Hala! Ito na ako sa mundo!(Tawa muna tayo!)

229 4 3
  • Dedicado a myself
                                        

Hala! Ito na ako sa mundo!(Tawa muna tayo!)

Presenting to you ang pinakamagandang nilalang(daw!) sa mundong ito! Siyempre, alam n'yo na kung sino ang tinutukoy ng sentence, amigos y amigas! Alam na alam na po dapat natin 'yan! Siyempre, ako po ang tinutukoy sa sentence!(Tawa muna tayo kahit corny na!)

Long before na ipanganak ako, as usual, nagsasama na ang parents ko! Hindi ko naman alam ang mga pangyayari no'ng sila pa lang dalawa ang nasa mundong ito, at siympre wala pa ako no'n. How I wish that I have lived before them. Pero, hindi na masusundan pa ang lahi namin kung gano'n dahil nga sa ano ako, e. Hulaan n'yo na lang!

Birthstone ko, DIAMOND!

Zodiac sign ko, EWAN KO KUNG TAURUS O KUNG ARIES! Nakakaloca naman kasi dahil nga sa hati ang nagiging setup ng dates sa zodiac signs kung minsan.

Eastern sign ko, DOG! Hindi ko nga lang alam kung anong element.

Anyway, so much for the effing dramas and long-cuts!

Ang tagal ko na rin palang nabubuhay sa mundong ito na puno ng kalokohan, pasabog, at higit sa lahat, mga paandar dahil sa mga taong malakas magpaandar ng kayabangan. But, that's not the thing here.

Ang gusto ko lang iparating sa inyong lahat ay ito: BAKIT AKO ISINILANG SA MUNDONG ITO?

Sa gasgas na denotasyon, BIRTH IS THE SYMBOL OF LIFE!

May punto naman 'yon. Pero, para sa 'kin, BIRTH IS SOMETHING THAT IS DONE BY THE MOTHER TO HER CHILD. It sounds funny pero tama naman ako, 'di ba? In a layman's outlook, it's just nonsense. Meaning, it would just appear to be the meaning, a literal one. Pero, para sa 'kin, makahulugan ang bawat salita sa pangungusap na ito. Bakit? Simbolismo ito ng panibagong buhay.

Aba! Ikaw kaya ang pumosisyon sa nanay mo at ikaw ang mag-ire sa sarili mong photocopy sa mundo? Damhin mo ang sakit!(Dapat gano'n!) Parang si Darna ka lang, 'di ba?

Pero, paglabas na paglabas mo sa sinapupunan niya, pawing-pawi ang lahat ng hirap niya dalhin ka lang niya ng siyam na buwan. Kaya naman dapat kang magpasalamat sa nanay mo sa lahat-lahat ng sakripisyo niya, tama?

Kahit ako sa sarili ko, nanay ko talaga ang pinupuri ko kasi siya nga ang nagluwal sa 'kin sa mundong ito. Hindi ko rin naman makakalimutan ang tatay ko dahil siya naman ang bumuhay sa 'min ng mga kapatid ko. In short, pareho ko silang pasasalamatan.

Ngayon, ito na tayo sa mga kaganapan sa 'king buhay after birth.

Nang ipanganak daw ako ng nanay ko, mahabang mapayat daw ang hitsura ko. Hindi ako makapaniwala. It sounds peculiar too all pero 'yon ang totoo. Natatawa nga rin ako nang sabihin 'yon sa akin ng nanay ko kasi nga wala naman sa hitsura ng katawan ko ngayon na parang nag-gym!(Sa totoo lang, ang laki ng katawan ko! Di naman ako nagdyi-gym!)

Minsan talaga may mga bagay na hindi mo ine-expect na marinig o makita. Ito na siguro ang magpapaliwanag no'n: CHANGES ARE PERMANENT.

Ang pagbabago talaga ang kaisa-isang bagay na hindi nagbabago. Tunog panghilo, tama? Pero, kung gagamitan mo lang ng common sense. Mapapansin mo na lang na hindi nga nagbabago ang pagbabago.

Sabi rin ng nanay ko, late bloomer daw ako. Nakapaglakad na daw ako mga dalawang taong gulang na daw ako. I can't really believe na gano'ng kabagal ang learning process ko no'ng bata pa ako. Pero, no'ng nakapaglakad na daw ako, agad-agad na rin daw akong nakakatakbo. Napapagod nga daw si nanay kakahabol lang sa 'kin.

Nagugulat na lang daw siya paglingat niya, hala! Nasa malayo na daw ako. Tipong isang kilometro na daw ang natakbo ko! Agad-agad daw 'yon! Natawa na nga lang ako dahil sa sobrang OA ng pagkakakwento niya sa 'kin!

KASAYSAYAN KO?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora