarter.

Tumunog ang phone ko, interrupting my train of thoughts. Pinilit ko itong kunin sa side table at tiningan kung sino ang nag text.

Are you okay? I'm worried you're not answering my calls.

Kumunot ang noo ko. Tiningan ko ang logs at may 10 misscalls ngang hindi ko nasagot mula sa kanya kanina pa. I sighed and type in a reply.

I'm okay, don't worry. By the way, sinabi ko na sa parents ko yung tungkol sa plano natin. They wishes us, good luck.

It took him a minute bago siya nakapag reply.

Same.

Kinulit ako ni mom kaya napilitan na rin akong sabihin. I don't know kung paano siya nag kaclue na ikaw ang tinutukoy kong kasama ko but okay na rin naman yun atleast we don't need to lie to them.

I then nibble my lips as I composed another message.

Yeah. But you okay? Sorry.

Of course I am okay. Sorry too that I didn't tell you the plan.

Yeah and my middle finger salute u for that!

I said I was sorry! Pag babayarin ko na lang si Hiro for you. That dumbass.

Natawa ako. I bet you can't.

I'm sure I can ;)

"Psh." Napangiti na lamang ako at humiga ulit sa kama. Pagod na yata ako para bukas.

To be Continued...

***
Happy New Year! :)

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now