Chapter 1: The game has started

225 11 0
                                    


Chapter 1

"Kyaaaaah!!! nandyan na si Xander"

"Kyaaaaah OMG!!!"

"Kailan ka ya yung araw na tayo naman ang pagpupustahan nila?"

"Don't worry girl balita ko may bago pustahan sila"

"I can't wait"

Hay nako kakapasok ko lang ng school ako agad ang pinaguusapan. Sorry girls standby muna ako. Pagkatapos kong maulanan ng mga chicka babes ay napagod ako pero kung kayo una mag-a-approach ay ready naman ako. Anyway , I'm Xander Lim , 19 years old , 3rd college. Single and ready to mingle. Haha. I never had a serious relationship since badboy slash playboy nga ako.

"Hey bro!" bigla na lang sumusulpot toh si James galing kawalan.
"Sumesenti ka ah! Nababagot ka na ba? Gusto mo ba ng bagong laruan?" tanong ni James sabay ngiti alam niyo yun yung ngiting pang demonyo. "Ano?" sagot ko na medyo excited dahil kung paano siya tumingin sa akin ay mukhang may iaalok na naman na pustahan.
"Naisip ko lang single ka tapo---" hindi natapos yung sinasabi niya ng bigla na lang lumapit si Stella. Ang pinaka easy-to-get na babae sa balat ng lupa. Dahan dahang tumapat ang mukha niya sa mukha ko saka nagdikit ang mga labi namin. Pagkatapos niya akong halikan ay niyaya niya pa ako magdate. Iba na talaga ang nagagawa ng mukha ko. Walang sino man ang hindi mahuhulog sa lalaki na nagngangalang Xander Lim haha!!
"So as I was saying....yung tungkol sa bago mong laruan. Kailangan mo siyang ligawan at mapasagot sa loob ng 5 months nang hindi niya nalalaman na dare lang yon. Kapalit nun ang ilan sa aking chicks mamimili ka kahit sino ay hot." sabi niya

"Sus yun lang eh!....teka sino ba?" nagtatakang sabi ko.

"Edi ang pinaka corny sa buong campus....si joyce" sagot niya

"What??? Heeeey!! dude wala namang ganyanan...kadiri yun eh!"

"Isipin mo na lang ang kapalit. Pag nakipagdeal ka start na kagad yun right now...katuwaan lang naman bro eh! Ano deal?" sabi niya sabay abot ng kamay niya sakin. Hmmmm..pumayag na kaya ako 5 months lang naman pala tapos pagkatapos ng 5 buwang pagdurusa ay magiging langit na ang buhay ko.
"Deal!" tipid na sagot ko saka ko inabot ang kamay niya and shook it.
"Wala nang bawian ah and mukhang nandyan na siya! Good luck" sabi niya habang naglalakad palayo. Okay sabi niya magsa-start daw yun ngayon at nakipagdeal na ko so no choice kailangan ko siyang lapitan.
"Hey Joyce!" I approached her and kinuha ko yung skateboard niya.
"Excuse me?" binigyan niya ako ng di makapaniwalang tingin sabay kuha sa skateboard niya at tinabig ako sa tiyan. Oh ano nahipo mo ba ang six pack abs ko. Macho ko diba huh! sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya at nilabas ang pagkain niya. Cupcake? Kaaga aga kumakain na. Haaaah ang baduy niya talaga. Nakasuot siya ngayon ng simpleng t-shirt at pants na parang pang sundalo , naka-bling bling siya at naka-cap na parang pang gangster. Seriously gangster ba siya? Paupo nako sa tabi niya nang bigla siyang humarap sakin. Expressionless ang mukha niya yung parang killer. Weird! sabay kagat ulit doon sa cupcake niya. At ako naman numi-ninja moves alam niyo yun yung kunyare uunat pero nang-aakbay ka talaga.

"Omg! siya ba yung bago niyang laruan ni Xander?"

"Mukhang siya nga!"

"No way!"

"Don't tell me pumapatol si Xander sa mga ganyang klaseng babae!"

Yan ang narinig kong bulung bulungan dito. Wait lang kayo girls 5 months lang toh!
Parang ang tagal naman ng prof. namin.

"Guyysss absent daw si prof guiang magself study na lang daw muna" sabi ni Gabby. Ang aming class president na sobrang hot at hard-to-get din. Nasabi ko na bang pinsan niya si Joyce. Oo pinsan niya pero sobrang magkaiba silang dalawa. Si Gab kasi sobrang girly pero si Joyce as usual totomboy tomboy. "So...are you free tonight?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya na hanggang ngayon ay kumakain ng cupcake habang ang dalawa niyang paa ay nakapatong sa table. Humarap siya sakin at nakita kong may icing pa sa gilid ng bibig niya. Tatanggalin ko sa sana kaso tinabig niya ang kamay ko. "Nagyayaya ka ba makipagdate? kung oo sorry wala akong panahon sa ganyan!" sabi niya sabay kinuha ang skateboard niya at nag walk out. Huh! Di bagay sa kanya "Joyce!" sigaw ko sabay hinabol siya.
"Ano ba?" nagulat ako nang bigla niya kong sigawan. "Galit ka ba ms.?" tanong ko habang naka-kunot noo
"Hindi" matipid niyang sagot
"Eh bakit mo ko sinisigawan?"

"Eh bakit mo kasi ako sinusundan?" sabi niya sabay kagat nanaman sa cupcake niya at biglang binato yun sa mukha ko at tumawa ng malakas. Aba bastos tong babaeng toh ah!
"Aish! ano bang problema mo tomboy?" sigaw ko sa kanya.
"Hah! Ikaw. Hahaha!!!" sagot niya. "At hindi ako tomboy medyo lang" dagdag niya. Buwiset tong babaeng toh ni-reject na nga ang alok kong makipag date , tinapunan pa ang mukha ko. Itong mukhang to..... itong mukha kong ubod ng pogi. At isa pa , first rejection ko yun ah! Buwiset tong babaeng toh ah!
"Wag mo na ko susundan kung ayaw mong mabato ulit. Hahaha!!" sabi niya sabay talikod sa akin. At ako naman eto , sabog na. Inis kong tinanggal yung cupcake sa mukha ko habang naglalakad papuntang C.R. para maghilamos. Pagkatapos ay bumalik nako sa classroom. Hay sa tuwing naaalala ko yung ginawa ng tomboy na yun namumula talaga ako...namumula ako sa galit!!! Buwiset! pikon na kung pikon. Wag talagang magpapakita sa akin yung tomboy na yun. Wala pa kayang gumawa sakin nun noh! Bigla na namang pumasok si tomboy sa classroom. Kakasabi ko lang na wag magpapakita ah! Hay talaga namang...hoooo! Kalma , Inner peace. Kailangan ko siyang mayaya sa date mamaya. Lumapit ulit ako sa kanya at nang paupo pa lang ako ay bigla siyang nagsalita. "Ano na naman?" bagot na tanong niya and this time may hawak na siyang malaking junk food habang umiinom ng tubig. Ang takaw naman ng tomboy na toh. O hinahawakan niya lang para may ipambato na naman sa akin. "Di ba obvious? Nanliligaw ako!" sagot ko. Nagulat ako ng bigla na lang niyang binuga ang tubig na nasa bibig niya sa mukha ko at sa tingin ko sinasadya niya yun. Namumuro ka na talagang tomboy ka sa akin. "Ano? Kanina date lang ngayon ligaw na parang ang bilis yata?" sabi niya at ako naman , heto gigil na gigil na pinupunasan yung dura niya sa mukha ko. Konting- konti na lang ang pasensiya ko.

"So pumapayag ka na?"

The Badboy's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon