Chapter 11: Crush ko nga

57 2 0
                                    

Chapter 11

Joyce's POV

"Wow laki ng inimprove mo ah!" saka siya nakipagapir sakin.

"Siyempre mana sayo!" sabi ko kay Jonas. Nandito kami sa park ngayon habang nagse-skateboard, pinakitaan ko siya ng mga bago kong tricks tsaka nagpasama din ako sa kanya gusto ko lang magtanong at makwento sa kanya yung....yung...gusto ko lang malaman kung crush ko na nga ba talaga si Xander....sa kanya ako magtatanong hehe!

"Ano pala yung sinasabi mong ikekwento mo?" okay chance ko na toh sasabihin ko sa kanya.

"uhm...tara upo muna tayo dun!" sabi ko saka ako nauna maglakad may naglalako ng ice cream kaya bumili na din kami.

"Alam mo kasi...." teka pano ko ba sisimulan toh? Uhm potek na yan ah pahirapan talaga!!

"Ano??" sabay kain niya dun sa ice cream.

"Alam mo may bago akong naging kaibigan sa school!" kaibigan nga ba si kupal? E basta ganun ko na lang sisimulan.

"Lalaki siya basta medyo naging close din kami" anubayan parang puro kasinungalingan pinagsasasabi ko ah, naging close? Payn wateber wala ako maisip panimula e.

"tapos napansin ko na lang sa sarili ko isang araw na kapag may kasama siyang ibang babae naiinis ako, gusto ko lagi siya kasama tapo----"

"May gusto ka sa kanya?" Huh? E, ganun ba yun may gusto ba talaga ako sa kanya? Masyado bang halata ay joke lang uhm....

"Ewan ko rin e, kaya ko kinwento sayo kasi di ko alam gusto ko magtanong kung ayun nga ba" sabi ko habang nakatingin sa ice cream na hawak ko.

"Mukhang ganun nga, sabi mo gusto mo siya lagi kasama at nagseselos ka pa kapag may iba siyang kasama, oo crush mo nga siya!" eeehhh??? Crush ko nga siya? Haysss mukhang nahulog na ako sa isang kupal... What!!! Ano toh inaamin ko!! Hindi pala dapat pero kasi...mukhang....mukhang crush ko na nga siya, haaayy!! Kalma lang crush lang toh mawawala din toh at dapat pala hindi ko pinapakita kay kupal na nagseselos ako. At inamin ko din na nagseselos ako? Ha-Ha-Ha nakakatawa ang sarili ko nababaliw na ako. But no worries!! Mawawala din toh crush lang toh, oo tama crush lang toh at mawawala din yeesss!!

"Si Xander ba yu------" hehe tama lang na binato ko yung ice cream sa mukha niya, sabihin ba namang si Xander dapat lang yan sa kanya. Haysss pero si Xander naman talaga eeehhh!!! Aahhhh!! Anong gagawin ko?!!! kupaaaal crush kitaaa!!!

"H-hindi ah i-ibang kaibigan si...si Juanito? Oo tama si Juanito!!" Sino ba si Juanito?!! Aaahhhh!! Masyado akong halata ang panget pa ng pinangalan ko Juanito? Ano ako matanda? UGGHHHHH!!

"hahahahha!! Wag ka nga magpatawa,so si Xander nga!" sabi ni Jonas habang pinupunasan pa yung ice cream niya sa mukha hehe sori ikaw kasi e!

"Juanito nga ano ba!" sabi ko at binaba na ang skateboard saka umandar.

"Hoy wait lang!" saka siya sumunod sa likod ko.

----------LATER THAT DAY----------

Hayssss ang boring dito sa Condo ko.. Si Jonas kasi may gagawin pa daw ayaw ko naman sumama tinatamad ako.... Ano kayang ginagawa ni Xander? Aishhh!!! Bakit ko ba siya iniisip!!! Please naman ayoko ng ganto maygudnes!

*DING DONG* * DING DONG*

May nagdoorbell sana si kupal yan! Ay mali sana pala hindi mas madaling mwawala feelings ko kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap.

"Hi!" bati ni kupal...ugh! Kakasabi ko lang e.

"u-uhm b-bakit ka nandito" hala nauutal ako ano ba yan Jusko! Hindi bagay sakin ang kiligin kaya please naman!! Nakita ko lang siya e!

"Wala lang manliligaw mo nga ako diba! E ikaw bakit namumula ka?"-xander

AHHHHH!!! Hindi pwede namumula daw ako!! Tsaka ano sinasabi niyang manliligaw e kahapon lang may kadate siya! Tsaka di ko naman siya pinayagan e bwiset siya kapal MG mukha....bakit ganun kahit crush ko siya sa kanya lang talaga kumukulo ang dugo ko! Assuming kasi e!

"Manliligaw! pinayagan ba kita?!! tsaka kahapon lang may kadate ka e!" sabi ko at sinipa siya saka ako umupo na sa sofa.

"Tsss trip lang yun selos ka naman?!"

"H-huh anong selos kapal mo! Tsaka bakit ka ba nandito?" tama dapat hindi ko ipahalata na crush ko siya.

"Edi hindi pa kita nagagantihan sa pagalaga mo sakin nung isang gabi e so I came here to bring this food" sabay tinaas niya sa ere yung dala niya. Haaay naman mamaya lalo ako magkagusto sa ginagawa niyang yan e.

"tsaka nagdala din ako movie, let's watch it habang kumakain!" sabi niya habang nakangiti ng malapad, buwiset na ngiti yan nakakapotek!

Umiwas ako ng tingin saka sumagot.

"Oo na nga!" sinalang niya yung DVD at umupo na rin sa sofa...horror? Tsss okay na nga yan as if naman matatakot ako. Juskolord! Anong bang gagawin ko?!!! Feeling ko lalong lalalim yung feelings ko para sa kanya kapag patuloy niya pa rin toh ginawa. Bakit niya nga ba toh ginagawa, tsaka sabi niya manliligaw ko daw siya bakit may gusto ba siya sakin? Bakit niya ba kasi toh ginagawa assuming ko tuloy. Siguro trip lang kasi katulad nung date nila ni Stella sabi niya trip lang niya daw. Huh! Kapal naman ng bilbil niya pinagtitripan niya ako ano ako laruan! Nakakainis! Kung pagtitripan niya lang din ako pwede ba humanap siya ng iba mamaya asang asa na ko dito tapos trip lang pala niya! Oo nga noh trip niya lang nga siguro ako at ako naman si tanga nahulog na!

Kalagitnaan ng movie ay...bigla niya ko niyakap na ikinagulat ko

"Natatakot ka ba?" bigla ko naman siyang tinulak nung niyakap niya ako. Anong natatakot hindi noh di nga ako nanonood e! Nakita kong parang nakangisi siya ano ba! Pinapaasa niya ko kahit na ba totomboy tomboy ako babae pa rin ako no nagaassume.

"Bakit mo ba gimagawa toh?" tanong ko sa kanya para magconfirm ayoko lang nagmumukhang tanga.

"Because I want to, tsaka sabi ko nga sayo nanliligaw ako" sabi niya habang nakangising parang demonyo! Sa mukha niya mukha talagang hindi siya seryoso nakakainis na nagaassume ako sa katulad niyang kupal.

"Pwede ba! Tigilan mo na nga yang ligaw ligaw na yan! Kung gusto mo ng pagtitripan dun ka sa Stella na yun, tigilan mo na ko!!!! Siguro nga pinagtitripan mo lang ako kasi isang araw bigla ka na lang lumapit sakin tapos niyaya ng date. Ano bang tingin mo saming mga babae laruan?!!! Nasasaktan din kami! Kupal pwede ba tigilan mo na ako dahil nagmumukha akong tanga!" pagdadrama ko sabay walk out papuntang kwarto ko, siya? Naiwang nakatunganga. Ewan ko ba bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga yun. Ang drama ko talaga parang baliw haysss nakonsensya tuloy ako bigla 'nubayan!! Nebermaynd na nga lang ewan ko ba bakit ko naging crush yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Badboy's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon