Twenty One: Owner

1.6K 56 4
                                    



Yvonne's POV

"Baby, pasok ka muna dun sa loob ng kwarto ni lolo mo. I... I need to uhm... thank this man for ano... for looking after you." Pagdadahilan ko at tumango naman siya. She kissed me on my cheeks and hugged me. "Happy birthday." I whispered on her ears and she giggled.

"Thank you mommy. I love you po, goodnight!" She said. Nagulat ako nung hilahin niya yung shirt ni Kean at hinalikan niya ito sa cheeks. "Goodnight din po. Thanks for keeping an eye on me po." Sabi niya at humahagikhik na pumasok papuntang kwarto ni lolo dito sa hospital.

I smiled as I watch her go inside. Ang kulit kulit niya talaga. I remember how worried I was earlier. Hindi ko na alam kung hindi ko siya nakita ngayon, baka mabaliw ako.

"Ehem.." I looked at the man inside of me... who's looking at me intensively. Gusto kong umiwas ng tingin dahil sa mga titig niya pero pinigil ko. After how many years... alam kong haharap at haharapin ko din siya. But I didn't expect it to happen now. Hindi pa ako handa.

"Who is she?" He finally asked. I felt the coldness in his voice and I tried to find the right words to say. Isang pagkakamali, pwede niya iyong gamitin laban sa akin.

"She's obviously my daughter. Hindi mo ba narinig?" Sarkastikong tanong ko sakaniya at nakita ko ang halo halong emosyon sa mga mata niya. He looked so frustrated and cold at the same time.

"She's just... your daughter?" Tanong niya ulit at napalunok naman ako sa tanong niya. Ugh. What should I say? The truth? Pero paano kung kunin niya sa akin ang anak ko? I know him. He'll do anything para magawa ang gusto niya. Sa sampung taon na wala ako, I always see the news about him and his cruelness, lalo na sa business.

"Answer me Yvonne. Is she related... to me?" I heard him say. Napapikit ako ng mariin. Pinag-iisipang mabuti kung ano ang mga susunod na salitang lalabas sa bibig ko.

"She's... she's not. Hindi mo siya ka-ano ano Kean." I said as I look at the floor. Nahagip ng mga mata ko ang kamao niyang nanigas. I can feel that his dark aura right now.

Nagulat ako nang makita ko siyang umalis. As in, na-shock talaga ako. Just like that, with that simple answer. He left. He left me.

Yun naman ang gusto ko eh. Ang iwan niya kaming dalawa. Because in ten years, I managed to be a mother and a father to Summer. Ngayon, kayang kaya ko pading gawin yon. We can manage. We can live without him.

~~

"Mommy, tito A-"

"Baby can mommy take a nap muna? Hindi ako nakatulog magdamay dahil nagbasa si mommy ng papers about sa company. Please?" I asked her and she only nodded then kissed my cheeks.

"Okay. But promise me later after you take a rest na sasamahan mo ako sa new school ko?" Sabi niya at tumango naman ako. She smiled and I kissed her forehead. That's just what I want. Seeing her smile. Knowing that she's happy. Swak na. Buo na ang araw ko.

Umalis na muna siya sa kwarto. We're at our house dito sa manila muna. Si mama muna ang nasa hospital ngayon dahil kakagaling lang namin don last night. Di na ako nakatulog dahil tatlong araw ko nang nire-review ang mga naiwang mga trabaho ni papa. And hindi pa ako nakakakalahati. I wonder how hard dad tried to manage the company for years. Nakakapagod.

And yes, it's been three days since we last talked. Kaming dalawa ni Kean. He didn't bother me. Ni hindi siya nagparamdam o nagpakita. At mas lalo akong kinakabahan dahil don. What if he's trying to plan something big? Something I can't handle? Kaya ba siya hindi nagpaparamdam dahil may tinatago siyang malaking alas laban sakin para makuha niya si Summer?

My Bad Boy : Montesalve brothers 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon