Chapter 4: Date game

119 9 0
                                    

Chapter 4

Joyce's POV

Nakakainis! Dapat talaga hindi ako pumayag sa date na toh eh. Ang aga ko tuloy nagising nagpuyat pa naman ako kagabi. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa Xander na toh eh. Sinundo ako ng maaga sa bahay tapos siya pa namili ng isusuot ko kaya eto ang baduy. Naka dress ako tapos naka heels bwiset!

"Bakit kasi may pa-date date pa tong nalalaman eh" pabulong na sabi ko pero mukhang narinig niya.

"Ano?" -xander

"Wala sabi ko gutom na ako" -ako

"Sige hanap lang ako ng food natin diyan ka lang ah hintayin mo ko"
-xander

Siya nga pala sa park kami nagde-date at kanina pa kami nag iikot ikot kaya ang sakit na ng paa ko. Nakaupo ako dito sa may bench nakakapagod kasi.

"Uy pre may chix o" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Okay dalawang lalaki nakatingin sa direksiyon ko. May problema ba sa mukha ko? Lumalapit sila...sa akin?

"Hi miss" what? kinakausap ba nila ako? Ay tanga malamang ako lang naman nandito eh! Ano bang problema nila? Inisnob ko lang sila.

"Ay snobber ganda pa naman" narinig kong sabi nila. Wow first time ay hindi second time na pala may nagsabing maganda ako. "Ano ba!" sabi ko sa kanila dahil iritang irita na ako nakaupo kaya sila sa tabi ko.
"Pwede miss pakiss ?" Yuck nagpout pa kadiri.

"Miss wag ka na maarte alam ko namang gusto mo eh tara na!" sabi nila sabay hila sakin sa kung saan. "Aray ano ba bitawan niyo nga ako ano ba!" sigaw ko sa kanila oh my gad rape rape rapis!

"Anon-anong g-gagawin niyo sakin?" sabi ko sabay yakap sa katawan ko. Sinandal nila ako sa pader at muntik ako halikan manyak toh ah!

"Ano ba!" sabi ko sabay sampal ko sa isa sa kanila. Pero imbis na tigilan ako tinakpan nila ang mata ko pero maya maya may narinig akong yabag kaya unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong tumakbo nga ang dalawang kolokoy at...kaharap ko na si Xander.

"Ayos ka lang?" Nasaktan ka ba? Mga manyak yun eh!" sabi niya. Wow concern si koya.

"A-ayos lang ako" sabi ko nang mahina at nakatitig sa kanya.

"Matutunaw ako" -xander

"Ano?" -ako

"Sus tara na nga" sabi niya sabay akbay sakin. Parang gusto ko lang siyang titigan buong araw ngayon. Maiba nga tayo kung di niya kasi ako iniwan di pupunta yung mga kolokoy na yun eh!

"Kasalanan mo toh eh!" sabi ko at inalis ang akbay niya at dinuro siya.

"Ako?" -xander

"Oo kung hindi mo ko iniwan hindi sana lalapit mga yun at kung di mo rin ako pinasuot ng ganitong damit"
-ako

"Niligtas ka na nga diyan eh!" aaawww ang cute niya magpout... sandali anong ba tong iniisip ko? Anong cute? Erase erase di pwede yun. Ugh nakakainis dapat talaga di na ako sumama sa date na toh eh.

"Matutunaw na talaga ako" sabi niya ulit. "Ano pogi ko noh? Kanina ka pa titig ng titig eh" ang kapal naman ng mukha netong lalaking toh.

"Yabang mo" sabi ko sa kanya sabay walk out binilisan ko ng kaunti dahilan para matapilok ako pero di ako bumagsak dahil may sumapo sa likod ko at paglingon ko nagkatitigan kami ni xander. Oh my gad! Jusko! Lumayo ka nga sakin kupal! Tinayo niya na din ako matapos naming magtitigan at ngumisi pa ang kupal.

"Ah tara kain na tayo diba sabi mo kanina gutom ka na" sabi niya kaya sumunod naman ako. Habang naglalakad ay biglang umulan. Great! Wala kaming payong. At ang layo pa ng kotse niya. Hay nako pag minamalas ka nga naman oh! Sumilong ako sa malapit na puno pero medyo nababasa pa rin ako at si xander...ayun naliligo sa ulan.

"I-enjoy na lang natin toh" sigaw niya sakin sabay hatak

"Aahhhh!!!" sigaw ko nang bigla siyang tumawa. Aba baliw pala toh eh sumilong nga ako para di mabasa tapos hinila ako.

"Ughhhhh aahhh!!!" Nakakainis tinalsikan pa ako ng tubig sa gilid. Tatalsikan din kita mag antay ka lang.

"Oh yan ang sayo buti nga ble ble" pangaasar ko sa kanya matapos ko siyang itulak sa putikan. Hahahaha yung mukha niya putik putik.

"Aaahhhh!!" yuck may putik na rin ako?! Tinulak niya din ako. Ano ba yan ang daya gaganti ako.

"Lagot ka sakiiiin!!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya. Para kaming baliw dito , naghahabulan sa ulan pero nag e-enjoy ako.

*****

"Oh" sabi ni xander sabay abot nung food na binili niya.

"Salamat" sabi ko. Nandito pa rin kami sa park pero kanina pa tumila yung ulan kaya medyo natuyo na ako at nilalamig na ako kasi gabi na rin. May extra T-shirt si xander kaso isa lang. inalok niya sa akin kanina pero sabi ko okay lang kaya siya na yung nag suot nagpapakipot lang ako e tsss gentleman ah! Haaa!! Nilalamig na talaga ako. Nakayakap na nga ako sa sarili ko habang kumakain sa sobrang nilalamig na ako. Nagulat ako nang bigla na lang hinubad ni xander yung T-shirt na suot niya at isinuot yun sakin. So ngayon topless na siya. Oh my gad! naman xander nasa park kaya tayo mahiya ka naman. Tinignan ko lang siya matapos niyang gawin yun.

"Yan ka nanaman" sabi niya. Anong yan ka nanaman?

"Huh?" kunot noong sabi ko.

"Tititigan mo nanaman ako" -xander

"H-hindi ah! Assuming mh!" pagtataray ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganto kamachong katawan?" Wow kapal naman ng mukha netong mayabang na toh.

"Sira!" sabi ko sa kanya sabay batok.

"Hatid na kita bago ka pa mag yelo diyan" sabi niya sabay hila sa akin papunta sa kotse niya medyo malayo yun kanina nung umulan kaya di kami nakasilong dun pero malapit na ngayon kasi nga kinuha namin yung t-shirt niya sa kotse.

Nang makasakay kami sa kotse nakatitig pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba nababaliw na yata ako at gusto ko siyang titigan. At tsaka ineexamine ko lang siya mukha kasi siyang manyak na kupal na mabait? Hmmm sa tingin ko magiging kaibigan ko toh. Mabait naman siya eh medyo mayabang lang. "Ano?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nagda-drive.

"Huh?" sabi ko

"Kanina mo pa ako tinitignan eh baka may gusto kang sabihin" -siya

"Huh? Wala wala" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Napapansin niya pala. Haay! Baliw na yata ako. Nang makarating na kami sa condo magbababye na sana ako na bigla niya akong halikan sa pisngi na ikinagulat ko.

"Goodnight" sabi niya.

"Bastoos!" sigaw ko sa kanya. Hinubad ko ang sapatos ko at sasapatusin sana siya kaso pagharap ko ay nasa elavator na siya at nagsara na ito. Ugh! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina di ko na siya magiging kaibigan never never ever! Bastos talaga siya buwiset siya. Papasok na sana ako ng condo ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Joyce!"

The Badboy's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon