OUTCAST

28 1 0
                                        

OUTCAST
A Short Story

(BL Azul)

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala rito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinago sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.

Ang anumang bahagi o kabuuan ng aklat na ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan.

1

"Minsan sa buhay mo may gagawin kang magpapabago sa ikot ng buhay mo ngunit tatatak ito sa'yo ng panghabang-buhay."

Ako nga pala si Trisxian John Mendevillio o mas kilala bilang TJ, isang fourth year college student at isang presidente sa block namin; isang napaka walang kwentang presidente. Napag trip-an lang kasi namin ng tropa ko na tumakbo ako bilang president at dahil nga sikat ako ---hindi sa pag mamayabang ay nanalo ako, 'No sweat' ikanga. Hindi ako 'yung tipong opiser na maaasahan mo; lagi akong late sa klase, isa ako sa mga nangunguna sa ingay, laging nasa inuman ---ngunit sabi nga nila na normal na iyon sa agos ng engineering. Well, kung hindi kayo sumasangayon, dito kasi sa unibersidad na pinapasukan ko ay OO.

Maingay, magulo, barumbado o kung ano ano pang bad image ang nagiging tingin nila sa college namin. Pero sa lahat ng mga masasamang salita ay may isang nag bubukod tangi sa kolehiyo ko. Dahil kalahati ng mga gwapo at magaganda ay nasa College of Engineering.

Noong una nga ay natakot pa ako um-enroll dito. Pero mas umiral sa akin na kung gusto kong maging mahusay na enhinyero ay dapat dito ako pumasok. Taon-taon kasi itong nagpo-produce ng mga topnotchers.

Hindi naman ako nagsisi na nag-enroll ako dito, dahil lahat ng binabato nila ay mayroong dahilan. Sino nga ba'ng hindi magpapakasayang estudyante kung halos lahat ng professor dito ay mga terror? 'Yung tipong sa unang araw lang ng klase papasok at the rest of the sem ay hindi na at papasok na lamang ito kung final examination na at magpapa-test sainyo. Sino'ng hindi maloloko doon? Ni hindi man lamang tumuro ng isang topic ngunit ang kapal ng mukha na magpapa-test?

May mga professor din na wala na ginawa kung hindi mag pa-board work, ayos na rin naman nga iyon, pero kailangan din kami turuan at hindi na lang puro self-study ang ginagawa namin. At ang mas malala pa doon ay magpapaulan sila ng singkong grado sa second sem para marami ang mag summer at may sweldo pa rin sila.

Ngunit lahat ng perspektibo ko dito ay nag bago. Hindi lahat maingay, hindi barumbado at higit sa lahat ay hindi mareklamo. Si Jenny o Jenny Outcast na pabirong tawag ng mga kapwa ko Civil Engineering student. Nang maging ka-blockmate ko ito ay mistulang may nagudyok sakin na alamin kung bakit siya ganoon. Kung bakit ito tahimik at mistulang ayaw sa mga tao. Gusto kong alamin, hindi! Gustong-gusto ko talagang alamin.

2

Kahit na gusto kong tanugin ito ay nauunahan ako ng hiya. Ilang beses na rin din kasi itong kinausap ng mga ka-blockmate ko ngunit isang tango, pag ngiti at iling lamang ang tugon niya dito. Ngunit hindi ko alam kung bakit mas lalong umigting ang damdamin ko upang mas lalong unawain ito.

Ilang araw ko rin siya kinulit, ininis at inasar bago ko narinig ang tinig nito. Magiging melodiya na sana ito sa pandinig ko kung hindi lang pasigaw ang pagkasabi nito. Mistulang na-video ng utak ko ang nangyari na kahit ang pagtitig at paggalaw nang nakalugay na buhok nito ay alang-alala ko pa. Ito ang unang beses na narining ko ang boses niya. It seems so soft but sharp. Mistulang isang kutsilyo ang sinabi niya na nakapag paukit sa puso ko na hinding-hindi ko na makakalimutan.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 30, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Outcast (12012016)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang