"W-wala po." Sabi ko nalang. Kung ballpen man yung sabi, wala rin naman ako nun. E wala rin naman akong boyfriend kaya wala nalang.

"Well, that's good. Tanggap ka na."

"T-talaga po?" Di makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya. "And before I forgot, I'm not your boss here. It's my son, Stan. If you have questions after reading this, you can approach him." Sabi niya at tumayo na palabas ng study at inabot sa aking ang isang folder.

"Rules & Agreement Contract"

Rules and agreement?!

Meron pang ganito? Hmm... tsaka ko nalang nga babasahin. Palabas na ako ng masyon nang marinig kong nagsalita yung Daddy ni Yabang. "Come back here at exactly 1 PM"

Napalingon naman agad ako. "Ngayon araw na po ba ako magsisimula?" Di nakapaniwalang tanong ko.

"Yes hija." Nakangiti niyang sabi. "So you better pack your things. Because you will stay here as you work." Naglakad siya paakyat ng magarbong hagdan. "I assumed, nabasa mo na sa contract."

Hindi ko pinahalata ang pagkabigla ko. Ano?! So I'm stay in?! Oh noes!

"Opo kukunin ko lang po ang mga gamit ko. I'll be here at exactly 1 PM." Medyo alanganing sagot ko. Ngumiti pa ako para intense.

Tumango lang yung daddy ni Yabang at dumeretso na paakyat ng hagdan. Ako naman naiwang nakatunganga dito.

Ano ba talaga itong pinasok ko? Sigurado na ba ako dito? Haaayyy Peste!!!!!

***

"WHAT FOR REAL?!!"

Napatingin ako kay Bea nang bigla siyang sumigaw nang matapos kong ikwento lahat ng pangyayari. Di ko nalang siya pinansin at tinuloy ko nalang ang pag-iimpake.

"Oh pano? Ikaw muna bahala dito sa apartment natin." Sabi ko matapos ilagay ang panghuling gamit ko sa maleta.

"Oo na. Haayy mamimiss kita Lyn." Parang naiiyak na sabi ni Beatriz. Tapos lumapit at niyakap ako. Hahaha. Ang drama talaga nitong isang ito.

"Baka kung sinu-sinong lalaki inuuwi mo dito Beatriz ah! Nako nako ka talaga huh?!" Natatawa-tawa ko pang biro.

"Letse 'to! Umalis ka na nga!" Binalibag niya pa ako ng unan. Tinawanan ko lang siya.

***

"Manong dito nalang po. Bayad po." Sabi ko dun sa taxi driver at bumaba na sa tapat ng malaking bahay ni Yabang. Tinulungan pa ako ni Manong driver sa mga dala dala ko.

Nagpasalamat ako at nag-doorbell. Di naman nagtagal ay may nagbukas ng gate. At si kuya bodyguard na naman iyon. Pero hindi si BG Danny. BG means bodyguard.

"Oh ikaw pala, Miss na applicant." Nakangting bati nya sakin. Pero teka? Miss na applicant? Ayos din 'to magbigay ng alyas eno?

"Hehe ako po si Fredelyn. Lyn nalang po. Dito na po ako magta-trabaho." Sabi ko sa kanya.

"Ay ganun ba? Oh sige ako naman si Alfred. Fred nalang for short. Ako ang Driver ni Young Master." Sabi niya habang tinutulungan ako sa mga dala ko papasok ng malaking bahay ni Yabang.

"Ganun ba? Marami bang nakatira dito?" Di ko napigilang itanong. Ang laki kasi ng bahay.

"Wala naman si Young Master lang ang nakatira dito." Parang FC naman pakakasabi niya dahil with matching sangga pa ng siko yun nung sinabi niya sa akin. Oh diba? Kala mo kung sinong kaclose?

Pervert Maid for HireWhere stories live. Discover now